Martes, Disyembre 1, 2020

ISKRIP SA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON-2C

 

UNANG PANGKAT

Delaying Taxtics: Isang paglalahad ukol sa 2021 National Budget at liderato sa kamara.

Prayer and Opening Remarks: Jennah Ramos

Pagbati sa ating masipag at kagalang-galang na guro, Ms. Jessa Cada. Sa mga butihing guro ng paaralan, mga aktibong mag-aaral at mga manonood, isang magandang araw po sa inyong lahat.

Introduction: Jennah Ramos

Malugod kong tinatanggap ang pagkakataong ito upang ipakilala sa inyo ang iminungkahing badyet ng programa para sa 2021. Kasalukuyang nasa ilalim ng hindi pangkaraniwang mga pangyayari ang ating bansa. Ang Covid-19 ay naglagay ng buhay sa bilyun-bilyong tao sa buong mundo sa kaguluhan, na nagdudulot ng matinding pagdurusa at nakakapinsala sa pandaigdigang ekonomiya.

Ngayon ay narito ang aming grupo upang talakayin sa inyo ang 2021 proposed national budget na sa wakas ay naaprubahan pagkatapos ng mga linggo ng pagkaantala sa gitna ng pagtatalo sa liderato ng kamara. Ilang buwan itong nagging usap usapan sa ng taong bayan at kamara. Ilan sa mga bibigyang linaw sa pag-uusap ay ano ang 2021 National Budget? Bakit mahalaga itong pag-aralan? Ano ang proseso sa pagpasa ng 2021 National Budget? Ilan sa mahahalagang nilalaman ng budget na ito? Ano ang kapangyarihan ng isang house speaker? Bakit nagkaroon ng ‘term sharing’ sila Cayetano at Velasco?  At Paano ito nasolusyonan? Ang mga ito ang papalawigin mamaya lang sa aming programa na pinamagatang Delaying Taxtics dahil nakasalalay sa budget na ito ang patutunguhan ng ating mga buwis.

Part 1: BADyet: Ano ang 2021 National Budget? – Reiniel Mayang 

Ngayong taon ay sobrang daming pangyayari ang lubhang nakaapekto sa buong mundo at isa sa mga pangunahing dahilan ay ang pagkalat ng COVID 19. Sobrang laki ng naging epekto nito dahil unang una, sobrang daming namatay dahil sa sakit na ito, ngunit bukod dito ay may marami pang mga bagay ang naging epekto nito, tulad ng mga business, marami ang nawalan ng trabaho, sa edukasyon, at marami pang iba.

Ang national budget para sa 2021 ay isa sa mga pinaka kritikal, politikal at importanteng programa ni Pangulong Rodrigo Duterte. Mag re-reflect dito ang kanyang mga legacy program. Makikita din natin dito kung anong mga sector ang ipa-prioritize ng gobyerno dahil sa naging epekto ng pandemya. Ang tema ng 2021 national budget ay “Reset, Rebound and Recover: Investing for Resiliency and Sustainability”.   Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado na ang 2021 national budget ay 4.506 trillion at 9.9% na mas malaki kesa sa 2020 budget at 21.8% ng Gross Domestic Product(GDP). Ang nasabing budget ay gagamitin para sa pag iimpprove ng healthcare systems, pag eensure ng food security, pag gawa ng maraming trabaho sa pamamagitan ng pag invest sa labor intensive projects, pag enable ng digital government and economy at sa pagtulong sa mga komunidad upang makapag adjust o maka cope sa naging epekto ng pandemya. Bakit nga ba natin ito dapat pagaralan nang husto? Ito ang ating malalaman sa susunod na parte ng ating programa.

Part 2: Study First: Bakit Kailangang Pag-aralan ang 2021 National Budget? – LJ Clarisse Miranda

Una sa lahat mahalagang pag-aralan ng mga nakaupo sa pwesto kung paano nila gagamitin ng maayos ang kaban ng bayan. Kung saan nga nila ito higit na kailangang ilaan. Lalo  na sa panahon ngayon maraming mamayan ang umaasa sa gobyerno dahil marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemia at sa mga di inaasahang pagdating ng mga sakuna gaya ng lindol, bagyo, pagputok ng bulkan at iba pa ay maraming nasirang pangkabuhayan kung kaya nararapat lamang na suriin maigi kung saan nga ba dapat gamitin ang nasabing budget na ito. 

Bilang isang mamamayang Pilipino marapat lamang din na pag-aralan natin ito upang malaman natin kung saan nga ba napupunta ang pera ng ating bansa. Lahat tayo ay may karapatang malaman kung may magandang plano nga ba ang ating napiling pinuno upang maisaayos ang ating bansa. Mahalagang pag-aralan natin kung nagagamit nga ba ng tama ang kaban ng ating bayan. Dahil lahat tayo ay maapektuhan sa kung ano man ang kanilang magiging desisyon, maaaring ito ay may mabuting dulot o masama sa bawat isa.

At kailangan din nating malaman kung ano nga ba ang kanilang prayoridad upang mapabuti ang ating bansa higit sa lahat ay ang mga mamamayang Filipino lalo na sa sitwasyong kinahaharap ngayon ng buong mundo at lahat tayo ay apektado.

Para sa akin, parte ito ng aking pagiging Filipino dahil lahat tayo ay kanya kanyang opinion ukol dito. Mahalagang pag-aralan muna natin ang bawat usapin bago tayo magbigay komento. Bago ko tapusing ang aking pahayag na ito ay may iiwan akong isang kataga na akin mismong natutunan sa mga nagdaang araw, ito ay “Mahalagang paganahin muna natin ang ating mga utak bago ang ating bibig.” Paano naman ang daloy ng pagpapasa ng isang badyet? Atin itong alamin.

Part 3: Progress sa Congress: Proseso sa pagpasa ng taunang badyet – Jhanine Nicole Marqueses

Sa mga naunang tagapagsalita ay nalaman na natin ang 2021 National Budget at ang kahalagahan kung bakit ito nararapat na pag-aralan kung kaya’t ngayon po ay dumako na tayo sa mga proseso nito. Ito ang Progress sa Congress: Proseso ng pagpasa sa taunang badyet ng bansa.

Mayroong apat na yugto ang naturang pagpaplano nito: una ang Budget Preparation, ikalawa ang Budget Legislation/Authorization, ikatlo naman ay Budget Execution at ang ikaapat at pinakahuli ay ang Budget Accountability. Sa talakayang ito ay mas palalalimin ang apat na hakbang upang maisakatuparan ang taunang badyet.

BUDGET PREPARATION

Una, bubuuin ng executive department ang budget para sa susunod na taon. Nakapaloob dito ang proseso ng budget call kung saan nagsasaad ng target na kikitain at uutangin, pati na rin ang mga prayoridad o ang pagkakagastusan ng gobyerno sa ating bansa. Limitado ang kaban ng bayan kung kaya’t hindi lahat ng panukalang proyekto ay hindi naaaprubahan o naisasakatuparan. Kung hindi man matutugunan ang pangangailangan o gastusin ng bansa mula sa ating kaban ng bayan na nagmumula sa buwis at iba pang kita ng bansa ay kinakailangan pang mangutang upang makamit ito. Kaya kinakailangang unahin ng gobyerno ang mga pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng social protection and services, economic expansion and job generation, climate change and disaster reduction, enabling environment for inclusive development at iba pa. Nararapat ring mas pagtuunan pa ng pansin ang mga mahihirap na komunidad sa ating bansa kung kaya’t masinsinang pinaplano ng Pangulo at gabinete sa tulong ng Department of Budget and Management (DBM) kung anong mga departamento ang dadagdagan o babawasan ng budget pati na rin ang performance target para sa mga ito. At upang mas mapakinggan ang boses ng mamamayan, mayroong inilunsad na reporma na tinawag na Bottom-up Budgeting. Dito, may nakalaang badyet para sa mga proyekto na mismong mga komunidad ang nagpanukala.

Sa loob ng pitong buwan na pagpaplano, isusumite na ng Pangulo ang panukalang pagbabadyet matapos ang kanyang State of the Nation Address.

BUDGET LEGISLATION/AUTHORIZATION

Sa ikalawang prosesong tinatawag na budget legislation, tinatalakay ng mga mambabatas ang panukala ng Pangulo at ipinagtatanggol ng bawat ahensya ang kanilang panukalang badyet para sa kanilang mga proyekto. Mas masusi na rin ang bawat detalye dahil babalangkasin na ang bawat pagkakagastusan hal. Lalagyan na ng mga bilang ng benepisyaryo at ang kanilang mga benepisyo at detalyado na rin ang mga proyekto kung saan mas malalaman/matitimbang ng kongreso kung tataasan o bababaan ang badyet ng mga ahensya.

Matapos ang ilang mga pagdinig sa korte at plenaryo, aaprubahan na ito ng kongreso na pipirmahan ng pangulo/enactment at magiging General Appropriations Act (GAA).

BUDGET EXECUTION

Sa ikatlong hakbang, pagkatapos maipasa ang taunang badyet ay hindi agad-agad magagastusan ang mga proyekto ng bawat ahensya dahil hindi agad-agad ay nariyan ang salapi dahil iipunin pa ito mula sa mga buwis at kung kukulangin man ay mangungutang ang ating bansa. Mayroon ding mga sinusunod na mahahabang proseso sa paglalabas ng pondo at kailangan itong dumaan sa “procurement process” hal. Sa mga imprastraktura, mayroong ginaganap na public bidding kung saan mapipili ang kompanya na mayroong kalidad na serbisyo sa sulit na halaga.

Maay mga pagkakataon na kailangan na ng agarang badyet para sa isang proyekto o pangyayari kung kaya’t papasok dito ang GAA-As-Release document kung saan ay babawasan ang mga proseso sa paglalabas ng salapi upang matugunan ang pangangailangan.

BUDGET ACCOUNTABILITY

Ang budget accountability ang pinakahuli ngunit pinakaimportanteng parte ng buong pagbabadyet dahil dito na dapat mayroong kinalaman ang bawat mamamayan kung saan sila ay dapat magbantay at maging mapagmatyag sa bawat ginagastos at proyektong isinasagawa.

Ang mga ahensya ay nararapat na magsumite/mag-ulat sa publiko ng mga accountability reports para sa mga gastusin at performance review ng mga nakamit nila mula sa kanilang mga proyekto. Makikita ang iba’t-ibang mga impormasyon tungkol sa mga proyekto at target ng iba’t-ibang mga ahensya sa kanilang mga website para ito ay makita ng mga mamamayan.

Sa huli ay tinutuos ng Commission on Audit (COA) upang tingnan nang mabuti ang mga pinagkagastusan ng bawat ahensya at pagsita sa mga ahensya na mayroong gastusin na hindi wasto sa kanilang planong badyet. Maaaring makita ang mga audit reports ng COA sa kanilang website. Ngunit ano nga ba ang ilan sa mahahalagang probisyon ng badyet na ito? Iyan ang ating malalaman sa susunod na bahagi.

Part 4: Bakit List: Mga mahahalagang probisyon sa loob ng 2021 National Budget – Marc Rafael Makiling

Ayon sa Department of Budget and Management, ang 4.506 trillion cash budget para sa taong 2021 ay bibigyang kahalagahan ang pagpapatigil sa pagkalat ng COVID virus at susubukang wakasan ang pandemya. Dagdag pa, ilalaan rin ito sa agarang tulong sa mga nasalanta ng bagyo kasabay ng muling pagtatayo ng ekonomiya ng bansa. Naglalayon rin itong palakasin ang ang health care system, food security at pagpapagawa ng mga inprastaktura kasabay ng pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na sektor ng lipunan.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, ang 2021 budget ay 9.9 percent na mas mataas kumpara sa 2020 budget kasabay ng bagong tema na ‘Reset, Rebound and Recover: Investing for Resiliency and Sustainability.’

Dagdag pa, naririto ang sampung departamentong binigyang prayoridad sa dagdag budget sa susunod na taon:

Una ay ang edukasyon (DepEd, Sucs, Ched, at Tesda) na mayroong 754.4 B na pondo, pangalawa ay ang Department of Public Works and Highways na nilaanan ng 667.3 B, pangatlo ang Department of the Interior and Local Government na mayroong 246.1 B, pangapat naman ay ang Department of National Defense na binigyan ng 209.1 B na pondo, panglima naman ay ang Department of Health na nilaanan ng  203.1 B, panganim naman ay Department of Social Welfare and Development na mayroong 171.2 B, pangpito naman ay ang Department of Transportation na may 143.6 B, pangwalo naman ay ang  Department of Agriculture na binigyan ng 66.4 B, pang siyam naman ay ang The Judiciary na may 43.5 B, ang ikasampu at huli ay ang Department of Labor and Employment na may 27.5 B.

Samantala, naririto rin ang distribusyon sa iba’t ibang sector:

Nangunguna ang social service sector na mayroong alokasyon ng 1.663 trillion pesos kasunod ang economic services na mayroong 1.347 trillion pesos. Naglaan naman ng 724.2 billion budget sa sektor ng general public services. Kasunod naman ay ang paglalaan ng 560.2 billion para sa ‘debt burden’ at ang pinaka huli na may pinakamababa na alokasyon ay ang defense sector na may 2106 billion pesos.

Para sa tema, Reset: Addressing the Pandemic, binigyan ng kabuuang 203.1 billion ang health budget para sa 2021, Rebound: Reviving Infrastructure Development, mula sa 4.5 trillion proposed, nagbigay ng dagdag 1.107 trillion pesos para sa pagpapagawa ng imprastraktura at huli ay ang Recover: Adapting to the post-pandemic life na naglalayong magbigay ng budget sa iba’t ibang sector ng bansa na aking nabanggit kanina.

Ayon pa sa senado, naririto ang mas spesipikong hatiian at distribusyon ng budget, binigyan ng 8 Billion Pesos ang Department of Health upang tugon sa mga Covid Vaccines kasabay ng 54 Billion pesos na ‘standby’ funds na magagamit lamang depende sa gobyerno. Binigyan rin ng bukod na 21 Billion fund para sa imbakan, transportasyon at distribusyon ng mga Covid Vaccines. Inaasahan rin na magkakaroon ng ‘mas mataas’ na dagdag budget sa DOH para sa mga regional hospital at iba pang healthcare institutions. The Research Institute for Tropical Medicine ay bibigyang dagdag budget rin para sa mas mataas na kalidad na programa; tulad ng training para sa mga COVID-19 personnel at mas malawakang pagmamatyag sa mga malalapit na sakit kaugnay ng COVID at mga programang naglalayong patigilin ang pagkalat ng mga non-communicable disease.

Ayon pa kay Sotto, bibigyan rin ng mga dagdag na funding ang mga lokal na ospital para mabigyan ng dagdag na mga kagamitan tulad ng mga kama at mga kinakailangan pang gamit.

Samantala, naglaan rin ng 1 Billion pesos ang senado para sa contact tracing sa Department of Interior and Local Government ng malaman ng mga senador na hindi naglaan ang DILG ng budget para sa contact tracing noong budget debate.

Kasama pa sa budget nito ay ang Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program para sa mga lokal na gobyerno sa ilalim ng Local Government Support Fund. Kasabay rin nito ay ang dagdag budget sa LGU upang tulong sa pagbuo ng mga evacuation center, mga daanan at tulay na nasira ng bagyo at mga flood control program, kasama na rin rito ang sector ng agrikultura bilang tulong sa mga mangingisda at magsasakang naapektuhan ng kalamidad.

Bibigyan rin ng dagdag pondo ang National Expenditure Program sa ilalim ng Department of Public Works and Highways para sa pagpapagawa at pagsasayos ng mga imprastraktura sa sector ng transportasyon sa pamamagitan ng dagdag 226 Million Pesos para sa mga daungan at dagdag taas na 1.228 billion sa darating na proyekto sa paliparan. Binigyan rin ng cash assistance programs para sa mga manggawa ng Department of Labor and Employment at sa scholarship project ng TESDA at CHED.

Inaasahan rin na tataas rin ang budget ng Philippine National Police at ng Commission on Human Rights sa susunod na taon.

Bibigyan rin ng mas mataas na budget ang secktor ng edukasyon para sa mga school supplies, dagdag allowance para sa mga guro at at mga printing requirements para sa paggawa ng modules.

Hindi lingid sa ating kaalaman na malaki ang papel ng isang house speaker sa pag aapruba ng naturang badyet. Ano nga ba ang kapangyarihan ng isang house speaker? Ating alamin.

Part 5. Next In Line: Ano ang kapangyarihan ng isang House Speaker? – Sheina Mae Pascua

Ano nga ba ang kapangyarihan ng isang House Speaker?

Ang house speaker kasama ang senate president ang namumuno sa lehislatura ng bansa upang lumikha ng mga bagong batas. House speaker din ang naghahanda ng legislative agenda ng mababang kapulungan. House speaker din ang namumuno sa mga session at pumipirma sa mga batas at resolusyon. May kapangyarihan din siyang mag appoint, magsuspendi, mag tanggal at mag disiplina ng tauhan sa kamara. Ang house speaker din ang pang apat sa may pinaka makapangyarihan na pwesto kasunod ng senate president, dahil pwede rin siyang maging presidente pag nagkataon. Napakalaking kapangyarihan kapag isa kang house speaker dahil ikaw ang naghihimok sa house of representatives , at dahil house speaker ka mayroon kang kontrol kung anong legislation ang ipapasa, bukod pa don may kontrol ka kung kanino mo ibibigay yung chairpersonship nang mga various committees at ang pinaka importante ay mayroon ka din kontrol sa badyet ng bansa. Mananatili ang house speaker sa kaniyang puwesto hanggang sa katapusan ng kongreso kung kailan siya nahalal o kung hanggang kailan pabor sakanya ang mga mayorya ng kamara. Sa kasalukuyang isyu ng pagaagawan sa liderato nito, ano nga ba ang tunay na nangyari? Ating alamin.

Part 6: Agawang Kendi: Bakit nagkaroon ng term sharing sila Cayetano at Velasco? – Daisy Mabilangan

Ang term sharing ay ang pagsasalitan sa pwesto bilang house speaker ng kongreso na inanunsyo ni President Rodrigo Duterte bago ang pag o- oath taking ng mga bagong appointees sa gobyerno dahil umano sa nagaganap na paligsahan sa pagitan ni Representative Peter Cayetano at ni Representative Lord Velasco. Ayon kay Pangulong Duterte ay hindi nya raw pinapakialaman ang mga kaganapan sa kamara kundi ang mga lider lamang nito, kung kaya’t nasa mga kongresista pa rin naman daw ang desisyon kung susundin nila ang kanyang nominasyon, bagamat inihahalal ng mga kapwa kinatawan sa House Representatives ang speaker ay nakakuha naman ng “super majority”ang administrasyon, dahilan para maging mas madulas ang pag-sang ayon ng kamara sa mga nais ng presidente. (Una na ring sinabi ng PDP- Laban, na partido ni Duterte na magiging pambato nila si Velasco sa posisyon.) Si Cayetano ang magiging speaker sa unang 15 buwan, tapos si Velasco naman sa sa susunod na 21 buwan habang si Martin Romualdez naman ang magiging majority floor leader. Ang speaker ang papalit sa presidente oras na hindi magampanan ng bise presidente at senate president ang kanilang tungkulin na humalili.

Base sa mga kapwa kongresista sa kamara noong si Representative Cayetano pa ang nakaupo ay dapat raw sa araw o oras na idineklara ng pangulo ang term sharing agreement sa pagitan ng dalawang kampo ay marapat lamang na maging aktibo, at makiisa at ipakita ni Velasco ang kanyang suporta kay Cayetano, ngunit ni isang beses ay hindi raw man lang nila nakita si Velasco na lumitaw sa kongreso at hindi aktibo sa mga napapanahong issue, kung kaya’t kanilang sinabi na mas gugustuhin nila na manatili na lamang si Representative Cayetano na maging House speaker dahil makikita kay Reprentative Cayetano ang kanyang dedikasyon, pursigido at higit sa lahat ang pagiging aktibo na talaga namang masasabing si Representative Cayetano ay kwalipikado sa posisyong House Speaker.

*Kung ayaw na sa akin, kusa po akong aalis. Pero hindi naman pupuwede poo na ‘pag may isa o dalawa na manggugulo ay ‘yung buong kongreso susunod nalang.” – Representative Cayetano (Radio Interview). Ayon rin kay Cayetano ay hindi raw sya nakaramdam ng kahit anong suporta galing kay Represenatative Velasco. “Ang usapan namin during my time, suportahan nya ako, during his time suportahan ko siya, pero hindi talaga ako nakatikim ng suporta galing sa kanya.” Dagdag pa niya.

Matapos na pananahimik ni Velasco ay nagsalita na rin siya ukol sa mga isyu sa kongreso, sinabi niya na kaya siya ay tahimik sa termino ni Cayetano ay iniintay nya marahil na matapos ang “gentleman’s agreement” at sunod na na rito ay ang  pagpapakitan niya di umano ng respeto sa nakaupong House speaker at hindi naman daw ibig sabihin ng kanyang katahimikan ay hindi na siya interesado sa posisyon at tinalikuran ang kanyang tungkulin, dagdag pa niya na pag siya na ang nakaupo sa pwesto ay ipapakita niya ang kanyang paraan sa pamumuno at pag natapos na ang parehong termino ay dun husgahan ng mga kongresista ang dalawang kampo.

Sa kabilang banda, napagdesisyunan ng kongreso na manatili si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano matapos tanggihan ng mga mambabatas ang pagbibitiw nya para umano bigyang-daan ang term sharing nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ngunit bago ito ay nag privilege speech si Cayetano kung saan ay inilantad nya ang umano’y hindi kahandaan ni Velasco sa posisyon, at ang mga nangyari umano sa pulong nila kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matapos ianunsyo ni Cayetano ang kanyang pagbibitiw sa pwesto ay pinagbotohan pa ng mga kongresista kung tatanggapin ang resignation ni Cayetano. Dalawang beses nagbotohan. Una sa palakasan ng boses at para mas malinaw ang pagboto ay nag nnominal voting o isa isang pagboto. Dito umano magkakaalaman kung suportado ng mayorya ang palitan ng speaker. Ang resulta ay parehong pinanalo ni Cayetano at sinabi ng mga kaalyado ni Cayetano na kalimutan na ang term sharing dahil msimong mambabatas na ang nagsalita na nais nilang panatilihin sa pwesto si Taguig Represenative Cayetano. Ngunit hindi maiiwasang batikusin ang ginawang aksyon ni Cayetano, katulad na lamang ni Representative Lito Atienza na binatikos ang naging paraan  sa pagpili ng bagong house speaker, ayon sa kanya ay “Panindigan sana ni Cayetano ang mga salita nito lalo na’t pumayag siya sa Term sharing agreement at ang naganap sa kamera ay pagbali sa isang kasunduan na ginawa sa harap ni pangulong Duterte.”

Nanatiling tahimik ang kampo ni Representative Velasco at wala pa itong nilalabas na anumang pahayag ukol sa mga nangyari sa kongreso.

Part 7: Sitting Pretty: Paano nasolusyonan ang gusot sa kongreso? – Donna Marabi

Magugunita na bago ang pagsisimula ng 18th Congress ay inendorso ni Pangulong Duterte si Cayetano sa mga kongresista bilang kanyang pambato sa speakership race.  Ayon sa kasunduan, si Cayetano  ang magiging Speaker ng labinlimang buwan at pagkatapos noon ay si Velasco naman ang mamumuno sa Kamara sa nalalabing 21 buwan hanggang sa 2022 elections.

Ang Speaker of the House ang pinakamataas na opisyal ng Kamara. Siya ang ikaapat na pinakamakapangyarihang opisyal ng gobyerno, ayon sa congress.gov.ph. Ito ay dahil, ang House Speaker ay pangatlo sa presidential line of succession, kasunod ito ng Bise Presidente at Senate President. Ang presidential line of succession ay ang pagkakasunud-sunod ng mga opisyal ng pamahalaan na magte-takeover sa pamamahala sa bansa sakaling ang presidente ay pumanaw, nag-resign, o na-impeach. Gayunpaman, naluluklok sa puwesto ang isang House Speaker sa pamamagitan ng pangkalahatang boto (majority vote) ng lahat ng miyembro ng Kamara. Ang House Speaker ang nagpe-preside sa sesyon, pumipirma sa mga panukala, resolusyon, memorials, writs, warrants at subpoenas, at nagdidisiplina o nagsususpinde sa mga miyembro ng Kamara.

Ngunit pinatalsik din kalaunan bilang House Speaker si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at iniluklok naman sa naturang puwesto si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.  Sa boto ng 186 mambabatas sa isang sesyon na isinagawa sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City, idineklara nilang bakante ang posisyong Speaker para bigyang daan ang pag-upo ni Velasco.  Ang ilan ay bumoto umano via Zoom. Higit ang 186 sa kalahati ng halos 300 bilang ng mga mambabatas.

Sa  maikling inaugural speech ni Velasco, ikinuwento nito kung gaano kahirap bago umabot sa puntong iyon.  Maalaalang may term sharing agreement sila ni Cayetano. Tiniyak ni Velasco na ipapasa ng Kamara ang nakabinbing 2021 budget alinsunod sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Samantala, pinabulaanan naman ni Deputy Speaker Neptali Gonzales II, kaalyado ni Cayetano, na suspendido ang session, walang basbas ng plenaryo ang pagko-convene at wala rin opisyal na mace. Wala ring resolution na nagpapahintulot sa sesyon sa labas ng Batasan kaya malinaw na ilegal umano ang sesyon. Kinontra ito ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez “There is nothing in the Constitution that says Congress session is invalid in the absence of the mace… Mace is merely a symbol of authority and cannot gain higher authority than the physical warm bodies and those present electronically who constitute a majority,” ani Rodriguez. Ayon naman sa isang political analyst, hindi na pinag-uusapan ang legalidad dito. Sa politika aniya, panalo ang may numero. Sabi ng abogadong si Tony la Viña.

Pherapy: Paglalahat at Pangwakas na Pananalita – Kobe Angelo Leocadio

Sa gitna ng lahat ng gulo na ito sa kamara, hindi pwedeng walang maipasa na badyet ang bansa dahil mauuwi ito sa isang economic freeze gawa ng kawalan ng pasweldo sa mga opisyal ng gobyerno. Bakit nga ba ganon na lamang ang kapit ng mga tao sa kongreso lalo na sa pagiging speaker? Sa laki ng halagang pinaguusapan nila doon, di lang milyones kundi trilyones, mahirap nang paniwalaan na purong apoy ng pagtulong lamang ang naguudyok sa kanila bilang maging kongresista.

Hindi naman ito ang pinakaunang isyu sa mga tao sa lehislatura, at karamihan sa kanila ay laging patungkol sa pondo at kaban ng bayan. Pera ito ng mga tao na halos gawing araw ang gabi maigapang lamang ang pagkain ng kanilang pamilya. Pera ito na sanay magagamit upang mabigyang atensyon ang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Ngunit pera ito na napupunta lamang sa korapsyon at sa bulsa ng iilan. Hindi naman magpapakabalimbing at magkakapit tuko sa pwesto ang mga taong ito pag walang personal na pakinabang.

Masasabi nating kritikal ang magiging nilalaman ng 2021 National Budget sa kadahilanang ito ang magiging susi sa ating patuloy na pakikibaka sa pandemya lalo na sa mga bakunang maaring makapagligtas ng maraming Pilipino sa COVID-19. Maaari rin nitong pondohan ang mahahalagang proyekto ng bansa upang umunlad, ngunit sa kawalan ng pakialam ng mamamayan, maaari itong mapunta lamang sa bulsa ng ilang tao at makapigil sa pagbangon ng ating bansa. Bilang mga mamamayang Pilipino, ating responsibilidad na maging mapagmatyag upang malaman natin ano ang silbi ng bawat probisyon sa badyet, at maiwasan ang korapsyon.

Yayamang nalalapit na rin naman ang eleksyon sa 2022, sana’y maitama na ng mga Pilipino ang mga pagkakamali sa paghalal ng ilang opisyal sa mga nakalipas na eleksyon. Nasa sa atin naman kung pagbibigyan pa natin sila na umulit sa kanilang kamalian o pahintuin sila at magluklok ng mga nararapat na mamuno sa sambayanan.

Maraming salamat po sa lahat ng nakasubaybay sa aming programa na pinamagatang Delaying Taxtics, nawa’y nakapaglahad kami ng malinaw na impormasyon hinggil sa badyet kung saan napupunta ang ating buwis. Hanggang dito na lamang po at natatapos na po ang aming programa.

 

 

 

 

                                                                                        


 

IKALAWANG PANGKAT

Wikang Pangkalahatan, Tungo sa Kaunlaran: Pagtuturo ng wikang Korean sa mga piling paaralan.

(Pagsasagot ng Registration form)

Pagpapakila at Pagsisimula ng programa

PANIMULA: (Bb. Ivy Maglangit)

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda. Ito ay isa sa tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika at sabuhay ng isang tao.

Mapagpalang araw sa inyong lahat. Sa mga tagapagsalita, sa aming butihing guro sa Kontekswalidong pangkomunikasyon na si Bb. Jesa Cada, sa mga kapwa magaaral at sa mga dumalo sa araw na ito. Magandang araw sa inyong lahat. Ngayon ay atin nang bibigyan ng pagbubukas ang ating programa na may paksang Wikang Pangkalahatan, Tungo sa Kaunlaran: Pagtuturo ng wikang Korean sa mga piling paaralan. Bago magsimula ang ating presentasyon tayo muna ay manalingin na pangungunahan ni Bb. Jenevive Quisaba.

PANALANGIN: (Bb. Jenevive Quisaba)

Sa pagsisimula ng araw na ito, bago pa man tayo maging abala sa ating mga gawain at tungkulin, manalangin tayo at hingin ang pagpapala ng ating makapangyarihan at mapagmahal na Diyos. Tayo ay pumikit at manalangin.

O Aming diyos, Amang kataas-taasan ang pagsama-sama pong ito ay aming inihahandog sa inyo upang ikaw ay purihin at pasalamatan. Labis ang aming pasasalamat Panginoon sa inyong walang hanggang awa at pagkalingang patuloy na ipinagkakaloob sa amin. Panginoon patawarin nyo po kami sa aming pagkakasala at sa paglabag namin sa inyong kalooban. Turuan nyo po sana kaming maging mapagkumbaba sa lahat ng pagkakataon at maging responsable sa lahat ng gagawin. Panginoon, ang napakahalagang gawaing ito panginoon ay inilalapit namin sa iyo upang maging instrumento ng pagkakaisa at pagtutulungan. Hinihiling naming panginoon buksan mo ang aming isipan upang ang taglay naming kaalaman at karunungan ay maging gabay sa ikakatagumpay ng gawaing ito. Gabayan nyo po kami sa lahat ng aming gagawin at ilayo nyo po kami sa kapahamakan.

Ang lahat po ng ito ay samo at dalangin namin sa pangalan ni Hesus na aming panginoon. Amen.

INTRODUKSYON NG PAKSA: (Bb. Ivy Maglangit)

Magandang umaga/ hapon sa inyong lahat. Ngayong araw tatalakayin namin ang aming paksa na patungkol sa Pagtuturo ng wikang Korean sa mga piling paaralan sa pilipinas. Tatalakayin dito kung bakit nga ba pinatupad ito sa pilipinas, ano nga ba ang ibig sabhin ito at ang positibo at negatibong epekto nito sa ating bansa. Higit sa lahat ano nga ba ang pwedeng solusyon o rekomendasyon na maaring maging kasagutan patungkol sa paksang ito. Hindi na natin papatagalin ang lahat narito si Bb. Erica Juane, Bb. Lhean lacerna at Bb. Melissa Marco para simulan ang diskusyon.

DISKUSYON: (Bb. Erica Juane)

Bago ang lahat nais ko munang magkaroon ng katangungan sa inyo? Kilala nyo ba kung sino ang ating wikang pambansa? Yung iba sainyo syempre kilala pero nakakalungkot isipin may ilanilan na hindi nila kilala. Ang huli kong katanungan ay kilala nyo ba ang BTS? Syempre maraming nakakilala sa kanila isa sila sa pinakasikat sa buong mundo pero alam ko namang meron pa ring di nakakakilala sa kanila. Kaya ko tinanong ang mga katungan na ito ay nais ko lamang  makita nyo kung gaano nakakaimpluwensya at nakakapekto ang mga iba’t ibang kultura o gawi ng mga ibang bansa sa ating mga Pilipino. Magandang araw sa inyong lahat!! Kama kailan lang muling umusbong ang balita na ang wikang Korean ay ituturo na sa pampublikong paaralan sa Pilipinas. Maraming nag alangan, natuwa at nagalit. Samut-saring reaksyon ang natanggap sa pagpapatupad nito. Matagal ng usap usapan ang paksang ito ngunit ngayon ay bibigyang linaw natin ito.

Noong Ika- 21 ng Hunyo 2017, pormal na isinigawa ang pagpapatupad ng Korean Language in the Special Program in Foreign Laguages (SPFL) sa  piling pampublikong paaralan sa Pilipinas. Una sa lahat ano nga ba ang SPFL o Special Program in Foreign Language. Ang SPFL ay nagsimula noong 2009 na ang layunin ay magkaroon ng kaalaman sa ibat ibang lenggawahe ang mga bawat Filipino. Noong nagsisimula pa lamang ito Spanish pa lamang ang tinuturo dito ngunit noong lumaon nadagdagan na ito.  Ipinatupad ito ng Department of Education para sa mga sekondaryang paaaralan sa Pilipinas. Ito ay tumutulong sa iba’t ibang paraan para madevelop ang mga kakayahan o skills sa pagbabasa, pagkikinig, pagpapahayag, pagsusulat at para matuto ng second foreign language. Ang isa sa pinaka layunin ng programang ito ay para matutong makisalamuha ang bawat Pilipino sa ibat ibang kultura at bansa. Ang mga lengguwaheng nakapaloob sa programa na maaaring matutunan ay Spanish, Japanese (Nihongo), French, German, Chinese ( Mandarin) at higit sa lahat ang bagong dagdag sa progamang ito ang Korean. Ang SPFL ay bukas mula Grade 7 hanggang Grade 12 na estudyante na nagpakita ng kakayahan sa Ingles at Filipino at na naisin pa o interesado sa pagaaral ng ibang lengguwahe o magbabase sa galing na ipinamalas sa Ingles sa kanilang National Achievement Test.  Ito ay inooffer na additional subject o kaya naman pamalit sa TLE (Technology and Livelihood Education.) Nais kong tawagin si Bb. Lhean Lacerna para sa karagdagang impormasyon.

-Lhean Lacerna

Pagkatapos lagdaan ng Department of Education (DepEd) at Korean embassy sa Maynila ang isang memorandum of agreement. Ipinatupad na agad agad ito. Ayon sa Department of Education ituturo ang Korean Language sa 700 na estudyante galing sa piling sampung junior high school sa National Capital Region na inaasahang public schools. Ayon kay Briones hindi maapektuhan ang wikang Filipino o Filipino subject sa paaralan. Hindi nito papaltan ang subject na Filipino ito parin ang core subject o major na ituturo sa basic education. Ayon pa sakanya ang pagtuturo ng panitikan sa Filipino subject ay isang paraan para mas lalong magkaintindihan at mapaunlad o mapalawak ang kaalaman sa kultura at identidad ng ating wika kaya mas lalo pa nilang pinagtitibay o pinapalawak ang pagtuturo ng wikang Filipino. Ang wikang Korean ay magiging dagdag kaalaman lamang. Nilinaw ng Deped na ang wikang Korean ay isa lamang elective at special program na dinadagdag lamang sa foreign languages noong 2009 palamang ay napatupad na.

Ayon sa panulat ni Rita j. ng Gma news pumili ang DepEd ng 10 eskwelahan na pampubliko sa Metro Manila galing sa Baitang 7 hanggang 12 na pagtuturuan o ituturo ang wikang Korean.

Narito ang mga piling eskwelahan: Ayon sa DepEd

·       Las Piñas National High School

·       Jose Abad Santos High School

·       Kalayaan High School

·       Pasay City National Science High School

·       San Bartolome High School

·       Maligaya High School

·       Judge Feliciano Belmonte Sr. High School

·       Lagro High School

·       Marati High School

Ayon kay Santos isa sa focal person ng SPFL Korean language ng Deped nais pa nilang magkaroon ang 8 schools sa Region IV-A. Sa ngayon hindi pa ready ang mga eskwelahan na ipatupad ito nagkakaroon pa nangpatatraining ang mga guro para rito ayon sa pahayag ni Santos sa Gma news.

Nais kong tawagin si Bb. Melissa Marco para sa huling karagdagan sa aming paksa.

-Melissa Marco

Ayon sa Deped meroon nang 10, 526 SPFL students noong 2017. Mayroong 3,351 students na nagaaral ng Spanish language class. Meroon namang 3, 020 sa Japanese Class, 2,280 sa Chinese Class, 1112 sa French class at 583 sa German class. Ang datos na ito ay noong 2017. Ang pagaaral ng mga Foreign Language ay hanggang apat na oras lamang na karagdagang subject sa paaralan. Noong 2017 ayon pa sa Deped naglaan ng 35 million pesos para suportahan ang programang ito. Ang 22 million ay ginamit para sa training ng mga kaguruan para makapagturo sila ng wasto at maayos at magkaroon ng sapat na kaalaman para rito. Talagang pinagtuunan ito ng sapat na atensyon ng Deped . Idadag ko rin pa ang sinabi ng Korean Ambassador sa Pilipinas na si Kim Jae Shin, ang pagaaral ng kanilang wika ay magdadaan ng oportunidad para makapagtrabaho sa ibang bansa. Tunay ngang isa itong malaking tulong para sa bawat isa para sa pagkakaroon ng iba’t ibang kaalaman para sa ikabubuti ng lahat .Ito rin ay nagpatunay na ang pagpapatupad ng wikang Korea sa pilipinas ay para sa turismo ng bansang pilipinas at Korea at para sa gugustuhing matutunan ang lengguwahe ng Korea. Ayon kay Samantha Martisano at Aaron ng Jose Abad Santos High School galing sa interbyu ng UNTV news nagustuhan nila ang pagtuturo ng wikang Korean dahil mas lalo na nilang naiintindihan ang pinanonood nilang Kdrama at Kpop at higit pa dito ayon sa kanilang pahayag pangarap nilang magtrabaho sa Korea kaya simula palang gusto na nila itong pagaralan para madali silang makipaginteraksyon at communicate sa mga tao roon. Totoo ngang maraming Pilipino ang gugustuhing mangibang bansa maliban sa mataas ang sweldo roon nagugustuhan din nila ang kultura at gawi sa mga bansang iyon. Tunay ngang malaki na ang impluwensya ng mga iba’t ibang bansa sa ating mga Pilipino.

Pagputol Ng Diskusyon Para Sa Intermisyon Upang Magbigay Aliw.

-Ivy Maglangit

Maraming Salamat Bb. Erica, Lhean at Melissa. Paalala maari kayo magiwan ng mga katanungan sa comment section at sasagutin nanamin yan mamaya. Bago tayo dumako sa susunod na tagapagsalita magkakaroon muna tayo ng kaunting patalastas.

PATALASTAS (Trivia Bidyo)

1. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Bukod sa pambansang wika na Filipino, mayroon pang mahigit isang daang katutubong wika sa bansa.

2. Sa pilipinas ay kilalang  kilala si Manuel L. Quezon bilang Ama ng wikang pambansa ngunit alam nyo bang may isa pang tagapagtaguyod ang wikang  Filipino. Ito ay si Lope K. Santos, isang makata, nobelista, mamahayag, lingguwista at lider manggagawa. Si mang openg o si Lope K. Santos ay kinikilalang Ama ng Barila ng Wikang Filipino

3. Alam mo ba noong Ika 23 ng septyembre taong 1955 nagpasa si Pangulong Ramon Magsaysay ng Proklamasyon Bilang 186 na nagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng wika sa Agosto ika 13-19 upang parangalan ang kaarawan ng Pangulong Manuel L. Quezon (Ama Ng Wikang Pambansa) at para mapagtibay ito nagpasa si Pangulong Fidel V. Ramos ng Proklamasyon Bilang 1041 na nagpapahayag na ang buong buwan ng Agosto ay Buwan ng wikang pambansa.

4. Alam nyo bang mayroong limang flag ang bansang Korea pero pag sinama ang Japanese Governor- General’s Flag ay mayroon silang anim. Noong hindi pa naghihiwalay ang North at South korea mayroon silang iisang flag. Noong nasakop o naging colony sila ng japan ginamit nila ang flag ng Japan. Ang sunod ay noong naghiwalay ang South and North Korea nagkaroon sila ng magkaibang Flag. At ang huli ay ang tinatawag nilang Korean Unification Flag.

5. Alam nyo ba na higit lagpas sa 46,000 ang mga Korean ang naninirahan dito sa pilipinas. Kalimitan sa kanila ay nagtatayo ng sariling business dito sa pilipinas at marami din sa kanila ay pumupunta sa pilipinas para magaral ng Ingles.

Pagpapatuloy Ng Diskusyon At Pagpapakilala Ng Mga Bagong Tagapagsalita.

-Ivy Maglangit

Hindi na natin papatagalin pa narito ang sunod na mga tagapagsalita Bb. Kristine Ramos at Bb. Jovyline Isorena.

PAGPAPATULOY NG DISKUYON: (Bb.Tine Ramos)

Sa aming pagpapatuloy sa paksa. Narito ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa positibo at negatibong epekto ng lenggwahe ng Korean sa ating bansa. Umpisahan natin sa positibo.

Unahin na muna natin ang magiging Positibong epekto nito sa ating bansa. Naging isang instrumento ang wikang Korean upang pumasok at lumago ang turismo sa ating bansa. Kung kaya't mas mapapadali ang ating pakikipagkomunikasyon. Tulad nalamang ngannyeonghaseyo na syang karaniwang pagbatisa mga dayuhan na banyaga sa ating bansa tulad nalang ng mga koreano. Isa rin itong daan upang mas mapadali ang ugnayan at pakikipagtalastasansa mga ito.Kilala din ang bansang Korea na isa sa mga mauunlad na bansa.Kung kaya't maaring magkaroon ng oportunidad upang makapagtrabaho sa kanilang bansa na syang susi natin sa pag unlad.

 

Narito naman ang Negatibong epekto nito.Una na lamang dito ang pagtangkilik ng kultura na hindi atin na syang nag uugnay sa ating musika. Imbes na Original Pinoy Music (OPM) ang ating pinatutugtog, puro Korean music ang nangingibabaw sa henerasyon ngayon. Pangalawa nadin dito ang estilo ng ating kasuotan o pananamit. Dahil sa mga napapanuod at nakikita natin sa kultura ng Korean, nakakalimutan na natin ang ating pambansang kasuotan na syang sumasagisag sa atin bilang isang Pilipino. Sa simpleng impluwensyang ito naapektuhan din ang kultura natin sa mga pagkain na syang kinagisnan natin bilang isang Pilipino.

Para ipagpatuloy narito si Bb. Jovyline Isorena.

-Jovyline Isorena

Kung kaya’t mahalagang maunawaan ng mga Pilipino ang sariling atin lalo na ang mga bagay na may kaugnayan sa ating Wika. Sapagkat wala ng higit na mas mahalaga pa sa lahat kung hindi ang kaalaman na mayroon tayo sa ating wika, ang kaalamang ito ay maaaring maging susi upang higit na maunawaan at malaman ang kabuluhan ng ating Wika, mapapalago at mabibigyan ng saysay ang paggamit nito kung ito'y mabibigyan ng pansin na aralin kumpara sa iba pang lengwahe at upang mapagyaman ito. Nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang pagtuturo ng wikang Filipino sa mga eskwelahan. Kung tayo'y tuluyan na tatangkilik sa kultura, tradisyon at wika ng iba maaaring magdulot ito ng hindi magandang epekto. Sapagkat posibleng ang labis na pagkahumaling sa ibang kultura ay magsanhi ng pagkalimot ng nakararami sa kanilang bansang kinagisnan. Kung maipapatupad ang pagtuturo ng korean language ay maaaring maisantabi at hindi na mapagtibay at mapalawak ang pag-aaral ng Wikang Filipino sapagkat maaaring matuon ang kanilang pansin dito at higit na magpokus nalamang sa korean language kaysa sa Filipino language. Kung kaya't mahalagang pagtibayin at paunlarin ang sariling atin sa pamamagitan ng patuloy na pagpapaunlad sa pagtuturo ng ating sariling wika.

Ivy: Para sa konklusyon o rekomendasyon narito si Bb. Evangeline Rico para ibahagi ang aming pananaw ukol sa usapin na ito.

KONKLUSYON (Bb.Evangeline Rico)

Eva: Sa paglipas ng panahon marami ng pagbabago sa mundo isa narin dito ang pagbabago at pagunlad ng wikang Filipino. Hindi maiiwasang magkaroon ng pagbabago at karagdagan sa mga nalalaman. Minsan kailangan nalang nating tanggapin na ang wika natin ay patuloy nang nagbabago. Mapapansin natin na isa sa mga dahilan na nakaapekto sa pagunlad ng ating wika ay ang mga umuusbong o nagiging sikat na mga kaugalian at lenggwahe sa ibang bansa. Halimbawa nalang nito ay ang Korea. Marami ng nga kabataan ang mas pipiliing tangkilikin ang mga kaugalian o kultura ng Korea kaysa sa sariling kultura.  Maraming kabataan ang mayroong kakulangan sa kaalaman tungkol sa importansya at kahalagahan ng wikang filipino. Bilang estudyante, kasama ng aking mga kagrupo at bilang mamamayan ng pilipinas, nais naming ipaalam na dapat kahit marami ng umuusbong na ibat ibang trending o sikat na kultura o gawi dapat di parin nating makalimutan ang sarili nating wika. Subalit dapat paglinangin at hasain pa natin ang wikang sariling atin. Matuto tayong mahalin, mas pagandahin, at palawakin ang kagandahan ng ating wika para narin sa ikabubuti ng ating bansa. Nauunawaan natin na hindi maiiwasang mapamahal o humanga tayo sa ibat ibang bansa. Ang bawat isa ay may kaukulang pananaw para rito ngunit ang nais lamang naming ipabatid ay wag natin kakalimutan ang ating wika, kung san tayo nagsimula at nagkaroon ng maraming kaalaman.

-Jaymie Vergara

 Ito ang mga iilang rekomendasyon para kahit paano makatulong tayo sa pagpapanatili ng ating wikang Filipino

1. Patuloy pang paunlarin ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng patuloy na pagbahagi ng importansya at kahalagahan ng ating wika lalo na sa mga kaabataan sa kasalukuyan.

2. Pag-enganyo sa kapwa na manaliksik o magsagawa ng mga pag-aaral na may kinalaman sa kultura o wikang filipino upang magkaroon pa ng maraming kaalaman at makatuklas ng mga makabago o hindi pa nalalaman patungkol sa ating wika .

3. Paggamit ng mga produkto at pagtangkilik sa kultura ng ating bansa.

4. Pagpapalago pa ng OPM kahit nauuso na o maraming tiumatangkilik sa KPOP, dapat suportahan natin ang sariing atin.

5. Bilang mamayan, simpleng paggamit lamang ng ating wika sa pang araw araw na pamumuhay o pagmamalaki sa mga magandang katangian ng ating bansa.

Hindi naman masamang mag-aral ng ibang lengwahe kung ito lamang ay ating lilimitahan, posibleng makasama ito para sa ating kultura o partikular sa ating wika kung ang pag-aaral ng ibang lengwahe ang mangingibabaw o lalamang kaysa sa pagbibigay ng atensyon na mas pag-aralan ang ating wika. Mahalagang hindi mawala ang kabuluhan ng ating pag-aaral sa ating wika sapagkat ito ang syang ating simbolo ng ating pagkapilipino at identidad na pagdating ng araw ay magpapaunlad at magpapayaman sa ating sariling kultura.

PAGTATAPOS: (Jenevive Quisaba)

Maraming salamat sa inyong oras at pakikinig. Tunay kaming nagpapasalamat sa lahat ng dumalo sa araw na ito. Naway ang magsilbing paalala at simula na lagi nating tandaan kahit ano pang kultura at kaugalian ng mga ibat ibang bansa ang umimpluwensya sa atin wag pa rin kakalimutan ang wikang kinagisnan natin. Sa huling pagkakataon nais pasalamatan ang lahat ng madumalo at nakinig sa programa na ito, nawa'y nabigyan naming ng katarungan at kaalaman ang mga manonood. Muli kami po ang estudyante ng BSP 2C Pangkat 2, at Maraming salamat po!

-Ivy Maglangit

Bago po tayo maghiwahiwalay nais sana naming hingin ang kaunti niyong oras upang masagutan an gaming hinandang Evaluation Form. Hinihingi po namin ang inyong buong pusong katapatan at kooperasyon  para sa pagsagot ng aming evaluation form na patungkol sa aming programa. Malaki pong tulong ang inyong kasagutan. Muli Maraming Salamat sa inyo at Magandang Araw sa Inyong Lahat.

Sanggunian:

·       https://overseas.mofa.go.kr/phen/brd/m_3284/view.do?seq=610848&srchFr=&srchTo=&srchWord=&srchTp=&multi_itm_seq=0&itm_seq_1=0&itm_seq_2=0&company_cd=&company_nm=&page=17

·       https://www.google.com/search?q=trivia+tungkol+sa+filipino&oq=trivia+tungkol+sa+filipino&aqs=chrome..69i57j0l4.6130j0j9&client=ms-android-samsung-gj-rev1&sourceid=chrome-mobile&ie=UTF-8#imgdii=fcsP_fl6K7eh-M&imgrc=q-V4NioHanaSoM

·       https://www.quora.com/How-many-flags-does-Korea-have

·       https://youtu.be/SOKCL_6WIkM

·       https://youtu.be/4ulZCE9vt3U

·       https://www.google.com/amp/s/5sulatinparakayquilantang.wordpress.com/2017/09/30/ang-pagturo-ng-wikang-korean-sa-senior-high-school-ang-pagkilala-at-paglimotposisyong-papel/amp/

·       https://news.abs-cbn.com/news/06/23/17/wikang-korean-ituturo-na-rin-sa-ilang-pampublikong-paaralan

·       https://www.rappler.com/nation/department-education-clarifies-korean-language-elective-only

·       https://youtu.be/E7ORP3niQZg

·       https://coconuts.co/manila/news/korean-language-classes-now-offered-10-philippine-public-schools/

IKATLONG PANGKAT

ANO NGAYON? : USAPIN SA KALIKASAN (PAGMIMINA)

 

PANIMULA AT PAGBATI: Bb. Micah Althea Nueros

Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat, sa aming tagapanguna at guro sa asignaturang Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino, Bb. Jessa Cada, sa aming mga kapwa mag-aaral at sa aming mga butihing panauhin para sa araw na ito isang mapagpalang araw po sa inyong lahat. Narito po tayong lahat upang saksihan ang aming inihandang programa sa araw na ito na may paksang,” AnoNagayon?:Usaping sa Kalikasan (Pagmimina)” hated sa inyo ng mga mag-aaral mula sa BS Psychology 2C ng Cavite State University- Silang Campus. Bago po tayo magsimula ay inaanyayahan ko po ang lahat para sa ating panalangin napangungunahan ni Bb. Georgette Jamolin.

PANALANGIN: Bb. Georgette Jamolin

Panginoon, narito po kame ngayon upang hingin ang inyong presensya sa gagawin naming presentasyon patungkol sa ating lipunan. Hinihingi po naming ang inyong basbas Panginoon para sa mas magandang daloy ng amin gmunting presentasyon. Alisin nyo ang kabang na sa aming mgapuso. Gabayan at tulungan nyo po ang bawat isa sa amin sa aming gagawin at pagpapahayag ng mensaheng kalakip ngpresentasyon. Sangalan ng Ama, ng Anak at ng Spirito Santo, Amen.

Panginoon, kami po nila Micah, Daniella, John Paul, Mark, Jobell, Judy-Ann at Ashley ay muling naririto sa inyong harapan upang magpasalamat sa inyong tulong. Salamat po Panginoon  sa pag gabay sa amin mula umpisa hanggangdulo. Sangalan ng Ama, ng Anak at ng Spirito Santo, Amen.

TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA:

Dumako na tayo sa ating usapin para sa araw na ito at ito ay pasisimulan at pangungunahan ni Bb. Daniella Rayala.

INTRODUKSYON: Bb. DaniellaRayala

Ang ating paksa ngayon ay galing sa Failon Ngayon na may pamagat na “Tagas ng Minahan” noong taong 2012. Ang paksang ito ay tumatalakay sa mine waste spill, ito ay ang pagbigay ng imbakan ng dumingisang mining company na Philex mining sa Pagal, Itogon Benguet. Ang pagkabigay n gkanilang mine waste ay naapektuhan ang dalawang ilog na Balog River at Agno River na pinanggagalingan ng tubig para sa reservoir ng San Roque multipurpose dam. Ang reservoir ng San Roque multipurpose dam ay malakiang tulong sa mga tao tulad ng sa pangingisda, irigasyon at kuryente n amaaring maapektuhan dahil sa nangyaring insidente. Dahil sa insideneng ito ang philex ay pinagmulta at pinalinis ang mga ilog na nabanggit.

Tinatalakay din dito ang pagbabalak sa panibagong pagmimina sa tambakan copper gold mining venture sa south cotabato na sinasabing maaring umabot sa 2.4 billion metric tons ng mineral ang maaring mahukay dito napatuloy na kinokontrang gobyern, mga katutubo, magsasaka, simbahan at Lgu’sng South Cotabato ang pagbubukas ng pagmimina na ito, dahil ayon sa kanila ito ay magdudulot ng maraming kasiraan sa kalikasan, kabuhayan at komunindad. Hindi lang dahil sa makakasirang kalikasan ngunit dahil na din sa pagiging delikado nito dahil sa fault lines at sa pagiging malapit nito sa isang bulkan. Kaya ang kanilangp anawagan ay pagaralan ng mabuti ang binabalak na pagmimina at huwang ng buksan ang tambakan mining project.

TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA: Bb. Micah Althea Nueros

Bigyang linaw at lalim naman natin ang paksang ating pinaguusapan sa araw na ito at narito si G.John Paul Namia III para sa diskusyonng paksa.

DISKUSYON: G. John Paul Namia III

Pinapakita sa Failon ngayon kung paano nakakaapekto ang mining spill sa mga nakatira malapit sa nasasakupang lugar kagaya ng water supply tska bukid at tska ang ang pinaggagalingan ng kanilangkuryente. Pinakita rin sa interview kasama ang Engineer ng Philex Mining Corp. na nag tatanggal silang 2000 bags ng mining waste arawaraw.

Philex Mining Corp. Pinagbibintangan nila ang kalikasan sa aksidenteng mining waste, halos 20.6 million metric tons ng latak ng mina ang tumagas mula sa philex, at dahil naman sa mine tailings nag iibana ang kulay ngt ubig dun sa ilog at dahil dun bumabaw na ang kapasidad ng tubig sa ilog na mag hawak ngtubig at dahil kakaunti nalang ang nahahawakang tubig ng reserbwa iiksirin ang kapasidad ng plantana gumawa ng kuryente sa HYDROELECTRIC POWERPLANT= 345 MEGAWATTS pati ang operasyon ng planta iiksirin at dahil dun puwede mag karoon ng krisis sa electricidad dahil sa pangyayaring ito  at nakirarin na ang ginagamit sa pagmimina any toxic kaya dahil dun yung mga pamayanan sa baba ng bundok ay maaaring makaapekto sa pamumuhay ng maraming tao na nag tatanim ng kanilang mga palay dahil kapag nakakain ka nun para kang kumain ng pagkain na may lason.

TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA: Bb. Micah Althea Nueros

Sandali po nating puputulin ang ating isinasagawang programa upang magbigay aliw para sa lahat at narito po si G. Mark Javez Laurino para sa isang intermisyon.

INTERMISYON: G. Mark JavezLaurino

TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA: Bb. Micah Althea Nueros

Maraming salmat Ginoong Laurino para sa iyong napakagandang tula na may kaugnayan sa ating paksa para sa programa sa araw na ito. Ngayon ay muli po nating ipagpapatuloy ang isinasagawang diskusyon at pangungunahan po ito ni Bb. Jobell Mangune.

PAGPAPATULOY NG DISKUSYON: Bb. Jobell Mangune

Kalikasan ang sinisisi ng Philex Mining Corp. sa pagtagas ng latak ng galing sa pagmimina patinarin ang dam ay nasisi ng mga ito dahil ito raw ay may kalumaan na. Ayon sa mga empleyado nito hindi raw na ging handa ang mga ito sa pangyayaring pagtagas at nagkaroon pa ng trial and error. Sa pagiimbestiga ng MLB mayroon itong butas sa loob ng tailing spond o penstock. Sa ngayon ay humaharap sila sa multa mulasa DENR at pinalilinis ng mga ito ang Balog at Agno River. Hindi maaaring makabali operasyonang Philex Mining Corp. hanggat hindi nito na babayaran ang multa at hindi paglilinis. Hindi raw nila tatakasan ang kanilang responsibilidad.

South Cotabato ang pinakamalaking mining ventures, tambakan copper gold mining ventures na aabot sa 2.4 bilyong metric tons mineral na maaaring mahukay dito ngunit hindi ito matuloy dahil kontra dito ang gobyerno,magsasaka,mga katutubo at mga LGUs ng South Cotabato dahil nakakasira pa rin ito sa kanilang kabuhayan,kalikasan at komunidad. Marami ditong flora at fauna at dito rin sila kumukuha ng tubig. Pinangangambahan rin ng mga tao doon ay ang pagtatayo ng mining site sa fault line na anumang pag aalburoto ng bulkan ay bunga ng trahedya.Kailangan alagaan ang lupain ng South Cotabato dahil ito ay ang food basket at rice bowl ng Mindanao.

TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA: Bb. Micah Althea Nueros

Ngayon ay dumako na tayo sa mga nabuong konklusyon at solusyon ukol sa isyu at narito si Bb. Judy-ann Pendor upang ipahayag ang mga ito.

KONKLUSYON AT MGA SOLUSYON: Bb. Judy-ann Pendor

TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA: Bb. Micah Althea Nueros

At para bigyang pagtatapos ang programang ito inaanyayahan ko po si Bb. Ashley Loresco upang isara ang programang ito.

PAGTATAPOS: Bb. Ashley Loresco

Muli magandang araw po sa inyong lahat, para sa lahat ng dumalo at nakiisa sa programang ito nais ko po kayong pasalamatan sa paglalaan ng oras para sa inihandang programa ng aming pangkat. Nawa’y ang ating isinagawang programa ay nagbigay kaalaman at nagbukas ng inyong mga kaisipan ukol sa mga ganitong uri ng isyu na patuloy pa ring umiiiral sa panahon ngayon. Ang ganitong uri ng sitwasyon ay hindi po natin dapat ipagsawalang bahala sapagkat tayo rin po mismo ang maaapektuhan, mas mainam na maagapan ang isang isyu kaysa solusyunan kaya’t sana po ay naipahayag namin ng malinaw ang kahalagahan ng lahat ng nilikha n gating Panginoong Diyos lalo na ang mundong ating ginagalawan, hindi pa huli ang lahat nawa’y lahat tayo ay magkaisa. Yun lamang po maraming salamat!

TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA: Bb. Micah Althea Nueros

Nawa’y marami kayong natutunan at nabuksan ang inyong mga kaisipan ukol sa ganitong uri ng isyu na umiiral sa panahon natin ngayon. Nais ko po muling pasalamatan ang lahat ng dumalo at naglaan ng kaunting oras para sa programang inihanda ng aming pangkat, muli magandang araw po sa inyong lahat.

IKAAPAT NA PANGKAT

KALAMANGAN AT KAWALAN NG GAMIT NG SOCIAL MEDIA SA PAGPAPAUNLAD NG WIKANG PILIPINO

 

Panalangin

Regine:  Bago  po  natin  simulan  ang  ating  presentasyon,  simulan  po  muna nating magpasalamat at humingi ng gabay sa ating Diyos Ama.

Diyos Ama,

Maraming salamat po sa pagkakaloob ng panibagong araw upang aming maibahagi at maipamalas ang kakayahan ng bawat isa sa aming presentasyon at makapagbigay kaalaman. Nawa ay basbasan niyo po ng pagmamahal ang bawat isa at gabayan niyo po kami upang maibahagi ito ng maayos.

Bigyan niyo po kami ng lakas na loob at katalinuhan upang aming maibahagi ang aming kaalaman.

Gayon din po sa aming mga tagapanood at tagapakinig nawa'y ang bawat isa ay may kapulutang aral.

Panalangin namin ang lahat ng ito

Sa pangalan ng Iyong Bugtong na Anak na si Hesus. Amen.

Panimula

Andrea: Ang ating paksa ay patungkol sa "Kalamangan at Kawalan ng Gamit ng Social Media sa Pagpapaunlad ng Wikang Pilipino." Ito ang tema ng Pangkat 5 na gaganapin sa Cavite State University - Silang Campus.

Sa pagpupulong na ito tatalakayin ang paggamit ng social media upang mabigyang pansin ang ating sariling wika. Binigyang pansin din ang Tanggol Wika na isang alyansang nabuo dahil sa paglalayong mapanatili ang Wikang Pilipino.

Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na. Halos lahat ay gumagamit na ng social media. Sa panahon ngayon marami ang nagiging mangmang sa sarili nilang wika. Bakit? Dahil gusto maging sosyal sa paggamit ng wikang Ingles o hindi kaya'y sabay sa uso at gamit ay mga balbal na mga salita. Sa ating pagpupulong ngayon ay higit na pagtutuunan ng pansin ang paggamit ng social media upang mai- promote natin ang ating wika.

Pagtalakay: Tanggol Wika Facebook Page

Jancen: Pagbati! Isang mapagpalang araw sa inyong lahat. Ako po si Jancen Pamintuan, mag-aaral mula sa kursong Sikolohiya seksyon 2C, at ngayon at susuriin natin ang isa sa mga nating kalamangan ng Tanggol Wika Facebook Page. Una muna sa lahat ay talakayin muna natin ang tanggol wika. Ang tanggol wika ang alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission  on  Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul.

Denise: Matapos itong maitatag simula noong 2014, patuloy pa rin ang pakikibaka ng maraming mga unibersidad upang hindi tuluyang mamatay ang wikang Pilipino lalo na at patuloy itong namamatay dulot ng globalisasyon at modernisasyon. Ang pagkakaroon ng Facebook page ng Tanggol Wika ay masasabi nating talagang makatutulong upang paunlarin ang ating wika sapagkat isa ang facebook sa karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na komunikasyon at maging pagkuha rin ng mga impomasyon. Sa pamamagitan nito, madaling maikalat ang mga impormasyon hinggil sa pagpapatibay at pagpapalaganap ng wikang pambansa.

Ngayon, mainam na talakayin natin kung naging mabisa nga ba ang Facebook Page  na  ito  o  hindi.  Sa  aming  ginawang  pagsusuri,  napansin  naming  hindi  na nakatuon ang nasabing pahina ukol sa pagpapanumbalik ng pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mas mataas na antas. Sa halip, nakatuon ito sa pagbibigay ngayon ng mga webinars sa mga guro ng Wikang Filipino. May ilang post din sila na tumutuligsa  sa  ating  gobyerno  ngayon,  kung  paano  pinapamunuan  ng  ating Presidente ang ating bansa. Hindi ba na marapat nga namang talakayin ang ganitong uri ng isyu? ngunit, para saan nga ba ang ang Facebook page na ito? Tila baga'y lumihis na sa tunay na layunin ang pahinang ito.

Jancen: Masasabi naming naging epektibo ang Facebook Page na ito sa ibang larangan na, ito ay sa pagbibigay impormasyon sa politikal na isyu sa ating bansa. Sa kabilang banda, tila hindi naging epektibo ang pahinang ito sa pagtupad ng mga layunin nitong mas lalong ipagtanggol ang wika. Isa sa mga dahilan ay ang pagpapakalat ng impormasyon sa paraang lalong makapanghihikayat sa panlasa ng mga manonood.

Kamakailan lamang ay naglalabas ito ng mga serye ng talakayan na tumatalakay sa iba't ibang mga politikal na isyu sa ating bansa. Tunay ngang isang pamamaraan ang wika upang ating talakayin ang mga napapanahong suliranin ng ating bansa. Bagaman madaling maunawaan, nararapat na lalong maging mapanghikayat ang pahina sa paggamit ng wikang Filipino. Hindi lamang dapat ito nakasentro sa pakikibaka noon ng mga unibersidad na huwag alisin ang asignaturang Filipino sa tersyaryang antas kundi lalo pa itong panunlarin sa mas mababang antas pa lamang. Lalo't kung social media ang gagamitin, maging sa mga bata ay mayroon nang akses sa social media.

Kung  tutuusin,  maaaring  kulang  pa  ang  mga  ginawang  pamamaraan  ng pahinang ito upang mahikayat ang mga bata ng tangkilikin ang ating sariling wika. Heto at ating pakinggan ang isang pagsusuri na ginawa ng isa pa naming kasangkot. Ven: Ang tanggol wika ay isang konseptong binuo upang panatilihin at pagyamanin pa lalo ang ating wika na Filipino. Ngunit sa talakayang ito, ang Tanggol Wika ay nagsisilbing pangalan  ng isang social media page, at hindi ito nalalayo sa tunay na kahulugan ng parirala na ito. Ang facebook page na nagngangalang Tanggol Wika ay umaani ng mahigit kumulang 48,000 (apatnapu’t walong daang libo) na layks, at ay may tinatayang 50,000 (limampung libong) tagapagsunod sa naturang social media page. Kung ating mapapansin, ang page na to ay hindi gaanong kasikat gaya ng ibang page na may kaparehong layunin, pero hindi ibig sabihin nito na hindi na maayos ang nilalaman nito. Ang layunin ng social media na Tanggol Wika ay tulad rin lamang ng orihinal na layunin, ito ay pagyabungin ang wikang Filipino.

Makikita  sa  nilalaman  ng  page  na  ito  ang  iba’t-ibang  post  ukol  sa  wikang Filipino. Maaaring patungkol sa pagbuo ng isang salaysay,  paggamit ng tama sa mga  salitang  Filipino,  tamang  espeling,  pamamahagi  ng  ideya  sa  kanilang  mga nabasa at mga layb bidyo kung saan nagtuturo ang mananalita tungkol sa wilang Filipino. Ngunit hindi lamang sa wikang Filipino umiikot ang talakayan o diskusyon sa page na ito. Nauungkat rin dito ang iba’t- ibang napapanahong isyu sa ating bansa. Gaya na lamang ng mga nagiging desisyon ng presidente tungkol sa mga bagay bagay, mga ninakaw sa kaban ng bayan, at mga kamalian ng mga na sa pwesto na hindi binibigyang pansin ng mga tao, mga isyu na may malaking epekto sa ating bansa. Mapapansin din na madalas nababanggit ang salitang guro sa bawat diskusyon,  hindi  ko  tunay  na  alam  ang  dahilan  pero  sa  tingin  ko  ay  isang  sa pinakamalaking porsyento ng tagapagsunod sa naturang page ay mga guro. Makikita doon na binibigyang liwanag ang mga isyu na nakaaapekto sa mga guro, at makikita ang pagpapahalaga sa kanila. Kung ating iisipin mabuti ang page na ito ay hindi lamang para sa pagtatanggol sa wika, kung hindi ay pagtatanggol din sa bayan dahil binibigyang atensyon ng page na ito ang mga napapanahong isyu na madalas ay ipinagsasawalang-bahala ng taong bayan.

Nakakagalak na may mga ganitong pages sa facebook na mayroong disenteng bilang ng taong tumatangkilik. Dahil sa mga page na gaya nito ay may matutunan ka talaga, hindi puro kalokohan lamang. Nakikita ako ang kahalagahan ng Tanggol Wika bilang isang social media page sa ating lahat, lalo na sa mga taong madalas na nag-pe-facebook, bakit? Dahil hindi ka lamang magiging mas magaling sa wikang Filipino, mamumulat din ang iyong mga mata sa realidad ng ating lipunan na nagsasabi na kinakailangan na nating kumilos upang maisalba ang ating wika, kultura, at bansa.

Denise: Tulad sa mga laro, may panig na matatalo, may panig na matatalo ngayon, alamin natin ang naging kalamangan at kawalan ng kabisahan ang pahinang ito.

Kalamangan

          Naging daan ang pahina upang magkaroon ng impormasyon ang mga Pilipino hinggil sa mga napapanahong isyu lalong lalo na sa politika at ekonomiya ng bansa. Nagkakaroon ng diskusyon sa kanilang pahina upang magkaroon pa ng kamalayan ang mga tao sa pamamalakad ng ating gobyerno sa ating bansa. Isinusulong din nila ang mga karapatang pantao lalo sa pagtulong sa mga guro. Karamihan sa kanilang post ay pumapatungkol sa

Kawalan

          Bagama't umani ito ng apatnapu’t walong libong likes sa Facebook, ang tangi lamang nitong binibigyang pansin ay ang pagtuligsa sa kawalan ng suporta ng gobyerno sa mga mamamayan at hindi gaanong naisusulong ang pagpapahalaga sa wikang Filipino. Kapansin pansin ring mayroon silang pinapanigang TV channel sapagkat ayon sa kanila, ito raw ay nagbobrodkast ng Filipino at iba pang wikang pambansa.Ito lamang ay pruweba na kung saan ang pahinang iyo ay hindi naging mabisa upang maipalaganap ang pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Infomercial

Dianne and Irish: Sa pamamagitan ng social media madaling nating maipapalaganap ang mahahalagang impormasyon kahit saang sulok man ng bansa.

Maipaparating natin ito gamit ang social media na syang gagabay at magbibigay tanaw sa mga tao lalo na ang mga Pilipinong wala sa ating bansa. Maipagtatangol natin ang wika kung tayo ay mas marami at mas mapapaunlad natin ito kung tayo ay nagkakaisa at sama sama.

Narito ang pampasiglang bilang ngunit may mapupulot na impormasyon na inihanda ng aming pangkat kung paano natin maipapalaganap at maipagtatanggol ang ating wika gamit ang social media.

Video

Nilalaman ng Video (Istilong Tiktok)

          Pagtatanggol ng sariling wika dahil dito tayo mas nagkakaintindihan.

          Pagbibigay pansin sa mahahalagang impormasyon tunggkol sa tanggol wika na           kumakalat sa social media

 

          Paggamit ng sariling atin ng may kabuluhan

          Pagbibigay importansya sa mga taong nakikiisa upang mas mapalawig pa ang pages o      samahan ng isang organisasyon

          Pagdiriwang ng Wikang Filipino upang maipakita ang pagmamahal gamit ang simpleng       pagpost sa social media

          Pagsasaliksik sa social media kung paano nabuo ang Wikang Filipino

Pagtalakay: Tanggol Kasaysayan Facebook Page

Jadaone at Loberiano: Tanggol kasaysayan, Jadaone: "Ano nga ba ito?" Loberiano: "Ano ang unang pumasok sa isip mo nang marinig mo ang salitang ito?"

Jadaone at Loberiano: "Ngayong araw ay ating tatalakayin ang Tanggol Kasaysayan."

Jadaone: "Ang Tanggol kasayasayan ay ang Kapatid ng tanggol wika ang organisasyon ng alyansa ng mga tagapagtanggol ng kasaysayan o mas kilala bilang tanggol kasaysayan. Ito ang grupong nagtataguyog ng pagkakaroon ng bukod na asignaturang Philippine history/ kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. "

Loberiano: "Sa moderno nating panahon ngayon ay napapanahon din ang pag gamit ng mga social media. Karamihan sa atin ngayon, lalo na ang mga kabataan na nasa edad na 12 pataas ay mayroon nang access sa social media."

Jadaone: "Sa paglaganap ng iba't ibang plataporma sa social media ay masasabi mo bang makabuluhan ang mga ito? Isa ang mga 'pages' sa mga sikat na features sa facebook. Mayroon iba't ibang pages ang facebook. Iba't ibang kategorya at ibat ibang purpose. Mayroong mga pages na naglalaman ng mga memes o ng mga nakakatawang larawan, mayroon dinng para sa mga sikat na mga artista at iba pa. May mga pages rin na sobrang mahalaga ngunit hindi nabibigyan ng pansin. Isa na rito ang page na tinatawag na "Tanggol Kasaysayan." Ang page ng tanggol kasaysayan ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa kasaysayan ng ating bansa. Ngunit hindi masyadong nakakaabot ang mga impormasyon dahil na din sa kakulangan ng mga audience. Sinuri namin ang page na ito at natuklasan namin na wala gaanong mga likers ang mga ito. Maganda ang nilalaman ng page ngunit kakaunti ang tumatangkilik dito. Ngunit ano nga ba ang advantage at disadvantage ng page na ito?"

Loberiano: "Kung ikukumpara natin ito sa isang barya. Ang barya ay mayroon laging dalawang panig. Ang positibo at negatibong panig. Ang kawalan at kalamangan ng pahina na "Tanggol Kasaysayan" ay ang mga sumusunod:

Kawalan

          Hindi naging mabisa ang pamamahayag ng impormasyon sa nasabing "facebook page" dahil hindi ito maka agaw pansin sa atensyon ng karamihan lalo nasa mga kabataan dahil Tayo ay nasa modernong panahon, isa pang dahilan ay nasa modernong panahon lamang itong kakaunting "likes" at "followers" na nagreresulta sa mababaw na pagkakakilanlan

Kalamangan

          Determinado silang magbigay ng impormasyon tungkol sa kasaysayan kahit na kakaunti lamang ang mga sumusubaybay.

          Kahit nasa makabago na tayong panahon, ginamit nila ang facebook para gawing daan upang makapagbigay kaalaman sa atin tungkol sa mga kasaysayang limot at lumipas na dahil sa tagal ng panahon nito."

Jadaone: "Nalaman ng aming pangkat na hindi masyadong naging epektibo ang page na ito sa pag susulong ng adhikain nila sapagkat sila ay kulang sa tao na sumusubaybay sa kanila. Hindi umaabot ang mga impormasyon nila sapagkat kakaunti lamang ang may alam sa existence ng page na iyon. Sa aming palagay ay dapat maging mulat at mas pagtuunan nating mga kabataan na gumagamit ng social media ang mga ganitong plataporma sapagkat ito ay mahalaga dahil ito ay tungkol sa kasaysayan natin at upang magkakaroon nadin tayo ng sapat na kaalaman ukol dito."

Malayang Talakayan ukol sa Paksa

Jancen: Bukod sa mga na mas mainam kung magkakaroon ng sabay na adbokasiya ang mga pahinang ito sa paggamit ng baybayin, lalo’t ito ay bahagi rin naman ng pagtanggol sa ating wika at pagtanggol sa ating kasaysayan. Maaaring ito’y nagawa na rin ng mga ibang pahina sa facebook.

Dapat lamang ng bigyang pansin din ito ang mga paraang magagamit pa ang wikang Filipino bukod sa mga webinars at mga talakayan. Nandiyan ang mga maikling infomercial na maaaring isa o ilang minuto lamang ang itatagal. Nandyan din ang mga infographics na maaaring gamitin upang mas madaling makita ng mga tao sa kanilang pag-scroll sa mga larawan sa Facebook.Gamit ang mga ito, hindi na kailangan pang gumugol ng ibang tao ng mas malalim ng oras sa pagkatuto. Sapagkat kung ito ang magiging daan upang lalong magkaroon ng kasiyahan sa paraang pinauulad ng Tanggol Wika at Tanggol Kasaysayan ang wikang Filipino.

Denise: Dahil nga nasa bagong henerasyon na tayo ngayon at lalong nagiging moderno ang ating mundo, sumasabay na din ang ating bansa sa pagiging modernisado. Halimbawa na lamang ang Facebook na naging trend na upang mapag-usapan ang iba't ibang isyu sa ating kapaligiran. Ang Tanggol Wika at Kasaysayan ay ilan lamang sa mga Facebook page na naglalayong maisulong pa ang wikang Filipino subalit, nakita nga natin na hindi gaanong nabibigyang pansin ang wikang Filipino, mga isyung panlipunan lamang lagi na ang kanilang pinapansin.

Hindi ba't mas maiging ang mga kabataan ang ating himukin upang ikalat ang pahinang ito? Karapat dapat na magkaroon pa ng malawak na kaalaman ang mga kabataan, lalo na ang mga estudyante sapagkat tayo lamang ang pag-asa ng ating wikang nakasanayan. Natatakpan na ito ng mga banyagang lengwahe kung kaya't nagkakaroon tayo ng pagpapalit ng letra sa mga Filipinong salita.

Sa  aking  palagay,  maaaring  sa  pahinang  iyon,  magkaroon  sila  ng  mga kabataang tutulong upang mahikayat rin nila ang mga kapwa nila mga kabataan. Sa paraang iyon, maaaring ang lahat ay magkaroon ng kaalaman at tunay na pagpapahalaga sa wikang ating kinagisnan, ang wikang pambansa.

Andrea: Tayo ngayon ay nasa makabagong henerasyon, maalam na rin tayo sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Kung kaya ay dapat nating lawakan ang ating kaisipan sa paggamit ng teknolohiya bilang isang plataporma upang bigyan pansin ang ating wika. Sa paraan na ito maraming tao ang makakakita ng ating mga gustong iparating upang maipagtanggol ang ating wika. Isa rin itong mabisang paraan para mas lumawak ang kaalaman at pagkatuto ng mga tao sa ating wika.

Ang pahina ng Tanggol Wika at Tanggol Kasaysayan sa facebook ay naglalayong maisulong ang ating Wikang Filipino. Ito rin ay maaaring maging isang hakbang upang mas lalong paunlarin ang ating pakikipagtalastasan. Ito rin ay isang paraan upang maraming tao at kabataan ang makakita dito. Bakit hindi natin paglaanan ng oras na ibahagi ang ating natutunan sa paggamit ng wika, imbes na puro kalokohan ang ibahagi natin sa ating mga facebook. Unti-unti na nating nakakalimutan ang mga bagay na dapat ay siya nating ginagawa at ipinaglalaban. Sana tayong mga kabataan sa henerasyon na to ang siya muling bubuhay at magmamahal sa ating wika na minsan nang hindi pinahalagahan ng iba.

Eddison: Totoo ngang nasa makabagong henerasyon na ang tinatahak nating lahat kung saan lahat ay tutok sa pag gamit ng mga makabagong teknolohiya upang mapadali ang mga gawain o pag aaral. Subalit hindi sana nito matabunan ang kahalagahan ng mga aklat lalo na sa buhay ng mga mag aaral. Totoong mas mapapadali ang mga bagay sa paggamit natin ng teknolohiya sa isang pindot mo lang makikita mo na ang sagot pero hindi ganoon ang reyalidad ng totoong buhay ang lahat ay pinaghihirapan gaya ng pagbasa ng aklat kailangang magbasa at umunawa ng mga mag aaral bago nila makita ang kanilang hinahanap na sagot sa kanilang katanungan. Ang karunungan ay isang bagay na kayaman mas higit parin itong nakakatuwa kung ito'y iyong tunay na pinag hirapan.

Ven: Parehong makabuluhan ang dalawang social media page na aming sinuri. Maraming matututunan sa nilalaman at mababait ang mga taong nasa likod nito. Hindi tayo mahihirapan, dahil sa komunidad na binuo nila ay nagtutulungan ang lahat, sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga ideya, mga aral na natutunan sa iba’t ibang forum. Naging daan ang mga page na ito para mas maging madali ang pagkatuto ng mga tao. Ngunit para sa akin ay kinakailangang nilang mag-adapt sa panahon ngayon kung saan ang memes ay isang malakas na panghatak sa mga tao. Kung ating mapapansin hindi gaano kataasan ang bilang ng tagapagsunod sa mga social media pages na ito. Sa tulong ng memes ay maipahahayag ang aral o mensahe na sa tingin ko'y magdudulot ng dagdag na taong tatangkilik sa kanilang mga pinopost. Dahil madaling maintindihan at makarelate sa mga ito. Kung sa una ay magdudulot sa iyo ng saya ang mensaheng nakapaloob dito (meme) ay tatatak na sa iyong isipan ang magandang imahe ng page na iyon. Isa ito sa mga  nangungunang istratehiya ng ibat ibang grupo upang tumaas ang mga  tagapagsunod nila. Ito ay isang suhestyon lamang.

Tricia: Para sa akin malaki ang ginagampanan ng tanggol wika at tanggol kasaysayan. Naipaglalaban ang mga sariling atin at naipagmamalaki rin sa iba. Sa mahabang panahon ito ay nakasanayan na kung kaya't napakahirap na itong alisin lalo't sa mga may malalaking ginagampanan sa ating bansa.

Dianne: Sa aking opinyon ay malaki ang naitutulong ng tanggol kasaysayan at tanggol wika sa ating bansa. Napapanatili nito ang pagiging pagka Pilipino ng bawat isa. Dahil dito ay hindi tuluyang nabubura or nabura ang pagka Pilipino natin. Sa aking paningin ay dapat itong mapanatili at mapagtibay ng sa gayon ay manatili ang ating lahi.

Irish: Sa aking palagay, tama lamang na naisulong ang tanggol Kasaysayan at tanggol wika dahil sa haba na nang panahon na nagdaan nawawala na ang ating mga nakasanayan na dapat kamulatan ng bagong henerasyon dahil din dito napanatili at napreserba ang ating kaalaman sa Filipino at pagka Pilipino na dapat isulong at pagyamanin. Ang tanggol kasaysayan at wika ay mahalaga sa pagpapanatili ng ating pagka pilipino ngunit kakaunti lamang ang mga kabataan na alam ang organisasyon o samahan na ito. Ang iba sa atin ay hindi kilala at hindi alam ang kilusang ito. Sa aking palagay ay mas dapat pagtuunan ng pansin at suporta ang mga ito nang sa gayon ay mas mapagtibay ang pagiging makabansa natin.Gamit ang kaalaman sa organisasyong ito. Mahihimok ang bawat isa lalong lalo na ang mga kabataan na siyang pag asang sinasabi ni Rizal na mas ipagtanggol ang pagiging pagka Pilipino natin. Kung magkakaroon ng pagkakaisa ay bawat isa sa ating bansa at sumali sa mga org na ito ay hindi na tayo muli pang masasakop ng ibang lahi at Hindi kailanman mabubura ang ating pagiging tanda bilang isang Pilipino.

Regine: Ang aking opinyon patungkol sa tanggol wika ay,nararapat lamang na hindi tanggalin ang Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at bilang mag-aaral at Filipino tungkulin nating ipaglaban ang wikang filipino,dahil ito ang humubog atin. At ang wika ang siyang sumasalamin sa ating identidad. Ito rin ang ating paraan upang bigyan galang ang ating wika. Nararapat lamang na tayo ay patuloy na ipaglaban ang wikang Filipino sa pamamagitan ng patuloy at paglaganap ng wikang filipino at panitikan. Ang aking opinyon tungkol sa tanggol kasaysayan, hindi ako sang-ayon na ituturo na lamang ang kasaysayan sa elementarya. Madaming dapat na matutunan ang mga pilipino tungkol sa sa ating kasaysayan. Nararapat lamang na bigyan pansin ang pag aaral sa Philippine history sa hayskul gayon din sa kolehiyo nang sa gayon ay hindi natin malimutan at patuloy na lumawak ang ating kaalaman. Ating itaguyod ang makabayang perspektiba sa kasaysayan. Ating buhayin ang Philppine history.

Buod

Eddison: Maraming naging usapin/diskusyon patungkol sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. At sa hinaba haba ng mga naging talakayan dito at sabay sa pag unlad ng bansa ang tanong ay mayroon nga bang malaking ambag ang mga platapormang makikita natin sa sosyal midya sa pagpapaunlad ng wikang Filipino? Halina't ating ibuod ang mga ito.

Aminin man natin o sa hindi ang usapin patungkol sa wikang Filipino ay hindi na binibigyang pansin ng henerasyong ito, na tila ba ang wikang Filipino ay isang ordinaryong wikang pangkomunikasyon na lamang at ang larawan ng mga nakaraan ay isa- alalang nagdaan.

Ang aming unang napiling social media page ay ang Tanggol Wika na isang alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission  on  Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo. Bilang aming mithiin na alamin kung mabisa nga ba ang social media page na ito sa pagpapaunlad ng wikang Filipino ay unti unti naming siniyasat ang laman ng naturang Facebook page na ito. Nakita namin ang kagandahang intensyon ng mga taong sangkot sa paggawa ng naturang Facebook page na ito. Subalit tila ba'y hindi tuloy tuloy ang daloy ng pinaka layunin ng page na ito na payabungin ang wikang Filipino. Makikita din natin sa kanilang page ang pagtalakay nila sa isyung politika kagaya ng pagbatikos sa pamumuno ng mga nauna at kasalukuyang namumuno. Sinasabing maganda sanang plataporma ang kanilang page sa pagpapalaganap ng wikang Filipino lalo na sa mga bata na mas madalas na tutok sa social media kung pagtutuunan nila ito ng husto. Subalit di namin tinatanggi ang kagandahan kanilang intensyon na laman ng kanilang mga post ay isang ibagay na importante lalo sa mga panahong ito, layo man ang isyung ito sa tunay na layuning paunlarin ang wikang Filipino subalit walang sinuman ang dapat alisan ng karapatan ihayag ang kanilang sarili lalo na sa isyung panlipunan.

Sumunod naman dito ang Tanggol Kasaysayan na maaari nating makita sa ating mga Facebook account ay isang organisayong naglalayong isulong, bigyang importansya at magbigay aral tungkol sa mga aral ng nakaraan. Kung ating bibisitahin ang kanilang Facebook page makikita doon ang mga pagbatikos nila sa mga naganap noon lalo na noong Martial Law at ganoon din sa mga kaganapang nagaganap ngayon. Base sa aming napansin ay tila hindi gaanong kadami ang followers, likes at views ng nasabing page na maaaring isang replikasyon na hindi ganoon kadami ang tumatangkilik sa ganitong usapin. Subalit ganoon pa man hindi namin pinipilit ang sinuman na tangkilikin ang pinaniniwalaan ng aming grupo at nang kahit sino o kahit anong mga organisasyon, ang nais namin ay mag isip ang bawat isa ng tama, akma at piliin ang kung ano ang sa tingin nila ay tama hindi lang sa kanilang sarili kundi para narin sa nakararami.

Sa aming huling pag aanalisa hati ang aming konklusyon kung ang mga sosyal midya pages ba na nabanggit ay may ambag sa pag pagpapayabong ng wikang Filipino at nang kasaysayan sa ating bansa. Dahil ang mga followers, likes at views ng isang account ay hindi lang sumisimbolo sa isang panig na walang pakialam ang mga tao maaari din itong dahilan ng pagkakaiba iba ng mga pag iisip at pananaw ng bawat isa.

Pagtatapos

Regine:  Sa  pagtatapos  ng  ating  pulong,  nagkaroon  na  tayo  ng  mga  ideya tungkol sa paggamit ng social media upang mabigyang pansin ang ating wika at makagawa ng mga plataporma ukol sa pagtatanggol sa ating wika. Nalaman na natin ang ipinaglalaban ng Tanggol Wika. Lubos kaming umaasa na sa inyong narinig mula sa pulong na ito ay hindi lamang pakikinig mula sa tenga kundi pati sa ating puso. Nawa ay nagkaroon kayo ng dagdag kaalaman tungkol sa ating wika at kung paano natin ito mapangangalagaan.

Andrea: Hindi lamang sa salita ngunit gawin din natin ang mga bagay na ating natutunan upang mas mapaunlad ang ating sariling pagkakakilanlan, o wika. Muli, ito ang aming mga ideya at nakalap sa paksang ito kung paano nakakatulong sa ang mga social media pages sa pagtataguyod ng Wikang pambansa o wikang Filipino. Maraming salamat sa inyong inilaang oras sa pakikinig sa aming presentasyon nawa ay naibahagi namin ito ng mahusay at kayo ay may nakapulutang aral.

IKALIMANG PANGKAT

‘IMPLUWENSYA NG MIDYA SA PAGGAMIT NG LENGUWAHE’

 

PANALANGIN

Estenythly: Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito, para sa aming lahat upang magampanan namin ang aming sariling tungkulin lalo na po sa gagawin ng aming grupo ngayon.  Bigyan mo po kami ng sapat na lakas ng loob para po sa gagawin naming presentasyon ngayon, patnubayan niyo po kami para magawa at mapaliwanag namin ng tama ang aming gagawing presentasyon. Bigyan mo po kami ng matiwasay na pag-iisip, gabay, talino, at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami ng tulong at patnubay sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo din ang aming mga guro sa matiyagang paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-araw, at sa patuloy na pagpapatnubay at pagbibigay gabay sa amin. Pagpalain mo rin ang aming mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin sa lahat ng bagay. Maraming salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang inyong ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang aming sandigan at aming kalakasan. Amen!

PAGBATI

Jessica:Sa ating mga panauhin, sa aming minamahal na guro na si Bb. Jessa Cada na namuno sa pag gagabay sa amin upang maisakatuparan ang programang ito, sa ibang mag-aaral at sa mga tagapag-salita sa araw na ito, isang mapagpalang araw sa inyong lahat.

Ngayon ay mauunawaan natin ang tungkol sa usapin na Impluwensya ng Midya sa Lenggwahe. Nawa'y magbigay linaw ito sa ating lahat. Maraming salamat po.

PRESENTASYON NG PAKSA

Celine : Ang wika ay isang paraan upang maibahagi natin ang nais sabihin o mga saloobin na ating naiisip. Ito ang nagsisilbing tulay upang pagdugtong dugtungin ang mga mamamayan ng isang bansa dahil sa pamamagitan nito ay naipapakita at naipapakilala natin ang ating mga sarili sa iba pang mga tao. Sa pamamagitan din ng ating wika ay malalaman natin ang iba't ibang impluwensya na humulma at naka impluwensya sa ating kultura katulad na lamang ng salitang español. At sa paglipas pa ng panahon may mga wika pang nadagdag sa ating bansa na labis na naka impluwensya sa atin. Halimbawa nalamang ay ang wikang Ingles. At dahil nadin sa media ay mas naimpluwensyahan pa ang ating paraan ng pananalita.

     Sa iyong palagay isa nga bang malaking impluwensya ang media at may malaking dulot din ba ang mga makabagong teknolohiya sa pagbabago ng ating wika? Paano nga ba Ito nakakaapekto sa ating mga mamamayan? Maraming iba't ibang lenggwahe ang ating natututunan dahil sa iba't ibang taong ating nakakasalamuha, sa paggamit ng midya nakakakuha din tayo ng panibagong salita na ating maaaring gamitin sa pakikipagkomunikasyon.

PAGLALAHAD UKOL SA PAKSA

Geneca:Nang isinilang ang tao, kakambal na nito ang pisikal at mental na potensyal sa paggamit ng iba't ibang wika, ma ilocano man, ma inglesh, Tagalog, Cebuano, Ilonggo, Bisaya, at iba pa. Wika ang naging dahilan para magkaisa at magkaunawaan ang bawat isa, ito ang naging tulay para makapag komunikasyon, isa simbolo para mapalawak ang ating isip at puso para mapalawak ang ating relasyon sa bawat isa. Sa pamamagitan ng paggamit ng wika, nauunawaan at nagkakaisa ang bawat tao, malapit man o malayo ang mga ito. Ngunit higit sa lahat ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat tao at nagiging salamin kung anong kultura, tradisyon, at paniniwala mayroon ang isang bansa na siyang ating kinalalakihan at nag sisilbing gabay ng bawat mamamayan, wika na siyang naging identidad ng isang tao. Ang wika ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng mas epektibong at malawakang komunikasyon, sandigan at pundasyon ng mabuting pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan. Ito ay sumisimbolo sa mga bagay na nagbibigay ng pangalan, kahulugan at interpretation sa pamamagitan ng mga salita, simbolo o titik na ating nakikita,naririnig, at nababasa.

DISKUSYON

Mara & Ida:

Ang wika bilang instrumento ng pakikipagtalastasan at pakikiugnay ay maaring matamo sa instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao sa lipunan. Ang paggamit ng lingua franca sa mass midya bilang pagbuo ng isang identidad ay isang paghahangad na maiugnay ang lipunan at sektor sa globalisasyon.

 Sa isang artikulo ni Tullao (2009) tungkol sa ekonomiks at kalakan, sinabi niya na “ang wikang nauunawaan ng nakararami at hindi ang wikang nangingibabaw ang higit na mabisang gamitin upang maabotang pinakamaraming mamamayan na tutugon sa problema sa katatagang ekonomiko.” Magiging lalong matagumpay ito sa tulong ng mass midya na siya namang magpapadaloy ng transaksiyon sa lipunan.

Binigyang kahulugan naman ni Anderson na sinipi ni Higson (2002) ang pambansang identidad bilang share identity ng isang politikal at heograpikal na espasyo, kilala din sa tawag na ‘nasyon’ o bansa. Higit pa ang identidad na ito sa pisikal na katangian na nagkakapareho, ngunit kadalasan ay nagkakaiba sa kanyangkapwa. Ginagampanan ngayon ng mass midya ang tungkuling ito bilang instrumento rin sa paghuhulma ng identidad ng lipunang nagkakaisa, nagiging makabuluhan at komunidad na homogenous ang hangarin.

Ang   wika ay   nagsisilbing   instrumento   sa   pagkakaroon   ng   mas   epektibong komunikasyon at pundasyon ng mabuting pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan. Itoay   sumisimbolo sa mga   bagay   na   nagbibigay   ng   kahulugan, interpretasyon   at kabuluhan sa pamamagitan ng mga salita at simbolo na ating nakikita, naririnig at nababasa. Ang pagiging daynamiko o nagbabago ay isa sa mga makabuluhang katangianng wika. Ito ay dahil sa   paglipas ng   panahon at pagkakaroon ng pagbabago sa kapaligiran at dahil na rin sa malikhaing pag-iisip ng tao na nagsisilbing dahilan ngpagkakaroon ng mga bagong salita.Sa pag-usbong ng moderno at makabagong teknolohiya, nagkakaroon ang mgatao ng mga bagong kaalaman dahil sa pananaliksik at malikhaing pag-iisip. Isa sa mga produkto ng makabagong teknolohiya ay ang pagkakaroon ng mga Social Media. Ang   pagkakaroon   ng   mga   Social   Media   ay may iba’t-ibang   dahilan.   Ang pagkakaroon ng mas mainam na komunikasyon ay isa na rito. Ang Facebook ay isang Social Media site na ginagamit sa buong mundo. Sa pamamagitan nito, nakakakapag-usap ang mga gumagamit nito kahit saan mang dako ng mundo naroroon. Malaki na ang naitulong ng Facebook sa mga tao, ngunit hindi sa wika. Dahil, madalas napapalitan ang orihinal at tamang pakabaybay ng mga salita. Halimbawa, sahalip na sabihing “dito” ay“d2”nalang   ang   ginagamit.   Habang   may   mga   bagong lenggwahe naman ay nabubuo katulad ng Jeje Language o Jejemon, Gay Language o Bekimon at iba pa.

Ayon kay Dinglasan (2016) ang wika ay isa sa mga pinakamahalagang imbensyon ng tao dahil ito ay may mga katangian na tumutulong sa pagkakaroon ng magandang pakikipag-ugnayan ng mga tao. Ito ay may malaking kontribusyon sa pag-unlad ng modernong teknolohiya. Ang nakapagtataka ay ang patuloy na pagbalewala ng mga Pilipino sa ating kinagisnang wika at ang mas pagpapahalaga sa wikang Ingles lalo na sa social media partikular sa facebook at twitter. Naging madali sa atin makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng social media kaya naimpluwensyahan tayong mga Pilipino na gumamit ng kanilang wika lalo na ang wikang Ingles. Nagkakaroon din ng pagbabago sa ating wika na maaaring magdulot ng paglimot sa kulturang iningatan ng mga ninuo natin. Dahil laganap na ang iba’t ibang uri ng media ay mabilis tayong magkarooon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at labas ng bansa. Sa kasalukuyan, makikita na kagaya ng ibang kagamitan, sumasabay rin sa uso ang wika kaya kung ano ang nakikita ng karamihan sa internet ay ganun rin ang wikang ginagamit nila. Ngunit bakit nga ba tila madalas ginagamit ang wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino? Sa panahon ngayon, maraming nadidiskubreng paraan ng pagpapahayag ang mga kabataan gamit ang social media. Ang ilan ay ginagamit ang social media sa pagpapahayag ng kanilang damdamin at karanasan gamit ang wikang Ingles, ang iba naman ay ginagamit ito sa pang-aabuso ng kapwa katulad na lamang ng tinatawag na “cyberbullying”. Dahil dito, nagigising ang mga kabataan sa realidad at napapagtanto nila na responsibilidad nilang gamitin ang wika at mga bagong salita sa tamang paraan. Buhay ang wika kapag nakakasabay ito sa tawag ng panahon ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan nating sumabay sa uso. Wika ang nagbubuklod sa mga tao kaya naman napakahalagang gamitin ang wikang Filipino sa pakikipag usap upang magkaintindihan maging luma man ito o bago.

Ang lubos na pagpapahalaga sa wikang Ingles ay magdudulot ng kalituhan sa ating pagkakakilanlan sa oras na ibaon natin ang wikang kinagisnan kaya kung maaari ay wikang Filipino ang ating tangkilikin. Isaalang alang din natin ang respeto sa paggamit nito, at ang naiambag ng mga nakalipas na henerasyon sa wika natin ngayon. Maging sensitibo tayo sa paggamit ng wika sa social media sapagkat hindi man natin napapansin ay maaaring nakakaapekto sa ibang tao ang ating mga ipinapahayag.

INTERMISYON

Ida : Ang napanood niyo sa video ay mga trivia na makakadagdag sainyong kaalaman upang mas maintindihan niyo ang amin paksa

PAGBUBUOD NG DISKUSYON

Isabel :  Ang pagbabago sa ating kapaligiran ay hindi natin maiiwasan. Walang masama sa paggamit ng ibang wika katulad ng Wikang Ingles, ngunit huwag nating gawin ang wika sa paraan na nakikiuso lamang, ang tamang paggamit pa rin ng wika ating laging pahalagahan dahil sa wika pa rin tayo magkakaintindihan at magkakaunawaan. Lingid sa kaalaman ng nakakarami na sa bawat paggamit natin ng midya ay naiimpluwensyahan pati ang ating wika. Ito ay sa nakakabuting mang paraan o hindi. Nababago ang ating pananalita sa paglipas ng panahon dahil sa malaking dulot na rin ng teknolohiya. Isa sa mga nagiging problema sa wika ay ang maling pagbigkas ng salita. Ang paggamit ng midya ay hindi masama kung ito ay nagagamit ng wasto. Walang masama sa pagtangkilik sa ibang wika, ngunit sana'y mas bigyang pansin pa rin ang sariling atin, dahil hindi rin palaging ang pagsabay sa uso ang solusyon ng ating pag unlad.

PAGPAPASALAMAT

Joyce: Isang magandang umaga para sa ating lahat. Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga panauhin sa kanilang pakikiisa at pagdalo sa araw na ito. Nawa'y marami kayong natutunan at napakinggan, ito'y inyong isapuso at isaisip sa anumang oras. Mahalin natin ang ating wika at gamitin natin ito ng wasto. Ito pa rin ang susi sa ating komunikasyon sa ibang tao upang maunawaan ang bawat isa. Bigyang halaga natin ang ating laging ginagamit sa bawat araw, ang wika. Muli, maraming salamat sa inyong pakikiisa at pakikinig.

Sanggunian:

Wika at Media. 2015. https://wikaatmedia.wordpress.com/

https://pahayagan101.wordpress.com/2016/11/13/paano-ginagamit-ang-wika-sa-social-media/

https://www.academia.edu/19852413/Ang_Papel_ng_Mass_Midya_sa_Wika_Kultura_at_Ekonomiya

https://pdfslide.tips/documents/ang-epekto-ng-social-media-sa-wikang-filipino-sa-mga-mag-aaral-ng-pntc-sa-unang.html

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento