PANGKAT 1
OKAY KA PA BA DYAN?
Importansya ng Mental Health Care
PANIMULA AT PAGBATI: G. EJ Sumpay
Isang maganda at mapagpalang araw po sa
inyong lahat,sa aming guro sa Kontekswalisadong Komunikasyon ,Bb. Jessa Cada,
at sa aming mga panauhin, mapagpala at mabungang araw po. Ngayong araw na ito,
ating masasaksihan ang aming munting programa na makakapagdagdag kaalaman sa
bawat isa na may paksang “Okay ka pa ba dyan? Importansya ng Mental Health
Care.” na pangungunahan at ihahatid sa inyo ng mga mag-aaral mula sa BS
Psychology 2D ng Cavite State University - Silang Campus. Atin pong simulan ang
ating sa isang panalangin na pangungunahan ni Bb. Abigail Sumait.
PANALANGIN: Bb. Abigail Sumait
TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA:
Alam kong sabik na ang bawat isa na
madagdagan ang kaalaman, atin na pong tunghayan at pakinggan ang usapin sa
nasabing paksa at ang mga solusyon, na pasisimulan ni Bb. Melca Yanson.
INTRODUKSYON:
Alam niyo ba na mahigit kumulang 6 na milyong
Filipino ang estimadong namumuhay na may depression o kaya naman ay anxiety?
Dahil dito pangatlo ang Pilipinas sa may
pinaka mataas na rate ng problema sa mental health sa Western Pacific
Region.Maaaring kapamilya, kaibigan, kakilala o isa sa mahal natin sa buhay ay
nakakaranas nito at hindi natin nabibigyang pansin. Sa talakayang ito
mapag-uusapan ang estado ng mental health sa Pilipinas, mga problemang
kinakaharap ukol sa nasabing paksa at kahalagahan na bigyang pansin ang mental
health care.
TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA: Atin ng palalimin ang talakayang ito at
tumungo na sa diskusyon upang alamin estado ng mental health sa ating bansa at
ang mga solusyon ukol dito.
DISKUSYON:
Bb. Alyssa Vegas : Sa
panahon natin ngayon tayo ay may kinakaharap na sitwasyon na malaki ang naging
epekto sa atin bansa. marahil ito ngayon ang nakapagpabago sa paraan ng ating
pamumuhay. Ang kalusugan ng ating katawan ang pinagtutuunan ng pansin ngayon,
paano naman ang kalusugan ng ating kaisipan?. Ano ba ang sitwasyon ng mental
health sa pilipinas, lumalabas na ang ganitong sitwasyon ay hindi nabibigyang
importansya at pansin dahil makikita na ang mga pasilidad para sa mga
pilipinong nakararanas ng ganitong karamdaman ay hindi sapat dahil maliit na
porsyento lamang ang nakukuhang tulong mula sa gobyerno. Nakadadagdag din ang
pagtaas na bilang ng mga pasyente, bukod sa kakulangan ng maayos na hospital at
mahal na gamot para sa pag papagaling sa kanila ay kulang ang binibigay na budget upang matugunan ang pangangailangan
nila. Isa sa tatlong pampublikong pasilidad para sa mental health ang National
center for mental health sa mandaluyong, mayroon silang 83 na psychiatrist para
sa mahigit na 3,000 na pasyente at tumataas pa ito. Kaya't isa na din ang
kakulangan ng mga psychiatrist sa pagbagal ng pagbaba ng mga ganitong kaso.
Kaya ang kaisipan ay mahalaga na mabigyan ng pansin dahil may apekto ito sa
ating kalusugan, isa na kung paano tayo makakakilos ng maayos sa araw-araw, at
pagkakasakit ay hindi maiiwasan. Dapat ay maging balanse ang malusog na
pangangatawan at malusog na kaisipan, dahil kung tayo ay nagtataglay ng ganito
makapamumuhay tayo ng maayos at maginhawa. Maging positibo tayo! Dahil doon
tayo kilala sa paraang positibo na kahit anuman ang dumating na sakuna,
nakakagawa pa rin tayo ng paraan upang labanan ito. Sa panahon natin ngayon ay
hinihimok tayo kaya't kailangan ang matibay na pangangatawan upang labanan ang
sakit, matibay rin na kaisipan upang labanan ang mga negatibong nais
manghimasok sa loob ng iyong kaisipan na maaaring maging sanhi ng pagkatalo sa
pakikipaglaban sa sitwasyon natin ngayon. Nakatutulong din ang pag eehersisyo,
pag-iisip ng mga paraan upang masolusyunan ang problema at pakikipag-usap sa
mga taong malapit sayo tulad ng Pamilya,kaibigan na alam mong makatutulong sa
iyo. Ang pamamahagi ng iyong problema ay nakakatulong upang gumaan ang iyong
pakiramdam, tulungan mo din ang iyong sariling bumangon at huwag mo hahayaan na
daigin ka ng kinakaharap mong problema ngayon. Samakatuwid, isipin mong hindi
ka nag-iisa at sa kabila ng lahat nanjan ang panginoong handa rin makinig sa
iyo. Ugaliing manalangin rin at magtiwala ka sa kaniyang kakayahan, at lahat ng
iyong panalangin ay kaniya ring
diringgin. Huwag kang mangangamba kaya mo iyan, malalagpasan mo rin ang
mga nararamdaman mo, dahil sabi nga nila pagkatapos ng ulan ay makikita mo rin
ang napakagandang bahagri.
Bb. Melca Yanson:
Estado ng mental health sa Pilipinas
Kasalukuyan sa ating bansa, 3-5% ng budget
ng DOH ay para sa mental health at 70% noon ay nagagastos sa mga hospital care.
(WHO &DOH 2006)
Mayroong 113 mental facilities sa buong
bansa. Dalawa doon ay ang National Center for Mental Health sa Mandaluyong City
na may 4200 beds at Mariveles Mental Hospital (500beds) sa Bataan. 12 smaller
satellite hospitals affiliated with National Center for Mental Health na nasa
iba't ibang parte ng bansa. Ang problema? Overcrowding, poorly functioning
units, kakulangan ng mga staffs at mga pinagkukunan ng pondo.
0.52 sa psychiatrists, 0.07
psychologists, 0.49 mental health nurses
at 3.47 human resources working in mental health per 100,000 katao. Na according sa WHO dapat ay mayroong 10 per
100,000 population. Mababa ang rate ng mga social workers at occupational
therapists at 50% ng mga psychiatrists ay nagta-trabaho sa malaking facilities
at private practice sa syudad. At ang iba pa ay nangingibang bansa. Ang
pagpaplano ay naka atas sa DOH kasama na ang public education at advocacy
campaigns. Nagawa rin ang mga NGO / Private sectors pero iba ang structure na
gamit nila.
Maliban sa nabanggit mayroon pang ilang
problema na nakakahadlang sa isang taong nadanas ng mental illness sa paghingi
ng tulong. Ito ay ang stigma / "manta o dungis sa karangalan". Dahil
na rin sa close relationship with our family hindi agad tayo nalapit sa mga expert bagkus sa mga
kamag-anak para humingi ng tulong.
Bb.
Luisa Tamon: Ayon sa WHO( World
Health Organization) ang Pilipinas ay mayroon nang isa sa pinakamataas na rate
ng depression sa Timog-silangang Asya ,na nakakaapekto sa higit sa tatlong
milyong mga Pilipino. Bagaman walang pinagsamang data ng epidemiological at
istatistika sa estado ng mga usapin ng kalusugan sa pag-iisip sa Pilipinas,
mayroong impormasyon na magbibigay ng isang ideya tungkol sa estado ng
kalagayang pangkalusugang pangkaisipan ng bansa. Halimbawa, 14 porsyento o 1.4
milyong mga Pilipinong may kapansanan ang nakilala na mayroong isang sakit sa
pag-iisip(Philippines Statistics Authority, 2010).
Kinilala ng National Statistics Office na
ang sakit sa isip ay ang pangatlong laganap na uri ng pagkakasakit sa bansa.
Mayroong humigit-kumulang 88 mga kaso ng mga problema sa kalusugan ng isip para
sa bawat 100,000 mga Pilipino (Department of Health (DOH), 2005).
Inihayag ng 2011 WHO Global School-Base
Health Survey na sa Pilipinas, 16 porsyento ng mga mag-aaral sa pagitan ng edad
na 13-15 ang seryosong naisip na tangkang magpakamatay, habang 13 porsyento ang
nagtangkang magpakamatay ng isa o higit pang beses sa nakaraang taon. Sinadya
na "saktan ang sarili" ay ang ika-9 nangungunang sanhi ng pagkamatay
sa mga 20-24 taong gulang (DOH, 2003).
Bb. Abigail Sumait
: Ang mga pangyayari sa panahon natin ngayon,lalo na ngayong taon ay lalong nagmumulat sa bawat isa kung gaano
ba talaga kahalaga ang ating mental health. Namulat din tayo sa kung ano rin
talaga ang kalagayan ng mental health sa ating bansa. Kung ating mapapansin
hindi gaanong nabibigyang importansya ang kalusugan pang kaisipan dito sa
Pilipinas, kulang sa budget, facilities, at workers, samantalang ang mga
pasyente ay parami ng parami. Ano ba ang kailangan nating gawin? Ano ang maaari
nating maitulong? Kailangan nating malaman ang kahalagan ng mental health,dahil
hindi natin kontolado ang maaari pang mangyari sa mundong ito, pero ang ating
pag-iisip ay maaaring nating makontrol o mapigilan sa mga bagay na negatibo o
nakakapagdulot sa ating isip ng di maganda.Kaya dapat nating alamin at unawain
kung gaano talaga kahalaga ito, dahil hindi lamang ito isang batas na dapat
pahalagahan, dahil ay isang karapatan ng bawat is ana hindi isinasawalang
bahala na lang kundi pinapahalahan. Tulungan natin ang bawat isa na imulat ang
kanilang sarili sa tunay na estado ng mental health sa ating bansa, una sa
pamamagitan ng pag-alam ng kahulugan ng mental health, at unawain ang nakasaad
sa batas na sa RA 11306 isinasaad na pagyabungin ang mental health services,
itaguyod at protektahan ang mga karapatan ng mga taong nagamit ng psychiatric,
neurological, at psychological health services, nararapat na pondo kung gayon
at iba pang layunin.
Kasama na doon ang pakiki- isa sa mga
kasunod:
September 10 - world Suicide Prevetion Day
October 10 - world mental health day
2nd week of October- National mental week
At paglalagay pa ng pondo para sa mental
health.
Ito ang mga paraan sa pagpapahalaga sa
ating mental health.
Pagrespeto at pagtanggap sa bawat
individual.
Pag advocate sa ating mga kakilala tungkol
sa mental health
Pag - alam pa tungkol sa mental health
Wag mahiyang humingi ng tulong sa experts.
No to toxic positivity.
TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA: Bago tayo tumungo
sa konklusyon, ating panoorin ang intermisyon na may patungkol sa mental health
advocacy.
INTERMISYON: Mental Health Advocacy.
TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA: Ngayon naman ay dumako na po tayo sa
Konklusyon.
KONKLUSYON: Bb. Reinalyn Timan, G. Neil
Yanguas, G.Frank Umali
TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA: At para sa pagtatapos ang programang ito ,
narito si Bb. Abigail Sumait.
PAGTATAPOS: Bb. Abigail Sumait
PANGKAT
1- BSP 2D
TAGAPAGDALOY
NG PROGRAMA: Bb. Jhemylou
PANGKAT 2
Ang aming paksa ay ang usaping pambansa na naglalayong
mapabukas at mapagpalalim ng ating pang-unawa sa bansa at makapagbigay ng
solusyon na maaring maging daan sa pinal na desisyon na sang-ayon sa karamihan.
Noong Abril 12, 2013 naglabas ng resolusyon and Komisyon sa Wikang Filipino na
palitan ang Pilipinas ng Filipinas sa lahat ng selyo, letterhead at iba pang
kagamitan nang mapalaganap ang modernisadong katawagan nito sa pangunguna ng
tagapangulo at national artist na si Mr. Virgilio Almario.
Ang
ating bansa ay unang pinangalanang Las Islas Filipinas ng isang Spanish
explorer na si Ruy López de Villalobos noong nadiskubre ito ni Magellan at
pinamumunuan ng mga español,
ipinangalanan ito matapos sa noon ay
prinsipe na magiging Spanish King na si King Felipe II. Sa 333 na taong
pagkakasakop ay nagkaroon ito ng ibang mga katawagan (Tawalisi, Las Islas de
San Lazaro etc.)ngunit mas kilala ito bilang Filipinas. Nang makalaya ito sa
espanya ang sumunod na sumakop naman dito ay ang mga amerikano at kasabay nito
ang pagkabuo ng katawagang Philippines, ito ay ang english ng Filipinas.
Magmula 1898 hanggang 1935. Sa mga panahong ito naging The Philippine Islands
din ang Pilipinas na siyang translasyon sa Las Islas Filipinas at ngayon, sa
tagalog tayo ay kilala bilang Republika ng Pilipinas at patuloy na kilala
bilang The Philippines. Sa pagmumungkahi ng KWF, ang pagpapalit ng letrang P ng
F ay siya lamang pagbabalik din ng dati at orihinal nitong katawagan. Ito ang
kanilang mungkahi upang maging modernisado ang katawagan nito dahil ang
Pilipinas ay galing din sa alpabetong ABAKADA na siyang inalis na sa sistema
noong 1987. At ang kasalukuyang ginagamit ay ang 28 alpabeto na siyang mayroong
F at iba pang karagdagang letra. Karagdagan pa dito, ang mga mamamayan ng Pilipinas
ay pinalitan na rin ng Filipino na dating Pilipino noon pang 1973 kaya naman
walang nakikitang problema ang KWF sa pagpalit nito. Isa pa, Kung ito daw ay
maaprubahan ang pagbabagong ito ay uunti-untiin hanggang sa tayo’y masanay at
ito’y maging opisyal muli. Isa pa, dati nang ginagamit ng mga katutubo at
letrang F at V.
BAKIT NGA BA PAPALITAN ANG PILIPINAS NG FILIPINAS?
Narito ang mga kadahilanan:
1.
Ito ang orihinal na tawag dito, nais na ipanumbalik ang
Filipinas dahil marami itong napagdaan, saksi ito ng ating kalayaan at historya
ng ating bansa. Ito ang nakabuo sa identidad at pagkakakilanlan natin bilang
isang Filipino.
2.
Naging modernisado na rin ang katawagan para sa mga tao sa
Pilipinas. Noong termino pa lamang ni dating presidente Marcos ay ginawa nang
FILIPINO ang PILIPINO na makikita sa 1987 Constitution.
3.
Pagpapamodernisado ng alpabeto, nasa 1987 Constitution din
ang pagbabago mula ABAKADA na may 20 letra lamang ay naging 28 letra. (C, V, F,
X, Q, R, Ñ, NG) opisyal nang may F sa ating alpabeto kaya naman pwede na itong
palitan dahil itinuturing na itong kasama sa atin. At bilang Filipino na rin
ang katawagan sa mga mamamayan ay lohikal lamang na gawin na ring Filipinas ang
bansa.
MGA SULIRANIN:
BAKIT PA ISINULONG NG KWF ANG PAGPAPALIT NG P SA F?
Wala namang problema ang bansa kung Pilipinas ang katawagan nito.
Alinsunod sa 1987 Constitution R.A 7104
“Congress shall create a Commission on the National
Language composed of representatives of the different regions and disciplines
that shall conduct, coordinate and support researches for the development,
promotion, and maintenance of Filipino and other languages.” At bilang KWF na
nagpapalinang at nagpapatibay sa ating wika ay misyon nila ito upang mapalawak
at maimprove ang ating wika, hindi ito iminumungkahi para sa wala, ito’y
tungkulin nila, natin at nakasaad na ang makapagpapabuti sa ating bansa ay
siyang dapat sundin.
ANG FILIPINAS AY BUNGA NG KOLONYALISMO.
Maaaring tama nga, daang taon tayong sinakop ng
Espanya at iba pang bansa. Ngunit dito nagkaroon ng pagkakaisa bilang mga
Filipino, tayo ay mas naging matatag at nagsama-sama, nagtulong-tulong upang
makamit ang matagal nang tinatamasang kalayaan na ngayon ay ating nadarama. Ang
Filipinas ay saksi sa lahat ng hirap at bunga ng pagkasakop, at sa mas malalim
na perspektiba ay makikitaan mo na ang kolonyalismo ay ang naghubog saatin
upang harapin ang pagsubok ng may pagkakaisa at buong tapang na ipaglalaban ang
ating inang bayan. Ito rin ang nagpatatag sa ating nasyonalismo. Para sa amin
ito rin ang isang paraan upang makapagpaalala sa ating mga bayaning nagalay ng
mga sarili para sa ating bayan.
TAYO AY SANAY NA SA PILIPINAS, AT MAHAL ANG PAGPAPALIT
NG LETRA SA BAWAT DOKUMENTO AT PAPELES.
Ang pagbabagong ito ay hindi agaran at dadahan-dahanin
hanggang sa tayo’y tuluyang masanay. Ang nga letterheads, libro at iba pang
dokumento ay papalitan lamang ng Filipinas kapag naubos na ang mga stock nito.
Magkakaroon lamang ng “Filipinas” sa pera kung ang bangko sentral ay magiisyu
ng pagbabago sa disenyo
ng ating pera. At sa mga institusyong
nakapangalan ay Pilipinas, (unibersidad ng Pilipinas) hindi sila ppwersahing
magpalit ng Filipinas, ito pa rin ay nasa sakanila kung sila’y makikisabay sa
modernisasyon. Ayon na rin sa Resolution No. 13-19 na ipinasa ng KWF.
OPINYON
NG GRUPO:
Ang aming opinyon at rekomendasyon sa naturang paksa
ay sang-ayon sa KWF, ang pagpapalit ng letra sa pangalan ng ating bansa ay
karapat-dapat lamang, kung tayo’y magkakaisa at sasangayon dito ay walang
problema upang ito’y palitan. Kasama kami sa pagpapalaganap ng mas makabubuti
para sa ating bansa.
Ang susunod na paksa ay ang peace talks,
ang paksang ito ay tumutukoy sa usaping pangkapayapaan ng bansa na maaaring
maging daan upang maging alerto at mapanuri ang mamamayan at makapagbigay ng
sariling opinyon na makakatulong sa pagpapataw ng tamang desisyon ng karamihan.
Noong Abril 27,2017 nagpahayag si Pang.
Duterte ng pagpapatigil ng anumang usaping pangkapayapaan laban sa NPA na
silang dahilan ng pagkamatay ng tatlong
sundalo sa Malaybalay, Bukidnon na maituturing na isang paglabag
umano sa kasunduang ceasefire noong Oktubre 2016. Matatandaan na iginawad
ang unilateral ceasefire aggreement noong Oktubre 2016 sa Norway sa pangunguna
ng Pang. Duterte kasama ang pinuno ng NPA na si Jose Maria "Joma"
Sison. Sa peace talk na ito ay nag alok ang pangulo ng pwesto sa gabinete
at bilateral ceasefire upang maging simbolismo ng paghingi ng tawad at
kapayapaan, pinalaya din ng pangulo ang matataas na leader ng mga rebelde upang
maging katunayan din ng pakikipagkasundo sa NPA at CPP. Ang lahat ng ito ay
nawalan ng kabuluhan ng muling umaksyon ang NPA at pumatay ng tatlong sundalo,
sa pagkakataon ito ay nagdesisyon na ang pangulo na ihinto ang anumang usaping
pangkapayapaan.
BAKIT NGA BA KAILANGAN MAGKAROON NG PEACE
TALK?
Narito ang mga dahilan:
1.
Ang usapin sa peace talk ay hindi lamang para
sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal. Ito ay naka ugat sa bawat interes
ng mamamayan. Ang kawalan ng lupa ng magsasaka at ang kawalan ng pilipinas para
sumandig sa sarili nitong industriya.
2.
Sa nakalipas na mahigit na apat na dekada at
maging sa kasalukuyan, ang gobyerno (GPh) at ang CNN (CPP-NPA-NDF) ay patuloy
ang kanilang armadong tunggalian na nagreresulta sa maraming nawalang buhay at
kabuhayan, nagdulot ng takot, sapilitang paglikas ng mga taong nakatira sa
apektadong komunidad at iba pang mga paglabag sa karapatang pantao.
3.
Mahalaga ang peace talks
dahil dito muling ipinapahayag ng dalawang panig ang kanilang pananagutan na
ipatupad ang mga mahahalagang napagkasunduan. Sa pagitan ng GPh at NDFP, ito ay
ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) at ang
Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International
Humanitarian Law (CARHRIHL).
4.
Ang peace talk ay mag
uugat upang maibsan ang Economic Cost sa gera na simula pa noong panahon ni
Pang. Marcos ay umabot na sa 2.9 Trillion.
MGA SULIRANIN SA USAPIN:
·
Pagpayag ni Pang. Duterte
sa kagustuhan ng rebelde ng hindi kinukunsulta ang mga militar.
·
Muling pag aksyon ng NPA
at CPP ng putukan sa gitna ng Unilateral Ceasefire Agreement.
·
Kagustuhan ng mga rebelde
na palayain ang mahigit apat na daang tauhan nila.
MGA NAGING SOLUSYON SA USAPIN:
Ano nga ba ang ginawa ni Pangulong Rodrigo
Duterte sa nasabing peace talk sa pagitan ng gobyerno at komunista?
·
Naantala ang pinangakong
bilateral ceasefire ng pangulo dahil umano sa di pagpayag ng ibang militar.
·
PEACE TALK,TULUYAN NG
IBINASURA NG PRESIDENTE
Tuluyan nang ibinasura ni Pangulong
Rodrigo Duterte ang negosasyon sa pagitan ng Communist Party of the Philippines
at gobyerno dahil sa hindi pag sunod umano nito sa usapin ng kabilang grupo
laban sa gobyerno sa pamamagitan ng pag atake.
OPINYON NG GRUPO:
Ang
peace talk ay nararapat mailapat sa isang bansa upang magkaroon ng pagkakaisa
at katahimikan. Ang kawalan ng kapayapaan ay nagdudulot ng takot sa mamamayan
at nagdudulot ng mataas na resulta ng Economic Cost.
PANGKAT 3
Princess Roma
Regine Samson
Althea Santiaguel
Khrista Santos
Luisa Sumadsad
Liah Torcita
Ellaine Valentos
Bhea Villacora
Jhoii Vivas
Isang pagbati para sa lahat ng naririto ngayon. MAgandang araw sa inyo. Ngayon ay ating
tatalakaying ang dalwang paksa na kapwa malalaking problema na kinaharap at
kinakaharap n gating bansa. Una na rito ang pagbuo ng hybrid train na gawang
pinoy at pangalawa ang pag tagas ng dumi
ng minahan, nagmula ang mga paksang ito sa programa ng abcsn network na faylon
ngaon. Naririto sina binibining Princess
Roma, Regine Samson, Althea Santiaguel,
Luisa Sumadsad, Liah Torcita, Ellaine Valentos , Bhea Villacora at Jhoii
Vivas upang makapanayam natin sa mga naturang paksa.
Una na nating talakayin ang hybrid train.
Ang hyrbrid train ay binuo bilang tugon sa promblemang pang transportasyon sa ating bansa. Ayon sa tagapagsalita ng
Department of Science and technology ang hybrid train ay napapatakbo ng
generator at ng baterya o ng disel. Ito ay kayang tumakbo sa bilis na 60 kph at
umaabot ng 80 kph. Ito rin ay may mga cctv , fully air conditioned at poly
carbonated windows. Sa inyong palagay kaya ma ba bitong makipagsabayan sa gawa
ng ibang bansa? At kaya ba niyong sulusyunan ang gating problemang pang
trapiko?
Maraming salamat sa inyong mga pahayag
tungol sa isyung ito. Tunay nang …….
Dumako naman tayo sa pangalawang paksa,
ang tagas ng minahan. Taong 2012 buwan
ng Agosto naitala ang pagtagas ng dumi ng minahan ng Philex Mining corporation
sa Itogon Benguet . ang nasabing pagtagas ay nagluwal ng 21 metric tons waste
na tinaguriang Hazardous element ng isang tauhan mismo ng kumpanya. Ang duming ito ay dadaloy sa Balog river na
kadugtong ng Agno river at ito ay aagos sa San Roque Multi-Purpose Dam. Ang
naturang Dam ay may tatlong importanteng papel sa komunidad sa mga kalapit na
lugar. Ito ay tumatayong palaisdaan, irrigasyon at kuhaan g kuryente. Sa inyong
palagay ano ang maaring maging epekto ng
pagtagas sa mga komunidad at sa ating kalikasan? Ano rin ang maaring maging
tugon natin bilang isang mamayan?
PANGKAT 4
Pangkat
Apat: “Sosyal Medya Bilang Paraan ng Pagpapahayag at Paglalahad ng Saloobin,
Hinaing At Isyung Kinakaharap ng Ating Lipunan”
Isang maganda at mapagpalang
umaga sa inyong lahat. Bago namin simulan ang aming programa ay nais namin
kayong pasalamatan sa pagdalo at pagbibigay ng oras upang making at matuto sa
aming pananaliksik hinggil sa paksang pinamagatang “Social media bilang paraan
ng pagpapahayag at paglalahad ng saloobin, hinaing at isyung kinakaharap ng
ating lipunan.” Kung saan tatalakayin ng bawat miyembro ng grupo kung paano nga
ba natin ginagamit ang iba’t ibang social media sites gaya ng facebook upang
makapangalap at makapagbahagi ng impormasyon patungkol sa ating kasaysayan, sa
mga isyung nagaganap sa ating bansa at maging sa saloobin at hinaing ng
mamamayang Pilipino.
Dahil sa patuloy na paglago ng teknolohiya
sa ating bansa ay unti-unti nang nagbabago ang paraan ng pagbabahagi at
pangangalap ng impormasyon patungkol sa mga bagay na ninanais nating malaman at
mga kaganapang nangyayari sa ating bayan. Mapapolitika man, kasaysayan o
usaping panglipunan. Mula sa pagbabasa ng dyaryo, pakikinig ng balita sa radyo,
at panonood ng balita sa telebisyon, ang social media ay naging isa na rin sa
mga paraan upang makapagbahagi ng samu’t saring impormasyon. Ang social media
ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi, at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa
isang virtual na komunidad. Nabibigyan din ng kalayaan ang bawat taong
gumagamit ng iba’t ibang social media sites na magbahagi ng kanilang sariling
kaalaman, saloobin at mga hinaing patungkol sa mga bagay na nagaganap sa ating
bansa.
Para sa unang paksang aming
tatalakayin, narito sina Binibining Hartlyn Riodique at Ginoong June Villanueva
upang bigyan tayo ng malawakang ideya patungkol sa iba’t ibang paraan ng
paggamit ng social media bilang pagpapahayag ng mga impormasyon tungkol sa
ating bansa.
Mayroon tayong iba’t ibang paraan
upang magamit ang Sosyal Medya sa pagbabahagi ng mga impormasyong may kinalaman
sa mga isyung nagaganap sa ating bansa. Ang social media ang isa sa naging
mabisang paraan ng komunikasyon at pag-angkat ng impornasyon sa panahon ngayon.
Narito ang tatlong paraan ng pag gamit ng social media sa paghahatid ng impornasyon.
Ang talakayang ito ay maaari nyong magamit at makatulong lalo na sa panahon
ngayon na sunod sunod na sakuna ang ating nararanasan. Narito ang ilan sa mga
Facebook pages kung saan makikita ang ibat ibang balitang panlipunan at ang
samu’t saring reaksyon ng mga tao tungkol sa mga balita at isyung naririto.
Dumako naman tayo sa ikalawang
talakayan na pangungunahan nina Binibining Allen Villareal at Ginoong Karl
Allen Valenzuela na magbibigay satin ng kaalaman kung paano nga ba naging
epektibo ang paggamit ng Sosyal Midya sa paghahayag ng impormasyon patungkol sa
ating kasaysayan, mga issueng nagaganap sa ating bansa at maging ang mga
saloobin at hinaing ng mamamayang Pilipino.
Marami tayong ginagamit upang
makapagbahagi at makapangalap ng impormasyon patungkol sa mga bagay na ninanais
nating malaman. Dito sa ikalawang paksa ay malalaman natin kung tunay nga bang
nakakatulong ang paggamit ng sosyal medya upang mas maunawaan natin at maging
mulat tayo sa mga nagaganap sa ating lipunan. Ang pagaaral ng kasaysayan ay isa
sa mga mahahalagang bagay na kailangan nating malaman upang makita natin kung
ano ang pinagmulan ng mga bagay na meron tayo ngayon sa kasalukuyan. Gaya ng
pag-unlad ng ating sariling wika, mga pagbabagong nagaganap sa ating bansa at
marami pang iba. Malaki ang ginagampanan
ng Social Media sa pagpapahayag ng kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga
"platform" na ito ay mas madaling mai-access kung kaya't mas nagiging
epektibo ang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa ating kasaysayan.
Halimbawa na lamang nito ang youtube, mga artikulo , mga facebook pages at pati
narin ang tinatawag nating vlogs na kung saan ay nagkakaroon ng malayang
talakayan ang bawat mamamayan na magbahagi ng kanilang sariling kaalaman
patungkol sa naging kasaysayan ng ating kinalakihang lipunan. May mga iba’t
ibang komentaryo din tayong mababasa mula sa iba na kung saan ay napapalawak
nito ating kaalaman patungkol sa usaping pangkasaysayan. Sa kasalukuyang
panahon, malaki ang ginagampanan ng social media patungkol sa iba't bang isyu
na nagaganap sa ating bansa. Ito’y marahil ang pinaka kilala at ginagamit na
platforms ng lahat dahil karamihan ng mga Pilipino ay may social media
accounts. Ayon sa www.statista.com, mayroong higit 77
million na facebook users sa bansa. Nangangahulugan lamang ito na
ganito kalaking porsenyo ang nakakapag “like, comment and share” ng ibat ibang
impormasyon. Ngayong 2020, pumutok ang mga balita tungkol sa isyu ng kalusugan
(ex. pandemya), pagkalat ng fake news, away-politika, korapsyon (ex. Phil
health issues), kawalan ng hustisya (red tagging) at marami pang iba. Dahil sa
social media, nagkaroon ng malayang talakayan kung saan ang bawat isa ay may
kakayahang magbahagi ng mga impormasyon sa iba at bukod pa dito ay nagkaroon ng
pagkakataon na mamulat ang mga Pilipino sa nangyayaring kapabayaan at anomalya
sa mga sangay ng Gobyerno na dati ay hindi nabibigyang pansin. Kaugnay sa
kaliwa't kanang isyu sa kasalukuyan, dito din umusbong ang hinaing ng mga tao
at naipahayag nila ito sa pamamagitan ng social media. Sa pag usbong ng mga isyu
na nabanggit kanina sa aming talakayan, mababatid din ang pagbibigay ng mga
netizens ng kani kaniyang opinyon ukol dito. Ilan sa mga hinaing ng mamamayan
ay nag trend sa social media gaya ng #AcademicFreezeNow at #NoStudentsLeftBehind
kung saan nais kalampagin ang CHED at DepEd na ipagpaliban ang klase
dahil sa hirap na dala ng distance learning, ang #OustDuterteNow dahil
sa iresponsibilidad ng gobyerno at sangay nito na pag resolba sa pandemya, at #NasaanAngPangulo
at #CagayanNeedsHelp noong nangyari ang hagupit ng
Bagyong Ulysses. Sa mga nabanggit na halimbawa, makikita ang impluwensya ng
social media upang maipabatid hindi lang sa bansa, kundi sa mundo ang
nangyayari sa pamamagitan ng nagkakaisang mulat na mga Pilipino.
Mula sa mga paksang tinalakay ng
aming pangkat ay mas mauunawaan natin na ang sosyal medya ay hindi lamang
ginagamit bilang isang libangan o pangkomunikasyon lamang bagkos ay maari din itong makapagbigay ng mga
impormasyong hindi pa natin nalalaman tungkol sa mga bagay o pangyayaring
nagaganap sa ating bansa. Sa simpleng pag bisita sa iba’t ibang sosyal media
sites ay mas lumalawak ang ating kaalaman at nagagawa nating maibahagi ang
ating sariling saloobin patungkol sa sunod sunod na krisis na kinakaharap ng
ating lipunan.
PANGKAT 5
Isang napakagandang araw po sa lahat ng
ating mga manonood, gaya ng nabanggit mula sa mga naunang tagapagsalita, ang
magiging paksa ng ating pagtitipon na ito ay tumatalakay sa napapanahong isyu
ng edukasyon, ito ay ang “Epekto ng New Normal System ng Edukasyon o ang
Pandemya sa Mental na Kalusugan ng mga mag-aaral”. Ngunit bago po ang lahat ng
iyan ay magkakaroon po muna tayo ng simpleng aktibidad na pampagana sa bawat
isa sa atin.
(Simpleng aktibidad upang malaman ang
mental health status ng mga manonood).
Sa panahon ng Pandemyang ito, ang ating
kalusugan ay ang higit na dapat nating bigyang halaga, at kung pag-uusapan ang
kalusugan, hindi lamang ang ating pisikal na kalusugan ang dapat bigyang pansin
ngunit maging ang ating mental at panlipunang kalusugan. Ayon nga sa World
Health Organization o WHO, masasabing Healthy kung ang isang
tao ay may kumpletong pisikal, mental at panlipunang kalusugan at walang
iniindang sakit o kahinaan.
Isa sa masasabi nating highlight ng
taong ito, sa gitna ng pandemya ay ang pagbubukas muli ng mga klase sa lahat ng
antas sa ilalim ng bagong paraan ng pagkatuto o ang tinatawag nga nating New
Normal System. Ang New Normal System ay isang bagong paraan ng pamumuhay
nating mga Pinoy sa gitna ng pandemya, na kung saan ang lahat ay binago at ang
mga dating gawi ay hindi na magagawa, isa sa mga naapekto ng New Normal System
na ito ay ang paraan ng edukasyon na hindi lamang nakaapekto sa mga mag-aaral
ngunit maging sa mga guro at mga nangunguna sa pang-nasyunal na edukasyon. Isa
sa mga naging isyu nito ay ang paghingi ng ilan sa mga estudyante ng Academic
Freeze o ang pansamantalang pagtigil ng mga klase. Isa sa mga nagiging dahilan
ng iba ay ang stress, pagkatakot at pagkabalisa na naidudulot ng mga modules at
online classes na nagpapahirap pa lalo sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Ayon sa UNICEF Philippines,
Normal lamang na makaramdam ng takot at
pagkabalisa sa panahon ng COVID-19, lalo na’t tumatagal ang krisis na ito.
Bukod sa pag-alaga ng ating kalusugan upang makaiwas sa coronavirus, mahalaga
rin na alagaan natin ang ating mental health habang nananatili sa loob ng
bahay.
Huwag hayaang malugmok sa mga negatibong
naiisip at huwag mahihiyang humingi ng tulong kung kailangan mo ito.
Paano ko aalagaan ang aking mental health
sa panahon ng COVID-19?
Tips para sa mga kabataan
1. Napag-iinitan ka ba ng mga magulang mo
at palagi kang pinapagalitan? Imbis na mainis lang, kausapin sila ng masinsinan
at gawing pagkakataon ang pagkakasama-sama sa bahay para makipag-bonding sa mga
magulang. Makipagkwentuhan nang mas makilala at maunawaan ninyo ang isa’t isa.
2. Miss mo na ba ang barkada? Gamitin ang
social media, video call, chat o text para kumustahin at makausap ang mga
kaibigan. Makinig sa mga mga kwento, naiisip at nararamdaman ng isa’t isa.
Let’s survive this together!
3. Maghanap ng pagkakaabalahan o
mapaglilibangan. Subukan mong matutunan ang isang hobby, skill, o talent.
Nakakatulong ito sa pagbawas ng anxiety sa panahong ito. Kahit wala ka sa
school, pwede ka pa ring matuto ng mga bagong bagay.
4. Gumawa ng routine at sikaping sundin
ito. Pwede kang tumulong sa gawaing bahay sa umaga, mag-practice ng pagtugtog
sa hapon, at magbasa para linangin ang kaisipan sa gabi. Gawin ang mga bagay na
nagpapasaya sa iyo. Huwag rin kalilimutang mag-relax at magpahinga.
5.Gumalaw-galaw at magpapawis.
Mag-exercise. Gawin ang mga dance challenge sa TikTok o YouTube. Yayain rin ang
mga kasama mo sa bahay na sumali sa video para mas masaya! Nakakatulong ang
exercise at paggalaw ng katawan sa pagpapalakas ng resistensya laban sa
COVID-19 at iba pang mga sakit.
6. Kahit may na-miss kang mga milestone sa
buhay dahil sa quarantine, tulad ng graduation o birthday celebration, kaya mo
pa ring lumikha ng memories. Ipagdiwang ang mga achievements at special
occasions sa sariling paraan. Mag-photoshoot, vlog, mini-ceremony, at virtual
celebration sa social media kasama ang iyong mga kaibigan at kamag-anak.
7. Maging isang smart at responsableng
netizen. Dahil virtual na ang karamihan sa ating connections, maging maingat at
mapanuri online. Suriin ang mga impormasyon at nakakasalamuha online. Mag-share
lamang ng mga makabuluhang bagay.
8. Tumulong sa mga gawaing bahay hangga’t
makakaya, lalo na’t kung nahihirapan ang pamilya mo sa panahong ito dahil sa
pagkawala ng trabaho o kakulangan ng pangtustos sa mga pangaraw-araw na
pangangailangan. Survive as one family tayo!
9. Kailangan mo ba ng kausap? Hindi ka nag-iisa.
Makipag-chat o text sa mga kaibigan o kamag-anak. Kung nakakaramdam ka ng
anxiety, may handang makinig sa iyo!
10. Nalulungkot ka ba sa sitwasyong dala
ng COVID-19 at sa mga balita tungkol dito? Maging boses ng kabataan at
magbigay-inspirasyon sa iba! Nakararanas tayong lahat ng lungkot at hirap dahil
sa krisis na ito. Makakatulong ang pag-unawa sa isa’t isa, at pag-share ng saya
at pag-asa.
Upang labanan ang mga negatibong epekto ng
pandemikong ito, kailangan nating tiyakin na ang ating mga mag-aaral ay
mayroong suportang pangkalusugan sa pag-iisip na kinakailangan upang makayanan
ang mga pagkalugi at mga pagbabago sa nakaraang taon. Ang paglalagay ng pokus
sa mabuting kalusugan ng isip ay isang bagay na dapat unahin sa gitna ng
pandemya.
Ang pagmumuni-muni at yoga ay
napakahalagang gawi na sa pamamagitan ng kontroladong paghinga at pagtuunan
matulungan kahit na ang pinakabatang mag-aaral na harapin ang kanilang
pagkabalisa at pagkalito sa panahong ito ng pagkagambala. At sa kaso ng yoga,
ang pagkakataon para sa pisikal na pag-eehersisyo ay nagdudulot ng mas maraming
mga benepisyo sa isip. Maa-access ng lahat ang mga pamamaraan na ito - lalo na
ang mga nagtatrabaho o natututo mula sa bahay (online class) - sa pamamagitan
ng mga online na video, libreng app, at iba pang mga online na gabay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento