PANGKAT 1
PHILHEALTH
LEAL: Kumusta! Una sa lahat, nais ko munang bumati sa ating
mga tagapakinig ng isang magalang na umaga sa ating lahat. Ako ay natutuwa na
nagbigay kayo ng oras upang mapakinggan ang aming saloobin sa mga isyung napapanahon
ngayon.
FAJARDO: Narito kami upang magbigay ng mga impormasyon patungkol sa PhilHealth.
At bago po kami magsimula. Ako po si Yasmin M. Fajardo.
LEAL: At
ako naman po si Alaisa A. Leal. Kami ay mga mag-aaral mula sa BSTM 3B pangkat
1.
Isa po ako sa mga naatasang magbigay ng impormasyon na
tumutukoy sa isyu mula sa PHILHEALTH O PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION.
Layunin po ng programang ito na makatulong sa pangkalusugan sa lahat ng
mamamayang Pilipino.
FAJARDO: Ika-5 ng Agosto 2020, sinabi ni Anakalusugan Partylist Rep.
Mike Defensor na nawalan ang PhilHealth ng tinatayang P153.7 bilyon magmula
noong 2013 hanggang 2018. Sinabi din niya na sa 20 persyento na itinala ng
Commission On Audit (COA), P102 bilyon ang Nawala sa PhilHealth dahil sa
“overpayment” o sobrang pagbayad. At sa 10 porsyento naman ay P51.2 biylon and
Nawala dahil sa “fraud” o panloloko.
LEAL: Sabi pa ni Defensor, «taong 2013, ginawa nila, sa isang
circular na ang lahat ng pagbayad ng PhilHealth na hindi na fee for service.”
FAJARDO: Ani naman ng mambabatas, “Ano ba yung fee for service? Kapag
ikaw ay nagkasakit, gagastos ka ng P5,000, ipagpagpalagay natin sa pneumonia,
ang ginastos mo ay P5,000 lamang. Pero dahil ang case rate o ang case-based
payment nila ay P15,000, babayaran parin ang hospital ng P15,000.”
LEAL: Noong
Senate hearing naman bago nito, sinabi ng dating PhilHealth president Ricardo
Morales na P10.2 bilyon ang maaring nawala dahil sa “fraud” noong 2019.
Noong
Agosto 27 naman ay nagbitiw sa tungkulin si Ricardo Morales dahil daw siya ay
may lymphoma. Parang nakapagtataka naman na nagkaroon siya ng cancer pagkatapos
mabalita ang korapsyon sa PhilHealth.
FAJARDO: Oo nga eh, parang sila Pangulong Arroyo, Senador Juan Ponce
Enrile at Senador Bong Revilla noon.
LEAL: Noong
ika-una naman ng septyembre ngayong taon, naglabas ang ABS-CBN news mula kay
(Sherrie ann Torres at Joyce Balancio) ng isang impormasyon na pinamagatang “Itinalagang
PhilHealth chief umaming ‘walang alam’ sa public health.” Pero umapela naman sa
publiko ang bagong tagapamuno ng philhealth na si Dante Gierran presidente ng
Philhealth na bigyan siya ng pagkakataong pangunahan ang government corporation
kasabay ng pag aming walang siyang alam tungkol sa operayon nito.
FAJARDO: Para lamang po sa dagdag impormasyon, Si Gierran, na itinalaga
ng ating Pangulo bilang Philhealth president, ay ang dating hepe ng National
Bureau of Investigation na kung saan nabalot ito ng kontrobersiya ng
katiwalian.
LEAL: Si
Gierran ay aminadong hindi niya alam ang public health kaya’t plano niyang
humingi ng payo sa sinundan niyang si Ricardo Morales na pinagbitaw bilang
Philhealth head dahil nga sa kalusugan niya.
FAJARDO: Pero hindi pa man nakakapagsimula sa trabaho, dismayado na ang
unyo ng mga manggagawa ng Philhealth sa pagkakapili kay Gierran. Bakit kaya?
LEAL: Ayon
nga kay Maria Fe Francisco “disappointed ako dahil mukhang hindi pinakinggan
ang aming panawagan na magtalaga si pangulog Duterte ng isang eksperto sa
pinansyal at mahusay na mamuno sa philhealth”. Ngunit sa kabila nito, tiniya ng
unyo ang pagsuporta at pag-alalay kay Gierran.
FAJARDO : At dumipensa rin ang Malacanang sa mga ibinabatong akusasyon na
hindi kalipikado si Gierran sa pagka-hepe sa philhealth. Sabi ni spokesperson
Harry Roque na kalipikado naman si Gierran batay sa nakasaad na requirement ng
Universal Health Care Law.
LEAL: Wala
ring bahid ng korapsiyon si Gierran. At bilang isang certified public
accountant at abogado, nakikita umano ni duterte na maaayos nito ang
philhealth. At nag paalala naman ang ibang mga senador kay Gierran tulad ni
Sen. Franklin Drillon na kahit magaling si Gierran, dapat bukas lagi ang mga
mata nito dahil laganap ang katiwalian sa ahensya.
FAJARDO: Tama si Senador Drillon. Sabi naman ni Sen. Vicente Sotto III
na malaking bagay ang malinis na track record ni Gierran para maayos ang
Philhealth. Kay Sen. Panfilo Lacson umaasa siyang hindi mahahatak si Gierran ng
mga grupong nagmamanipula sa operasiyon ng Philhealth.
LEAL: Oo
nga. Nag payo rin si Sen. Sonny Angara kay Gierran na unahing palakasin ang Information
Technology capacity ng PhilHealth para matigil ang korapsiyon. Ayon naman kay
Sen. Grace Poe, dapat habulin at parusahan ang mga nagpabaya at nagnakaw sa
ahensiya.
FAJARDO; At sa huli sinabi rin ni Sen. Joel Villanueva na dapat mabuwag
ang aniya’y sindikato sa philhealth at makulong ang mga miyembro nito. Na
nangyari naman noong Septyembre 15, 2020. Nagkaroon ng pag-usad ang isyung ito
nang aprubahan ni Pangulong Duterte ang pagsampa ng kasong criminal at
administratibo laban kay dating PhilHealth president Ricardo Morales,
Philhealth Senior Vice President for Information Management Sector Jovita
Aragona, Acting Senior Manager Calixto Gabuya Jr., Senior Vice President for
Fund Management Sector Renato Limsiaco Jr.
LEAL: Senior
Vice President for Health Finance Policy Sector Israel Francis Pargas,
Executive Vice President, and Chief Operating Officer Arnel De Jesus at
Division Chief Bobby Crisostomo.
FAJARDO: Ang ebidensya at resulta ng imbestigasyon ng Task Force
PhilHealth ay sumusuporta sa kanilang konklusyon na lumabag sa Anti-Graft at
Corrupt Practices Act ang mga nasabing opisyal. Panawagan naman ng Vice
President ng PhilHealth Workers for Hope, Integrity, Transparency, and
Empowerment na tapusin ang imbestigasyon at linisin ang Philhealth, kung
mayroon man talagang korapsyon sa loob ng PhilHealth.
LEAL: At
doon po nagtatapos ang aming paksa. Nais ko lamang pong mag-iwan ng isang
katagang, “Tama na ang pangungurakot dahil maraming Pilipino ang umaasa sa
tulong na maibibigay ng philhealth.”
2021 NATIONAL BUDGET
VELANDO: Bago po kami magsimula, nais po namin munang bumati sa aming
guro sa kursong ito na Kontekstwalisadong Komunikasyon na si Ms. Jessa Cada, sa
aming mga kamiyembro na naglaan ng panahon upang maisagawa ang proramang ito,
sa aming mga kapwa kamag aral mula sa BSTM 3B, sa aming mga tagapakinig at sa
mga manunuod na patuloy na sumusuporta sa aming programa ngayon, isang
magandang umaga po sa inyong lahat.
VELANDO: Ako po ang naatasan na magbahagi ng impormasyon at kasama si
Christian kim mula sa isa sa mga video nang mga sesyon ng House of
Representatives. Ang isyu pong ito ay hinggil sa Pambansang Pondo sa susunod na
taon 2021 na umaakma sa no. 9 sa mga nasabing video.
KIM: Noong
ika-25 ng Agosto taong 2020, mula sa balita na inilabas ng ABS-CBN ay 4.5 trillion
ang inihain ng administrasyong Duterte bilang Pambansang pondo sa taong 2021 sa
kongreso. Sa kabila ng Covid 19 o
pandemya na umiiral sa ating bansa ay kapansin pansin na mas malaki pa rin ang
gagastusin ng gobyerno sa imprastraktura at seguridad kaysa sa kalusugan.
Sinasabi na malaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa mga programa at pasilidad
kaugnay sa pandemya.
KIM: Sa
isang artikulo naman mula kay Zandro Ochora ng ABS CBN news, binigyan ng
pagkakataon na makapagtanong ang mga sumusubaybay sa opisyal na account ng
House of Representatives sa isinasagawang pagdinig ng pambansang pondo para sa
2021. Kaugnay nito ang sinabi ni House Appropriations Committee Vice Chairman
Jonathan Sy Avarado na bibigyan ng tig 3 minutong pagkakataon ang mga
kongresista na makapagtanong sa Development Budget Coordination Committee (
DBCC) na binubuo ng kalihim ng
Department of Finance(DOF) , Department of Budget and Management(DBM), National
Economic and Development Authority (NEDA) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
VELANDO: Sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan sa pagsasaayos ng
Pambansang pondo ay naaprobahan din ni Pangulong Duterte ang P4.506 trillion
para sa susunod na taon. Kaugnay nito ay mas pagtutuunan daw ng pansin sa
nasabing badget ang pagresponde sa pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng
karagdagang pondo sa Health care system, pagkain, investment at pagtulong sa
komunidad at palalakasin pa ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya.
KIM: Samantala,
ika-18 ng Nobyembre ngayong taon, ibinalita ang tungkol sa kawalan ng pondo sa
SAP sa 2021 badyet kaugnay pa nito na may 83B na hindi naipamigay ng DSWD sa
mga nangangailangan na ikinadismaya ng mga senador. Subalit, bilang tugon dito
ni Senador Annie Marcos na sponsor ng badyet ng DSWD, nahirapan ang ahensya sa distribusyon
dahil sa pandemya at sunod sunod na mga bagyo.
VELANDO: Ano nga ba ang SAP? Ang Department of Social Welfare and
Development (DSWD) ay nagbibigay ng tulong sa mga vulnerable sectors sa
pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP). Ang SAP ay isang programa sa
ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act na isinagawa sa kalagitnaan ng COVID-19
krisis.
VELANDO:
Sa inilathala ni Gemma Garcia sa
Pilipino Star Ngayon na inilabas noong ika-10 ng Setyembre ngayong taon. Wala
nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng
panukalang pambansang pondo para sa taong 2021. Nilinaw naman ito ni Budget
Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee
Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa
susunod na taon. Sa nasabing pagdinig, tinanong ni Minority leader Franklin
Drilon kung bakit walang alokasyon para sa Social Amelioration program o SAP
gayung tumaas ang bilang ng mga pamilyang Filipino na naghihirap dulot ng COVID-19
o pandemya.Paliwanag ng kalihim, para sa taong 2021 ay mayroon lamang regular
na programa ang DSWD at ito ay ang pamamahagi ng 4Ps.
KIM: Sabi ni Avisado, ang P200 bilyon
budget para sa SAP sa ilalim ng Bayanihan 1 na nagbenepisyo sa may 18 milyong Pinoy
ngayong taon at panibagong P6 bilyon sa Bayanihan 2 ay ibinigay dahil hindi
makapagtrabaho ang karamihan dulot ng lockdown. Kaya walang probisyon ng SAP
para sa susunod na taon.Bukod dito, nag-i-invest umano ang gobyerno sa
infrastructure projects na magbibigay ng “multipier effect” para magkaroon ng
maraming trabaho at magpapataas sa ekonomiya ng mga Filipino na mas mabuti
umano kaysa mamahagi ng ayuda.
LIBRENG
DISKUSYON
PHILHEALTH
MONARES: Ano nga ba ang nakasaad sa Universal Health Care Law na sinasabi
ni spokesperson Harry Roque na kwalipikado si Geirran upang mamuno sa
Philhealth?
MONARES: Inamin ba ni Gierran na wala siyang kaalaman tungkol sa public
health o sa mga operasyon ng PhilHealth?
DESCUATAN:
Naging patas ba ang ginawa ni pang Duterte sa ginawa nyang pagtanggal sa
sinasabing naging sangkot sa koruspyon sa philhealth
DESCUATAN:Sa
iyong palagay paano mabibigyang solusyon ng Philhealth ang kinakaharap nilang
suliranin?
CUADRA: Naging matagumpay ba ang pamumuni ng bagong philhealth
president na si Gierran?
2021 NATIONAL BUDGET
MONARES: Ano ang mga pagtutuunan ng National Budget 2021?
DESCUATAN:Naging patas ba ang
pamamahagi ng SAP sa mga pilipino? Bakit?
CUADRA: Sinabi na kaya mas naging kapansin pansin ang malaking
gagatusin ng gobyerno sa infrastructures projects upang magbigayang multiplier
effect ng sagayon, ay marami ang makapagtrbaho at magpapataas umano ito ng
ekonomiya. Naging epektibo ba ang paraan na ito sa ngayon lalo na may
kinakaharap tayong panndemya?
REKOMENDASYON
VELANDO: Bilang isang mag aaral, sa aking pananaw,
ang isyung ito ay nangangailangan ng maayos na pagpupulong upang maiwasan ang
pagkakaroon pa ng ibat ibang isyu na maaaring magmula pa sa iba pang sektor ng
ating ekonomiya. Ang pambansang pondo ay napakahalaga
sa ating bansa kung kaya’t idinaan ito sa tamang usapan at proseso. Ito rin ang
magsisilbing instrumento natin upang mas umangat pa ang ating ekonomiya at
maging matagumpay ang mga proyekto ng bansa sapagkat ang pambansang pondo na
itinakda sa susunod na taon ay nararapat lamang na mapunta sa dapat nitong
paglaanan.
KIM: Ang
pagkawalan ng pondo para sa SAP (Social Amelioration program) ay nakakaalarma
sa iba sapagkat ang pondo na para sa mga mamamayanan ay inilaan sa ibang
prokyekto kung saan ay makakatulong narin sa ating mamamayang Pilipino upang
maging maayos na at makapagsimula muli ng panibagong buhay. Sa tulong ng maayos
na pagpapatakbo at pagpapadaloy ng ating pondo ng mga nahalal na mga pinuno sa
bawat mga ahensya ng bansa ay tagumapayan ang nila ang kanilang mga tungkolin
at pangako sa mga nasasakupan kahit anong pagsubok na kakaharapin ng ating
bansang Pilipinas para sa susunod na mga taon.
DESCUATAN: Bilang isang mamamayan
kailangan pa natin ng mas malawak na kaalaman at impormasyon patungkol sa
nangyayare sa ating bansa. Mas mabuting masiguro natin ang taong uupo sa ating
pamahalaan upang maiwasan ang mga ano mang anomalyang pwedeng mangyare dito sa
ating bansa katulad na lamang ng philhealth, sap, national budget at kung ano
pa man. Mas mainam din na pag isipan nating mabuti ang ating mga iboboto sa
susunod na eleksyon upang maisulong ang mga batas na makakapag paunlad sa mga
mamamayan at sa bansa. Nararapat lamang na maging patas sa lahat ng larangan at
antas ng lipunan.
MONARES: Dahil nga sa pandemya kailangang mapaglaanan ng higit na mas
malaking alokasyon ng pera yung sa sistema ng pangkalusugan kasi kita naman
kung gaano naghirap yung bansa natin pati narin mga mamamayan sa kakulangan sa
mga pasilidad at kagamitan na pwedeng naging panlaban sana sa COVID19.
Sunod
pag lalaan ng pera para sa seguridad ng pagkain at pangunahing mga
pangangailangan ng mga mamamayan sa gitna ng pandemya at iba pang mga sakunang
dulot ng pagbabago sa kalikasan. Halimbawa nitong nagdaang quarantine,
nagkagulo ang lahat kasi hindi malaman kung saang lupalop maghahanap ng
makakain lalo na't hindi puwedeng lumabas ng tahanan. May mga taong hindi
naabot ng tulong ng lokal at nasyonal na pamahalaan dahil hindi sapat yung pera
para lahat ng mamamayan ay masustentuhan ang pangunahing pangangailangan.
Pangatlo,
paglalaan ng pera para makalikha ng mga imprakstraktura na mangangailangan ng
mas maraming manggagawa na magbibigay ng trabaho sa mamamayang Pilipino.
Bigyang
halaga rin yung pagsasaayos, pagpapaunlad, at muling pagbangon ng ekonomiya sa
maraming aspeto halimbawa sa pagsasaka, lalo na at maraming mga nagdaang
kalamidad na sumira sa mga taniman at pangunahing pamumuhay ng mga Pilipino.
Gayundin sa aspeto ng turismo na higit na naapektuhan ng kasalukuyang pandemya.
Panghuli,
pagtuunan rin ng pansin sa paglalaan ng pera ang muling pagbangon ng bawat
komunidad sa kani kaniyang kinakaharap na problema katulad sa pinagdaraanang
mga kalamidad na sumira sa mga tahanan at iba pang mga pangunahing
pangkabuhayan.
FAJARDO: Bilang isang mag-aaral at botante, nakikita ko na kulang ang
ibinibigay na mga tulong ng gobyerno sa taong bayan. Kung wala ring korapsyon,
nabigyan na sana agad ng sapat na tulong ang mga nasalanta ng bagyo. Pero hindi
eh, lagi nilang sinasabi na maghintay ang taong bayan ngunit madami padin akong
nababalitaan na marami ang hindi nabibigyan ng sapat na tulong. Dapat lang na tanggalin
ang mga namumuno at ang mga kasabwat nito sa ginagawa nilang panloloko sa mga
tao at maigi rin na imbestigahan mabuti ang bawat manggagawa mula taas hanggang
baba sa bawat ahensya ng gobyerno pati na rin ang gobyerno mismo kung
kinakailangan.
CUADRA: Bilang isang mag aaral, sa aking opinyon ay dapat lamang
magkaroon ng maayos na pag-uusap upang mabigyan ng solusyon ang problemang
kinakaharap ng ating ekonomiya ngayon. Dumaan sana sa tamang proseso pagdating
sa pondo upang lahat ng dapat makinabang ay mabibigyan ng pagkakataon na
mapakinabang ang dapat sakanila. Dahil tayo ding mamayang ang nagsisilbing
representasyon ng ating bansa. Kinakailangan lamang na mag tulungan, mag karoon
ng kooperasyon at magkaroon ng totoong at makapagkakatiwalaan na mga opisyal
upang di na muli maranasan ang ganitong mga problema.
PANGKAT 2
Bb. Salamo: Ang programang ito ay
laan pang edukasyonal para sa proyekto ng asignaturang Kontekstuwalisadong
Komunikaston sa kolehiyo. Sa pagsisimula ng ating programa tayo muna ay maglaan
ng isang panalangin sa pangunguna ni Bb. Almanzor.
Bb. Almanzor: (Panimulang panalangin)
Bb. Salamo : Magandang umaga sa lahat
ng ating mga tagapakinig at sa aking mga kasamahan sa larangan ng Turismo! Kami
ang inyong lingkod na tagapagpahayag, Bb. Trixie Salamo .
Bb. Almanzor: At Bb. Nathaniella
Almanzor. At nakatututok kayo sa programang … Bb. Salamo at Bb. Almanzor:
KABSUHENYA ! Mas magliliwanag ang bukas.
Bb. Salamo: Maganda maganda maganda
pa tayong lahat sa umaga! Kumusta ang ating mga tulog? Ikaw ba partner
napanaginipan mo ba si Crush? ayiiieeee… at mukang blooming na blooming ka
ngayong umaga, mapapa sana all kana lang talaga.
Bb. Almanzor : Siya ngang napakaganda
ng umaga partner. Ngunit wala nang mas gaganda pa sa akin. Biro lamang at baka
magalit bigla ang panahon. Bb.Salamo : Ngunit bago ang lahat bakit at ano nga
bang meron ngayong umaga at narito tayong lahat ?
Bb.Almanzor : Partner sa umagang ito
ating tatalakayin ang isang napakaganda at tiyak na kapupulutan ng aral ngating
mga taga pakinig. Ang isyung tatalakayin natin ay ang resolusyon 13-19 serye
2013 na nagtatalakay sa “Filipinas” bilang kapalit ng opisyal na pangalan ng
ating bansa na “Pilipinas”.
Bb.Salamo: Medyo mabigat ang isyu na
tatalakayin natin ngayon partner, sapagkat may iba’t ibang hinain o pinyon ang
ating mga kababayan. Merong positibo at negatibo alam mo naman partner ang
reyalidad ngayon. Kadalasan sa iba ay mema sabi lang
. Bb.Almanzor : Tama ka riyan partner
! Sa katunayan nga niyan partner, ang ilan sa ating mga kababayan ay hindi
interesado sa isyung ito. Ngunit nais nating ipaalam sa lahat na ang ganitong
mga isyu ng bayan ay nararapat lang na bigyang pansin.
Bb.Salamo : Ngunit ang aking opinion sa isyung
ito ay dito malalaman ang ating pagka makabayan. Kung ako ay pipili o
papipiliin partner sa Filipinas o Pilipinas, doon pa rin ako sa “Pilipinas”.
Bb.Almanzor : Bakit naman partner?
Bb.Salamo : Una sa lahat ang Letrang F ay isang hiram na letra lamang sa
alpabetong ingles, doon pa lamang ay mawawalan na ng hustisya o saysay ang
paglaban natin kasama ang mga guro, estudyante, organisasyon at iba sa paglaban
para sa sarili nating wika at maging sa ating kasaysayan. Bb.Almanzor : Mariin
kong sinasangayunan ang iyong opinyon partner.
INTRODUKSYON NG PAKSA
Bb. Almanzor: Sa pagpapatuloy ng
ating talakayan, nagimbita kami ng isang panauhin upang ipaliwanag at bigyan
tayo ng impormasyon ukol sa ating paksa ngayong araw. Aming ipinakikilala si
Bb. Maria Ella De los Reyes. Magandang umaga sayo Bb. De los Reyes. Una sa
lahat nagpapasalamat kami san a pinahintulutan mo an gaming imbitasyon at
nakadalo ka dito sa aming progama. Maligayang pagdating!
Bb. De los Reyes: Isang napakagandang
umaga din sa inyo Bb. Salamo, Bb. Almanzor at sa ating mga tagapakinig at
manonood.
Bb. Salamo: Sa pagsisimula n gating
talakayan, Bb. De los Reyes maaari nyo bang ipaliwanag ang isyu tungkol sa
inihaing resolusyon ng Komisyon ng Wikang Filipino sa Filipinas bilang kapalit
ng opisyal na pangalan n gating bansa na Pilipinas.
Bb. Delos Reyes: Noong taong 2013, sa
pangunguna ng tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino, G. Virgilio Almario.
Ang Kapasiyahan ng kalupunan ng mga Komisyuner Blg. 13-19 Serye 2013 ay
pinirmahan ng sampung komisyuner kabilang ang tagapangulo ng KWF. Ang
kapasiyahang ito ay naglalahad ngn pagbabalik ng “Filipinas” at pagpigil sa
paggamit ng “Pilipinas”. At ito ay upang mapalaganap ang modernisasyon at
maisulong ang pag unlad ng bansa. Sinasabi ring ang mga selyo, letter head, iba
pang mga opisyal na dokumento at maging mga institusyon na
mayroong“Pilipinas”ay iminumungkahing mapalitan ng “Filipinas”.
PALITAN NG IDEYA/DISKUSYON
Bb. Salamo: Nais ko lamang itanong
Bb. De los Reyes, hindi ba’t ang letrang “F” ay isang hiram na letra lamang na
nagmula sa alpabetong Ingles?
Bb. De los Reyes: Tama ka riyan
Bb.Salamo. Kaya nga’t ang pagpapalit ng na ito ay hindi sapilitan kundi iminumungkahi
pa lamang bago maaprubahan ang mungkahing maipakilala ang letrang “F” bilang
kabilang sa alpabetong Filipino.
Bb. Almanzor: Bb. De los Reyes, sa
pagpapalitang ito tila ba nawawalang saysay ang pagkakaroon natin n gating
sariling wika. Ano pang saysay ng pagkakaroon ng sarili nating wika kung ang
pangalan ng ating bansa ay isusunod sa alpabetong banyaga?
Bb.De los Reyes: Naalala ninyo pa ban
ang “Filipinas” ay ang naunang pangalan n gating bansa kaysa sa “Pilipinas”?
Ito ay isinunod sa pangalan ng noon ay hari ng Espanya, King Philip II.
Bb. Salamo: Aba at umiinit ang ating
talakayan sa mga oras na ito mga kaHENYA. Ngunit pansamantala muna natin itong
ititigil upang mapanood ang isang maiksing presentasyon upang mas lalo nating
maunawaan ang ating paksa.
INTERMISYON (Panonood ng maikling
bidyo)
PAGPAPATULOY NG TALAKAYAN
Bb. Almanzor: Maligayan maligayang
pagbabalik mga kaHENYA ! Narinig natin kanina ang ating panayam sa ating
panauhin na si Bb. De los Reyes na ipinaliwanag ang ating paksang Kapasiyahan
ng Kalupunan blg 13-19 serye 2013 na naglalayong ibalik ang “Filipinas” at pag
pigil sa paggamit ng“Pilipinas“ bilang opisyal na pangalan na ng ating bansa.
Bb. Salamo: Sa pagpapatuloy ng ating
talakayan, ang programa ay nagkalap ng mga impormasyon at opinion mula sa mga
guro o propesor sa Filipino, estudyante at ilan sa mamayan ukol sa ating isyu
ngayong araw. Ang ating kaHENYA na si Bb. Noelyn Buasan ay nagsagawa ng sarbey
mula sa mga guro at propesor sa Filipino upang hingin ang kanilang opinion sa
ating isyu. Magandang umaga Bb. Buasan.
Bb. Buasan: Magandang umaga din sa
inyo Bb. Salamo, Bb. Almanzor at sa ating mga tagapakinig mga kaHENYA! Ako ang
inyong lingkod Bb. Noelyn Busan ng mga impormasyon at opinion mula sa mga guro
at propesor sa Filipino. Sa sarbey na aking isinagawa dalawang guro ang aking
nakapanayam. Tinanong ko ang bawat isa sa mga guro at propesor sa Filipino kung
ito ba ay mamatutulong sa industriya ng edukasyon, sa bayan at lalong lalo na
sa mga kabataan na siyang pagasa ng Bayan at sa mga susunod na Henerasyon ayon
sakanila, “Tulad ng lahat ng aspeto ng kultura, ang wika ay patuloy na
nagbabago, kasabay ng paglago ng kulturang ginagamit ng sambayanang patuloy
ring lumalago at nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang puno’t dulo ng wika ay
hindi lamang ang pagkamakabansa, kundi mas higit pa dito, ay ang pagkakaunawaan
at kapayapaan. Ang wika ay naririyan upang ang mga gumagamit nito ay
magkaintindihan, at masigurong ang pagbigkas nila ng mga ideya at konsepto ay
tunay ngangmauunawaan ng kanilang pinagsasabihan. Kaya kahit anong gawin ng
KWF, hindi mamamatay ang Taglish, na siyang kumakatawan sa pangkaraniwang
karanasan ng Pilipinong kabataan na gumagamit ng internet, social networking
sites, atbp. Kahit na ang mga 'bastardized’ na wika tulad ng Jejemon at ng
Bekimon”. Ngunit paano nga ba ito nakatutulong sa pagunlad ng ating bansa gaya
ng sinasabi sa mungkahi ng Komisyon sa Wikang Filipino? Kung ang “Filipinas”
ayon sa kasaysayan ay ipinangalan sa ating bansa ng dating hari ng Espanya ay
ibabalik at mawawala ang “Pilipinas” na nagmula sa ating pambansang wika na
ipinaglaban ng ating mga bayani. Himagsikan ng 1896-1898? Si Lope K. Santos ba
ay hindi bahagi ng kasaysayan ng bansa? Papaano sina Jose Corazon de Jesus na
gumamit ng “Pilipinas”sa awiting “Bayan Ko” o ang awiting “Pilipinas Kong
Mahal” na siyang bahagi na rin ng ating kasaysayan? At ang ating “ama ng wika”
at dating presidente na si Manuel Quezon na nagsulong upang tayo ay magkaroon
ng sariling wika.
Bb.Salamo: Ayon sa pahayag ng mga
guro at propesor na iyong nakapanayam Bb. Buasan, dahil sa paglago ng ating
wika at pag tanggap natin sa “Taglish” ay maaari na nga ba itong basehan ng
pagpapalit ng “Filipinas” upang maging opisyal na pangalan n gating bansa?
Bb. Buasan: Tanggap na ng mga
Pilipino ang paggamit ng “taglish” sa kasalukuyan. Ngunit ang “taglish” ay
isang hindi pormal na wika na na hinsi sapat na basehan upang palitan ang
pangalan ang ating bansa.
Bb. Salamo: Maraming salamat sa iyo
Bb. Buasan. Ngayon naman narito si Bb. Denise Orticio upang ibahagi sa atin ang
kanyang nakalap na impormasyon mula sa mga estudyante sa kolehiyo. Bb. Orticio
?
Bb. Orticio: Salamat Bb. Salamo. Ano
nga ba ang opinyon ng isang estudyante sa pagpapalit ng Pilipinas to Filipinas?
Ayon kay Ken, estudyante ng University of Perpetual Help, hindi na dapat pang
palitan o baguhin ito bagkus ay dapat mas tuunan ng pansin ang ibang suluranin
na kinakaharap ng bansa at ang mas mahahalagang bagay na makatutulong sa pag
unlad. Ayon din sa iba pang estudyante, hindi na dapat umano uto palitan
sapagkat ito na ang nakasanay ng karamihan at ito na rin ang tumatak sa ating
mga Pilipino.
Bb. Almanzor: Sa ibang banda ay may
punto naman si ang estudyanteng si Ken. Sa sitwasyon at panahon natin ngayon
ang pagpapalit ng pangalan n gating bansa ay maisantabi pansamantala at unang
pagtuunan ng pansin ang problemang kinahaharap ngayon ng bansa. Ngunit ang
isyung ito ay mahalaga ring pagtuunan ng pansin at mahalagang bagay din ito na
dapat talakayin sa tamang panahon. Lumipat naman tayo sa ating iba pang
tagapagpahayag na magbibigay sa atin ng mga impormasyon at opinion na mang
gagaling sa mga ordinaryong mamamayan ng bansa. Ang pakikipanayam nating ito ay
hinati sa ibat ibang antas ng edad ng mga mamamayan upang maihalintulad natin
ang kanilang iba’t ibang opinion sa isyung ito. Simulan natin sa pahayaag ni
Bb. Lyra Hermano. Bb. Hermano?
Bb. Hermano: Magandang araw sa inyong lahat
ako si Bb. Lyra Hermano ang inyong lingkod na tagapagpahayag, narito ako upang
ipahayag ang aking nakalap na mga impormasyon at opinion ulkol sa isyung
tinatalakay ngayong araw mula sa mga ordinaryong mamamayan na may edad na 50
hanggang 60. Panayam kay ginoong Ron Magno (edad).
Bb.Hermano: Anong opinyon nyo sa
pagpapalit Pilipinas sa Filipinas?
G. Magno: Sa aking palagay ay hindi
na dapat ito palitan dahil hindi naman kailangan at makakapaglikha lamang ito
ng kalituhan dahil halos lahat ng tao sa ay Pilipinas ang alam na spelling. At
walang katuturan ang pagpapalit ng pangalan ng bansa. Panayam kay Gng. Fely
Tabagan
Bb.Hermano: Anong opinyon nyo sa
pagpapalit Pilipinas sa Filipinas?
Gng.Tabagan: Isang kahibangan ang
desisyong iyan. Bakit pa papalitan ang pangalan ng bansa? Sa hinaba ng panahon
na Pilipinas ang pangalan ng bansa ngayon pa naisipang palitan. Ang Pilipinas
ay Pilipinas lamang.
Bb.Hermano: At sa aking palagay, tama
lamang na palitan ang salitang "Pilipinas" sa "Filipinas".
Ayon sa dating komisyoner ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)na si Virgilio
Almario, ang bawat katawagan o terminolohiya na ginagamit natin sa wikang
Filipino ay marapat lamang sumunod sa kung saan nanggaling ang naturang salita.
Ang pangalan ng ating bansa ay galing sa noo'y hari ng Espanya na si Haring
Felipe at hindi Pelipe. Isang pang bagay, ayon din sa pananaliksik ng KWF ang
mga titik "f,v,z,j,z" ay hindi na maaaring ituring na hiram na mga
letra dahil napatunayan na may mga katutubo tayong wika na una nang gumagamit
ng mga nasabing tunog bago pa man dumating ang mga mananakop. Ito ang aking
pahayag magbabalik sa inyo Bb. Salamo at Bb. Almanzor.
Bb. Salamo: Maraming salamat sa iyo
Bb. Hermano. Kapansin-pansi na ang opinyon ni Bb. Hermano ay sumasangayon sa
pagpapalit ng pangalang ng bansa na “Pilipinas” sa “Filipinas”. Taliwas ito sa
mga opinion na madalas nating naririnig. Nakakabubuti din ito upang marinig din
natin ang pahayag ng mga sumasangayon sa isyung ito. Narito naman ang susunod
nating tagapagpahayag Bb. Sharvelle Gabriel.
Bb.Gabriel: Magandang umaga sa inyong
lahat ako ay narito uoang ibahagi sa inyo ang aking nakalap na impormasyon
patungkol sa Pilipinas o Filipinas, alin nga ba ang dapat na ipangalan sa ating
bansa ? Sa aking pagtatanong sa ilan sa ating mga mamamayan na may edad 30-40.
Ayon sa aking nakalap na impormasyon huwag na raw pagtuunan ng pansin ang
isyung ito bagkus harapin ang kasalukuyang problema ng ating bansa. Maari rin
daw na malito pa ang mga batang mag aaral kung ito ay papalitan. Para sa akin
tama na ang kasalukuyang pangalan ng bansa. Sapat na ito at dina dapat palitan.
Ang nararapat na lang ay palawakin pa ang paggamit ng wikang Pilipino
Bb. Almanzor: Kapansin-pansin din ang
pagkakatulad ng mga opinyon ng mga nasa edad 50-60 na narinig natin kay Bb.
Hermano at sa edad 30-40. Marahil siguro ay sa ilang taon nilang nabubuhay at
naninirahan sa bansa ay nakasanayan na nga ang pangalan “Pilipinas” para sa
ating bansa. Mula pa noong mga bata sila, nagsimulang magbasa at sumulat maging
ngayong mga may edad na sila ay “Pilipinas” na ang nakaugaliang tawag natin sa
ating bansa. At ang panghuli ngunit di pahuhuli ang ating tagapagpahag na si
Bb. June Grace Rosauro ay mag uulat sa kanyang mga nakalap na impormasyon ukol
sa paksa natin ngayong umaga.
Bb. Rosauro: Magandang umaga ! Ako
ang inyong maganda pa sa umagang tagapagpahayag ninyo, Bb. June Grace Rosauro
ang inyong lingkod. Ako ay narito upang ipahayag ang akjing nakalap na
impormasyon at opinion ukol sa isyung mainit na pinag uusapan ngayon. Pilipinas
ba o Filipinas ? Saan ang panig ninyo ? Alam ninyo ba na Filipinas ang ginamit
at tinawag sa ating bansa sa loob ng tatlong siglo? Ito ay nakasaad sa
proklamasyon n gating kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Sa aking nakalap na
impormasyon sa aking isinagawang interbyu sa mga ordinaryong mamamayan na may
edad 15-20. Marami sa kanila ang hindi nakakaalam na Filipinas ang pangalan n
gating bansa noong panahon pa ng mga kastila. Nagsagawa din ako ng interbyu
kung makatutulong ba ito sa ating bansa kapag ibinalik muli ang paggamit o
pagtawag sa ating bansa na “Filipinas”. At marami ang nagsasabing hindi ito
makatutulong dahil hindi natin nakasanayan ang tawag na iyon sa ating bansa sa
ating henerasyon. Sinasabi rin ng mga tao na ito lamang ay makagugulo kung
ibabalik muli ang pagtawag sa bansa natin na “Filipinas” sa halip na
“Pilipinas” At maraming hindi sumasang-ayon sa pagpaplit ng “Pilipinas” sa
“Filipinas” dahil ang paggamit nito ay nangangahulugan lamang na tayo ay isa ng
malayang bansa.
Bb. Salamo: Karamihan sa ating mga
kabataan ngayon ang hindi gaanong interesado sa mga usaping gaya nito. Kaya
sila ay may limitadong kaalaman lamang tungkol sa mga bagay na ito. Ngunit nais
nating himukin ang ating mga kabataan na ang mga ganitong usapin ay
napakahalaga din na talakayin. Dahil ito ang nagsisilbi nating pagkakakilanlan
sa mundo.
Bb. Almanzor: Sangayon ako dyan
partner, kaya sa pamamagitan ng mga progamang gaya nito nais naming magbahagi
ng mga kaalaman tungkol sa ating wika at ang importansya nito para sa atin.
Partner! Napakainit at umaapaw ang kaalaman na naibahagi natin sa mga kaHENYA
nating mga tagapakinig at manonood.
Bb. Salamo: Tama ka diyan partner. Sa
kabila ng mga napakinggan ko ngayong umaga hindi pa rin nagbago at magbabago
ang aking opinion tungkol sa isyung ito. Pilipinas pa din ang nararapat na
pangalan n gating bansa. Ikaw ba partner?
Bb. Almanzor: Ako ? Ako ay Pilipino
at nakatira ako sa bansang Pilipinas. Ang wika ko ay Filipino, mananatiling
Pilipinas ang bayan ko. Okay ba sa islogan partner? Papasa na ba ? Bb. Salamo:
Ayos partner! Pwede na! Sa pagtatapos n gating programa inaanyayahan ko si Bb.
Almanzor upang pangunahan ang pagtatapos na panalangin.
Bb. Almanzor: (Pagtatapos na
panalanin)
Bb.Salamo: Amen. Maraming maraming
salamat sa ating mga kaHENYA at kaHENYO na sinamahan tayo ngayong umagang ito.
Maging sa ating panauhin Bb. De los Reyes at iba pang mga tagapagpahayag na
sina Bb. Buasan, Bb.Orticio, Bb.Hermano, Bb. Gabriel at Bb. Rosauro
nagpapasalamat kami sa pagsama ninyo at pagdalo ditto sa aming programa.
Bb. Almanzor: KaHENYA naklulungkot
man ngunit kami ay magpapaalam ngunit hindi kami mawawala. Mananatili sa inyo
upang magserbisyo at magbahagi ng mga kaalaman. Muli ako ang inyong lingkod Bb.
Nathaniella Almanzor…
Bb.Salamo: Ako naman si Bb. Trixie
Salamo patuloy na maglilingkod at ito ang …
Bb.Salamo at Bb.Almanzor: KABSUHENYA! Mas
magliliwanag ang bukas. Muli Paalam!
PANGKAT 3
PANIMULA
Panimulang pahayag ni G. Marlon
Guilermo.
PANALANGIN Pamumunuan ni Bb. Eryl
Dizon
DISKUSYON
● Ano ang Climate Change?
Tagapagsalita: Aira Mae Papa
Ang
Climate Change ay isang pandaigdigang usapin na kinakaharap ng mga mamamayan
ngayon. Ito ay isang usapin na nangangailangan ng masusing pag aaral para sa
pangmatagalang solusyon Ang Climate Change ay tinatawag ng mga siyentipiko na
pagbabago sa klima ay nagdulot ng matinding pagbabago sa lagay ng panahon, gaya
ng tagtuyot, malakas na pag-ulan, matinding init, at mga bagyo sa buong
daigdig. Ang orasan ng climate change ay kumikitil sa magagandang landscapes.
Malaki na ang naging epekto ng pagbabago ng panahon dahil na rin sa kagagawan
ng mga tao. Nagdudulot ito ng mga mapaminsalang mga trahedya na kumikitil ng
libo libong mga tao, hayop miski na rin ng ating kalikasan. Naniniwala si
Hayhoe at ang iba pang mga eksperto na ang ginagawa ng tao ang siyang sanhi ng
pagbabago ng klima at ng di normal na lagay ng panahon sa daigdig.
Tagapagsalita: Allyzah Mae Tibi
Ang
mga halimbawa ng mga gawa na nagsasanhi ng malaking pagbabago ng ating panahon
ay pag puputol ng puno kalahating porsyento ng mahigit sa 100% na dahilan ng
pagbabago ng ating panahon ay dahil dito, sumunod ay ang pag patag ng ating mga
kabundukan dahil sa mga proyektong pawing puro gusali at subdivision lamang.
Ang labis na pagmimina sa ating mga kabundukan, Pag da-dynamite fishing. At
halos lahat ng Pilipino ay may ambag sap ag babago ng ating klima dahil sa
PAGTATAPON ng BASURA. Ang ating kalikasan ang siyang nag p0-protekta sa atin
ngunit bakit hindi natin ito masuklian ng tamang pag aalaga at pag iingat.
Hindi natin masisisi sa kahit na sino ang mga kalamidad na sobrang umaapekto sa
ating mga buhay dahil ito ang sukli ng ating kalikasan sa binibigay at ginagawa
natin sa kanya.
● Ano ang sanhi ng Climate Change?
Tagapagsalita: Althea Nicole Manalo
Maraming
taon na ang lumipas at marami ng nagbago sa pamumuhay ng tao. May mga gawain na
labis na nakakaapekto sa ating kalikasan. Maaaring nagdulot ng maganda sa
kalikasan o nakatulong sa pagkasira nito. Sa tulong ng mga pag aaral at
paglapat ng siyensya sa pagsusuri sa mga ice cores sa northern hemisphere,
natunton ng mga siyentista ang temperatura ng mundo at komposisyong kemikal ng
kalawakan sa nakalipas na 650,000 taon. Nasuri nila na ang mga sinaunang
pagbabago sa klima (climate change) na naganap sa kasaysayan ng mundo ay dulot
pangunahin ng mga natural na salik, gaya ng:
Plate tectonics - ang paggalaw ng mga
tectonic plate na resulta ng pagbabago sa posisyon ng kalupaan at mga erya ng
katubigan.
Orbital at solar variations - ang
pagbabago sa pag-ikot ng mundo na nakakaapekto sa layo at malapit nito sa araw.
Volcanism - ang natural na proseso na
kung saan ang mga elemento mula sa komposisyon ng mundo na tinatawag na crust o
mantle ibinubuga palabas sa pamamagitan ng pagputok ng mga bulkan, hot springs
at iba pa.
Ocean variability -Sa loob ng
nakalipas na 1,300 taon (humigit-kumulang), naganap sa kasaysayan ng mundo ang
mga pagbabago sa klima o climate changes gaya ng Medieval Warm Period at ang
Little Ice Age (100 taon ang nakaraan) kung saan hindi nararanasan ng buong
Europa ang tag-init o summertime. Gayundin, sinabi ng mga siyentista na
kalakhan sa mga ito ay dulot ng mga natural na salik. Ngunit sa pagpasok ng
industrial age hanggang sa abutin nito ang yugto ng imperyalismo, 150 taon mula
sa kasalukuyan, naobserbahan ang mabilis na pagtaas sa temperatura ng mundo na
hindi pa nangyari sa nakalipas. Mula 1850, tumaas na ng 1 degree Celsius ang
temperatura ng daigdig. Ito ay nagreresulta sa pag-init ng mundo maging ang
kalawakan nito. May mga scientific evidences na nagpapakita na kaakibat ng
pagtaas ng temperatura sa kalawakan, nagkakaroon din ng pag-init ng karagatan,
nagsisipag natunaw ang glaciers, ice sheets at sea ice, at resulta nito’y
tumataas ang lebel ng tubig-dagat. Nagpapatuloy ang ganitong kondisyon sa
kasalukuyan, na siya natin ngayong tinatawag na global warming. Nagsisipagtunaw
ng malalaking tipak ng yelo sa Greenland at Antarctica ice sheets. Nasa mahigit
sa 2 trilyong tonelada na ng yelo ang natutunaw sa mga lugar na ito, kasama ang
Alaska, mula 2003. Noong 1980, nasa 7 milyon sq. kms. (kilometro kwadrado) ang
sukat ng Summer Arctic sea ice. Noong 2006, na kulang 5 milyon sq. kms. na
lamang ito. Ang pagkatunaw ng yelo ang maituturing na pangunahing dahilan ng
pagtaas ng lebel ng tubig-dagat (sea-level rise). Mula 1880, ang sukat ng
sea-level rise ay umabot na sa 20 cms.
Tagapagsalita: Mark Magundayao
Sinasabi
ng mga siyentista na, kaiba sa mga climate changes na naganap sa sinaunang
panahon (gaya ng pagkakaroon ng ice ages) na mga natural na salik ang
pangunahing dahilan, ang kasalukuyang global warming at climate change ay dulot
pangunahin ng tinatawag na mga anthropogenic factors o ang mga aktibidad na
gawa tao. Ilan sa mga halimbawa at pinagmulan nito ay:
Industriya - polusyon sa hangin at
katubigan mula sa ibinubugang usok nito; - hindi tamang pagtatapon ng mga
basura nito (waste disposal practices);
Agrikultura – kumbersyon ng mga
kakahuyan para maging kaparangan at pastulan at ang paggamit ng slash and burn
technique o pagkakaingin; - polusyon sa kalupaan at katubigan dahil sa
malawakang paggamit ng kemikal sa abono at pestisidyo;
Pagmimina – pagkawala ng topsoil; -
polusyon sa tubig dulot ng mine tailings;
Konstruksyon – pagkasira ng natural o
likas na panirahan dahil sa konstruksyon ng mga gusali at iba pang imprastraktura;
- reklamasyon
Panirahan – konsentrasyon ng basura
sa mga lugar ng paninirahan; - pagkasaid ng groundwater Sa mga nabanggit na
anthropogenic factors, ang pinakagrabeng umaambag sa pagtaas ng lebel ng CO2 sa
kalawakan ay ang mga emisyon mula sa fossil fuel combustion o pagsusunog ng
uling at langis. Sa kasalukuyang (2008) kontribusyon ng CO2 sa GHG na 76.7%,
ang 56.6% nito ay mula sa paggamit ng fossil fuel. Ang iba pa ay: deforestation
(17.3%) at biomass decay (2.8%), Tumindi ang konsentrasyon ng CO2 sa kalawakan
nang ang tao ay magsimulang magsunog ng fossil fuel para sa pangangailangan
nito sa enerhiya at pagpapatakbo ng mga industriya. Ngayon ay dinaranas natin
ang tindi ng epekto nito – sa pagkasira ng mundo at pagkawala ng buhay at
kabuhayan ng tao.
INTERMISYON
PAGPAPATULOY NG DISKUSYON
● Ano ang epekto ng Climate Change?
Tagapagsalita: Arkel Troy Carreon
Masama
ang magiging epekto ng Climate change sa kalusugan ng tao. Ang pabago bagong
panahon ay nakapagdudulot ng iba't ibang di malalang sakit ngunit sa paglipas
ng panahon ay maaaring maging malubha kung hindi maagapan o kaya naman ay di
sanay ang ating katawan. Tulad na lamang ng mga lagnat, sipon, ubo, pagkahilo,
at iba pa. Halimbawa na lamang kung sa isang araw ay may panahon na sobrang
init sa umaga, makulimlim sa tanghali at malakas na ulan sa hapon. Maaaring
magkasakit mula sa usok na sumisingaw mula sa lupa. At pagpapalit palit ng
panahon na di kayanin ng may mga mahinang katawan at kalusugan. Hindi na dapat
talakayin ng malalim ang mga masasamang epekto nito sa ating mga may buhay.
Tulad natin ang isa sa pinaka naapektuhan ay ang mga hayop, pinaka unang aspeto
na nakakaapekto sa kanila ay ang pagkawala ng kani-kanilang mga tirahan. Marami
sa ating mga kabundukan ang nakakalbo, ang ating mga coral reef ay nag kakanda
sira na bago pa ito mapalitan ay libo libong taon ang kakailanganin ngunit sap
ag sira ang segundo o minuto lamang. Isa ding epekto nito sa ating mga tao ay
ang pagkasira ng ating ekonomiya sa tuwing mga dumating sa ating kalamidad
tulad na lamang ng bagyo. Netong nakaraang tatlong linggo lamang ng manalasa
ang bagyong Ulysses na kumitil ng buhay at sumira ng mga kabuhayan. Bakit
pagbabago ng kalamidad ang maaaring maging sanhi neto? Hindi ba natin naisip o
sumagi sa ating sarili na kung marahil pino pa ng ating mga kagubatan tulad
noon ay mababawasan ang pinsala ng mga kalamidad sa atin. Dahil narin marahil
sa mga pinag gagagawa ng tao ay bumabalik sa ating mga sarili ang pagkasira na
ginawa din natin sa ating kalikasan. Sanhi ng CLIMATE CHANGE ayon sa pag-aaral,
ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:
1.
Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na
panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng
mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura
o init sa hangin na bumabalot sa mundo.
2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami
o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases) (GHGs). Ang GHGs ang
nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang
gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng
carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga
ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.
Mga
epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.
Pagtaas
ng bilang ng kaso ng mga sakit na:
-
Dala ng tubig o pagkain tulad ng cholera at iba pang sakit na may pagtatae.
-
Dala ng insekto tulad ng lamok) malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
Malnutrisyon
at epektong panlipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan
nito.
Tagapagsalita: Eryl Dizon
Nakakaalarma
ang mga epekto na dulot ng climate change. Mga hindi inaasahang natural na
kalamidad ang mga maaaring mangyari sa darating na panahon at sa pagpapatuloy
na pagbabago ng panahon. Patuloy ang risgo ng maaaring pagkasira ng kapaligiran
at ng buong mundo. ilan sa mga ito ay:
Kalamidad
Mas
magiging matindi at malakas ang mararanasang kalamidad. Sinasabing ang mga
bansang nabibilang sa Global South o developing countries ang pinaka
maapektuhan ng Climate Change. Maraming maliliit na komunidad sa Asya at
Pasipiko ang dumaranas ngayon ng matinding epekto ng pagtaas ng tubig-dagat.
Patuloy pa ang pagtaas nito dahil ayon sa pagtaya ng mga siyentista ay magiging
‘ice-free’ na o ganap na matutunaw na ang yelo ng Summer Arctic sea sa pagitan
ng mga taong 2015 at 2030. Ang katumbas nito ay sea-level rise ng hanggang 0.9
metro pagdating ng taong 2100 (datos ng IPCC). Tinatayang nasa pagitan ng
70-200 milyon katao ang maapektuhan ng matindi at malawakang pagbaha kapag
inabot ang ganitong lebel ng pagtaas ng tubig-dagat.
Implikasyon sa Seguridad ng Pagkain
Ang
mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran ay matinding umaapekto sa mamamayang
pangunahing umaasa dito para sa ikabubuhay. Sa Asya, nabibilang dito ang 60-80%
ng populasyon nito, na ang ikinabubuhay ay maliit ang agrikultura – pagtatanim,
pagsasaka, pangingisda, pangangahoy, atbp.
Ayon
sa datos ng United Nations Food and Agriculture Organization, may tinatayang
nasa 90% ng labing limang milyon (15M) katao na ang ikinabubuhay ay sa coastal
waters ay mga maliliit na mangingisda. Ayon naman sa ulat ng World Bank (WB),
tinatayang nasa 90% ng 1.1 bilyong nabibilang sa mahihirap na mamamayan ng
daigdig ay umaasa sa kagubatan at kabundukan para sa kanilang ikabubuhay.
Sa
pagkain, ang bigas ang mayor na kinokonsumo ng mamamayan ng daigdig. Ito ang
pangunahing kinakain ng higit sa kalahati ng populasyon ng daigdig laluna sa
Asya kung saan dalawang bilyong (2B) mamamayan ang dito umaasa para sa
kinakailangang araw ang sustansya sa katawan. Ayon sa datos sa mga taong 2000
hanggang 2003, naobserbahan na patuloy ang pagbaba ng produksyon ng bigas at
pagliit pandaigdigang imbak nito.
Sa tinatayang pag-init pa ng temperatura at
pagtaas ng tubig-dagat, inaasahan ang pagkawala ng malaking tipak ng mga
lupaing agrikultural na malaking epekto sa produksyon at sa ultimo, seguridad
sa pagkain. Ang pagtaas sa lebel ng tubig-dagat ng hanggang 1 metro ay tiyak na
magpapalubog sa mga lupaing agrikultural laluna sa mababang mga lugar ng China,
India, Vietnam, Bangladesh at Cambodia na siyang pinakamalaking taga-suplay ng
bigas sa daigdig. Matindi ring maaapektuhan ang mga lugar-pangisdaan at iba pang
coastal communities. Ang pangingisda ay malaki ring umaambag sa seguridad sa
pagkain.
Panlipunang Dislokasyon
Sinasabi
ng mga islang-nasyon, na kapag tumaas pa ang temperatura ng mundo sa 1.5
degrees Celsius, na may katumbas na 0.9 metrong pagtaas sa lebel ng
tubig-dagat, ay lulubog ang maraming nasyong tulad nila at iba pang mabababang
lugar laluna sa Asya at Pasipiko. Nanganganib na maging climate refugees ang
buo-buong populasyon ng mga islang-nasyon gaya ng Maldives, Vanuatu at Tuvalu.
Magaganap ang malakihang migrasyon dahil sa pagbaha, matinding tagtuyot at mga
kalamidad.
·
Ano ang mga solusyon na
makakatulong para mapabagal ang pagbabago ng panahon?
Tagapagsalita: Rochelle Vergara
Bilang
isang simpleng mamamayan, may magagawa tayo para sa siguraduhin ang mundong
ginagalawan natin at para na rin sa darating na henerasyon. Kahit na maliit na
hakbang makakatulong ito para sa pagbagal ng kinakaharap na suliranin sa ng
ating kalikasan.
-Maaari
tayong makiisa at sumuporta sa mga usapin sa kung ano ang Climate Change.
Maaari tayong maging instrumento para sa pagpapalaganap ng impormasyon sa kung
ano ang magiging dulot nito sa atin.
-Dapat
tayong maging responsableng mamamayan. Tayo bilang tao ay responsable sa pag
aalaga ng ating kapaligiran. Sa ganitong paraan mas magiging maayos ang
pamumuhay ng bawat isa at magiging malinis ang ating kapaligiran na magdudulot
ng maganda sa ating kalusugan.
-Dapat
tayong magtipid ng enerhiya. Tanggalin sa mga saksakan ang mga gadget o
appliances na hindi ginagamit. Mainam na gumamit ng mga “renewable energy”
katulad ng solar energy, wind energy, hydro energy at geothermal energy dahil
mababawasan ang paggamit ng mga makinaryang naglalabas ng mga kemikal na
nakakasira sa ating kalikasan.
-Dapat
nating tigilan ang pagpuputol ng mga puno dahil ang mga puno ang nagsisilbing
panangga natin sa patuloy na pag init ng temperatura ng mundo. Dahil ang mga
puno ang nag aabsorb ng mga greenhouse gas na inilalabas ng mga pabrika at iba
pang mga gamit ng tao. Mas mainam na magtanim ng mga puno kesa sa pagpuputol ng
mga ito.
-Gumamit
ng mga reusable bags sa pamimili para maiwasan ang paggamit ng mga plastic.
-Kung
maaari mas mainam na mas malapit ang ating pinagtatrabahuhan o iwasan natin ang
pag alis kung di kinakailangan para mabawasan ang mga sasakyan na nagdudulot ng
polusyon na nakakasama sa ating kalikasan.
Tagapagsalita: Marlon Guillermo
Nararapat
na pag ibayuhin ang paglinang sa ating kaalaman na tumutugon sa kung paano
natin maiiwasan ang mga matitinding sakuna na dulot na rin ng Climate Change.
At gaya sa na unang nabanggit ng aking kasama na kahit sa maliit na hakbang
basta makatutulong sa kalikasan ay malaking bagay na rin ang katumbas nito para
sa susunod pang mga henerasyon.
Naririto
ang ilan sa mga solusyon na maaari rin nating gawin:
-Unahin
ang pagkakaroon ng Disiplina sa ating sarili, dahil sa atin mismo nagsisimula
ang mga pagbabagong nais nating mangyari upang maiwasan ang panganib ng Climate
Change.
-Makilahok
sa mga programa ng ating mga barangay maging ng ating gobyerno sa pagkakaroon
ng mga clean-up drive, coastal cleaning at tree planting.
-Ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa tamang pagtatapon ng ating mga basura sa
dapat nitong kalagyan.
-Iwasang
gumamit ng matatapang na chemical na maaaring magdulot ng polusyon ng hangin at
tubig.
-Tamang
paggamit at pagkonserba ng tubig -Makakatulong din ang pag iwas sa labis na pag
gamit ng mga chemical na pampataba o fertilizers sa mga pananim dahil ito ay
nakapagdudulot ng pagkawala ng mineral sa lupa at pagkatuyo nito.
-At
ang isa sa pinakamahalagang bagay na maaari nating maitulong sa pagpapabagal ng
negatibong dulot ng Climate Change ay ang pagkakaroon ng Family Planning o
pagkontrol sa paglobo ng ating populasyon.
PAGTATAPOS..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento