UNANG
PANGKAT
PAGTALAKAY NG
SENATE BASIC EDUCATION COMMITTEE SA DISTANCE LEARNING ILANG LINGGO BAGO
MAGBUKAS ANG KLASE
MC:
PAGPAPAKILALA SA MGA MANONOOD AT SA PAGSISIMULA NG PROGRAMA.
Panimula:
Jhoy Cortes
Ang ating
mga tagapagpakilala, ang tagapamuno ng asignaturang Kontekstuwalisadong
Komunikasyon sa Filipino, Bb. Jessa Cada, sa ating mga tagapagsalita, mga
minamahal naming guro, at sa mga kapwa mag aaral, Isa pong mapagpalang araw sa
inyong lahat. Ngayon ay atin nang bibigyan ng pagbubukas ang ating programa na
may paksang Pagtatalakay ng Senate Basic Education Committee sa distance
learning ilang linggo bago magbukas ang klase. Bago magsimula ang diskusyon
inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa para sa pambungad na panalangin na
pangungunahan ni Bb. May Christine De Leon[JC1]
Panalangin: May Christine de Leon
Panalangin:
Panginoon
naming Dios an makapangyarihan sa lahat, salamat po sa panibagong araw na aming
nasilayan muli ang araw na ito. Patawarin nyo po nawa ang aming mga nagawang
kasalanan. Ama humihingi po kami ng tulong at gabay sa isasagawa naming
programa nang sa gayon ay maging maganda ang daloy nito. Hiling namin ay magawa
namin ang lahat ng makakaya namin para sa ikakatuto din ng mga makikinig namin.
Ama maraming salamat po, sa pangalan ng aming tagapagligtas na si Kristo Hesus,
Amen.[JC2]
MC: PAUNANG PASALITA PARA SA
PAGSISIMULA NG DISKUSYON.
Introduksyon ng Paksa: Myra Villaganes
Custodio
Ang ating programa na may paksang,
Pagtalakay ng Senate Basic Committee sa Distance Learning ilang linggo bago
magbukas ang klase. Dahil nga sa kasalukuyang sitwasyon na ating nararanasan
dulot ng pandemya. Ang pagpapatuloy ng mga klase o ng
pag-aaral ng bawat isang estudyante ay kailangang gawin
sa ligtas na pamamaraan. Ang Departamento ng Edukasyon, gobyerno, at mga sangay
nito, ay naka-agapay sa darating na pasukan. Naglabas din sila ng alituntunin
na kung saan nakapaloob ang mga impormasyon na dapat malaman at maunawaan ng bawat isang tao, lalong-lalo na ng mga
mag-aaral at guro maging ng mamamayang Pilipino
sapagkat lahat tayo ay kailangang may kamalayan sa nangyayari sa bansa.
Ito ay mas mapapalalim pa ng mga sumusunod
na tagapagsalita na sina, Bb. Kharene Joy Gonzales, Bb. Kate Coronel, G. Jeremiah
Desabille, Bb. Bianca Cauilan, Bb. Andrea Mae Gapa, Bb. Nicca Decena at G.
Japhet Escober.[JC3]
MC: PAGDAKO SA DISKUSYON AT
PAGPAPAKILALA NG MGA TAGAPAGSALITA.
Diskusyon: Kharene Joy Gonzales
Hindi lingid sa ating kaalaman na tayo
ngayon ay nasa gitna ng laban kontra Covid-19, ang pandemyang kinakaharap natin
sa kasalukuyan. Kaya naman umusbong ang problema tungkol sa magiging sitwasyon
ng edukasyon sa bansa sa gitna ng pakikibaka nito sa Covid-19.
Ang mga paaralan at iba't-ibang sektor at institusyong
pang-edukasyon ay hati ang opinyon tungkol sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Ang iba ay sang-ayon ngunit mayroon din namang mga tutol. Ito'y sa kadahilanan
nga ng banta ng pandemya. Ani rin ng ibang mga magulang at mga estudyante na
ipagpaliban na muna ang pagbubukas ng klase ngayon taon at mas bigyang pansin
ang kalusugan ng bawat isa. Ngunit nanindigan ang DepEd na kailangan magpatuloy
ang pagbubukas ng klase kahit pa may kinakaharap tayong pandemya. Ang desisyong
ito ng nasabing ahensya ay sinang-ayunan naman
ni Sen. Win Gatchalian kung saan ayon sa kanya kailangan
magpatuloy ang pag-aaral at pagkatuto ng mga estudyante.
Marami pang issue at mga tanong tungkol sa
desisyong ito ng Kagawaran ng Edukasyon. Kaya naman ating pakinggan ang mga
inihandang hakbang ng DepEd kaugnay sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Ang pagbabalik-tanaw sa
kontekstong ito ay muling ibabahagi sa atin ni Bb. Kate Coronel tagapagsuri ng
naturang forum.
- Kate Coronel
(Magbigay ng paunang
salita bago magfocus sa paksa, kasabihan o anuman na maaring kaugnay sa
nilalaman ng iyong sasabihin)
Halimbawa: PWEDE ITONG
GAMITIN NI BB. KATE CORONEL BAGO MAG-UMPISA SA SASABIHIN NIYA
“Ang
bata suportado ng magulang at guro, kung nanaiisin mag-aaral ay talagang mag-aaral,
anuman ang banta ng panahon, oras at kahit anong pagkakataon.”
Dahil sa pangyayari ng pandemya umisip ng
paraan ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) para sa patuloy padin ng pagsisimula
ng klase ng mga mag aaral na papasok ngayong taon. Eto ang ilan sa kanilang
nabuong paghahanda ayon kay USEC Malaluan ,[JC4]
Andito ang Learning delivery Modalities, dahil na din
sa pamdemyang nangyayari iniiwasan na lumabas ang lahat ng mga tao para na din
sa kanilang kaligtasan kaya walang face to face na klase ang mag aaral at
pinadiinan pa ng ating mahal na Pangulo Rodrigo Duterte na hindi magkakaroon ng
face to face na klase hanggat wala pang lunas sa sakit na ito ,sa ilalim ng
Learning delivery Modalities ay pinagsamang modular (ito ay printed o kaya ay
offline digital) , Online at huli Telebisyon at Radyo .Mayroon din silang mga
iba’t ibang pinagkukunan ng kaalaman isa na dito ang Existing Textbook , Self
Learning modules ( maaring printed o digital),Activity Sheets, SLM-based videos
or radio instruction at MELCs-mapped/alligned Supplemantal Learning.[JC5] Kailangan kapag sinabi ito ni Ms. KATE Coronel ay nasa
kanyang panauhan ang paraan ng pananalita. As if ikaw mismo ang nagsasalita
nito at kinoquote mo lamang ang sinasabi ng nagsasalita.
Sunod ay Assessment,
mula sa Summative Assessment na paper at paper test na nakagawian ito ay naging
Formative Assessment na ,na may kakayahang umangkop at subaybayan ang pag-aaral
ng mag-aaral upang magbigay ng patuloy na puna na maaaring magamit ng mga guro
upang mapabuti ang kanilang pagtuturo at ng mga mag-aaral upang mapabuti ang
kanilang pag-aaral.Binigyang pansin din ng DepEd ang teacher training sa tulong
ng NEAP,ICTS,DRRMS, Regions at Division,isang pagkakataon sa pagsasanay na
magpatuloy sa buong taon ng pag-aaral.[JC6]
Maliban sa mga nasabing
pamamaraan at pagtataya ay mayroon ding pinaghahandaan ang ahensya para sa
tinatawag na
Resource Mobilization pinaliwanag dito kung saan kukuha ng mga budget ang
Kagawaran ng Edukasyon para sa darating na pasukan .Sunod ay Health Standards:
DepeEd Order No.14, s.2020(25 June 2020) maibigay ang mga sumusunod na hakbang
para sa pagpapagaan ng COVID-19 sa mga eskuwelahan at tanggapan, laman nitong
ang Una ang General Health and Safety Protocols upang madagdagan ang katatagan
ng mental at pisikal, mapababa ang pagkalat, mapababa ang pakikipag-ugnay, at
mabawasan ang tagal ng impeksyon, Pangalawa ay Testing Protocols kabilang ang
maagang pagtuklas, proseso ng referral, pag subok at kuwarentenas, mga contact
tracing at mga protokol ng suporta para sa mga mag-aaral, tauhan at guro. At
Panghuli, ay Support Mechanism para sa mga Kinakailangan na Pamantayan ng
Kalusugan ng DepEd.
Hindi nga pinatotohanan ni USEC
Malaluan ang isang kasabihan na “ONE SIZE FITS ALL” mula sa Regional
Contextualization,
kaya’t ang Deped ay gumawa ng iba’t ibang asimilasyon sa iba’t ibang kondisyon
dahil hindi naman pare-pareho ang sitwasyon ng bawat lugar, nagkaroon sila ng
mahigit 300 na asimilasyon sa buong bansa sa ilalim ng iba-ibang kondisyon,
Bilang pagwawakasa sa aking panayam, nais kong tunguhin ang
konseptong sa tingin mo’y natutulog ang nasa pamahalaan, sa tingin ng iba ay
gising at may ginagawa MARAHIL iiwan ko sa inyo ang konseptong “KAILANGAN MO
LAMANG MANIWALA AT MAGTIWALA”.
Muli,
MAaraming Salamat po sa inyong pakikinig.
MC: Maraming
Salamat Bb. Kate Coronel sa iyong iniwang paalala na “Kailagan mo lamang
maniwala at magtiwala” na hindi lamang sa konsepto ng mga forum sa senado dapat
bigyang aplikasyon kundi sa pang-araw-araw na buhay.
Ngayon
naman ay dumako na tayo sa PAGLUNSAD NG TV AT RADYO-BASED MODALITIES NA
IPINATUPAD NG DEPED at sa sandalling ito ay makakapanayam naman antin Si Bb.
Jeremiah Desabille ang tagapagsuri.
- Jeremiah Desabille
Ang naging malaking tanong ng
karamihan ay magiging epektibo ba ang nasabing pamamaraan na ipanapatupad ng
ahensiya ng edukasyon gaya ng paggamit ng radio at telebisyon sa pag-aaral ng
mga mamamayang Pilipino na talagang kapos at walang pambili ng kagamitang
gagamitin sa online learning. Bago ang lahat ay alamin
muna natin ang mga maaring maging epekto ng mga pamamaraan na iyon.
Sinasabing Ito ay ang paraan
upang mas maipalaganap ang mga impormasyon at aralin sa mga mag-aaral sa mas
epektibong pamamaraan. Ipinahayag sa sesyon na gagamitin ang frequency ng radyo
at telebisyon sa pagpapahayag ng mga aralin. Araw-araw, sa itinakdang oras, ay
magkakaroon ng programa ang DepEd sa isang channel ng telebisyon at laman nito
ang mga aralin para sa iba’t-ibang mga baitang depende sa iskedyul ng araw at
oras na itinakda ito.
Samantala, ang isa pang modality na
inilunsad ng DepEd upang matugunan ang pangangailan sa distance learning ay ang
DepEd Commons. Ito ay isang plataporma o website na kung saan nakalagay ang mga
aralin ng ibat-ibang baitang. Upang maka-access ang isang estudyante sa
nasabing website ay kailangan lamang niyang mag-log-in sa access.deped.gov.ph
at pagkatapos gumawa ng account ay maaari na niyang makita ang mga aralin na nakapaloob
dito base sakanyang baitang.
Huli, ay ang pagtalakay ng Senado sa
patuloy na pagpapalawak ng printing ng mga learning manual o mas kilala bilang
learning module ng mga magaaral. Sa diskusyon ay inihayag ng mga nasa senado na
marami na ang patuloy ang pagpprint ng modules at masaya sila dahil makakaabot
ang mga ito sa pagbubukas ng klase. Dagdag pa nila, dahil nga ang unang linggo
ng balik-eskwela ay nakatuon sa oryentasyon ng mga mag-aaral at magulang at iba
pang psychosocial interventions, kumpyansa sila na ang target na unang dalawang
lingo ay magiging matagumpay.
Patunay ang mga learning modalities na
inilunsad ng DepEd upang makasabay ang bansa sa pagbabagong dulot ng COVID-19.
Ang mga pamamaraan na ito ay nakikitang daan ng DepEd upang maipagpatuloy ang
pag-aaral ng mga estudyante na sa kabila ng pagbabago na kinakaharap ng buong
mundo, dapat tayong maki-ayon dito.
MC: Information Overload na
ba? Pansamantalang damhin natin ang nakakaSTRESS-FREE na paghahandog
ni____________ ng kanyang taleno.
MC: PAGPAPATULOY NG DISKUSYON AT
PAGPAPAKILALA NG MGA BAGONG TAGAPAGSALITA.
Pagpapatuloy sa Diskusyon : Andrea Mae
Igdalino Gapa
Hinimok ng mga unang tagapagsalita ang
diskusyon patungkol sa pagtalakay ng Senate Basic Education Committee sa
distance learning ilang linggo bago magbukas ang klase. Ang isyu na ito ay
sumubok sa bawat isa, lalong lalo na sa mga mag-aaral na may kakulangan sa
mapagkukunan ng pagkatuto. Tila ba tinuruan tayo ng reyalidad na maging
kritikal at maging mapamaraan kahit na tayo ay nakararanas ng pandemya at mga
pagsubok.
Isang malaking hamon sa bansa ang mas
tumitinding pangangailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Hanggang sa
kasalukuyan ay humahanap tayo ng solusyon o pinakamabisang paraan upang
makibagay sa distance learning na mayroon tayo ngayon. Dito rin nasusubok ang
kakayahan ng mga Local government units na maging tiyak sa paghahanap ng
mabisang pamamaraan, patakaran at pamamahala. Sa pagpapatupad ng Learning
Continuity Plan (LCP), hinihimok natin ang iba’t ibang LGUs na tulungan ang
Department of Education (DepEd) na ipatupad ito nang naaayon sa sitwasyon o
kapasidad ng bawat lungsod, munisipalidad o probinsiya. Batid na sa distance
learning, higit na makatutulong ang malawak na oryentasyon ng mga mag-aaral,
upang magkaroon nang mahusay na pakikipag-ugnayan sa kanilang mga magulang at
guro na siyang magbibigay daan sa epektibong pagkatuto nito. Bilang karagdagan
sa usaping ito, ayon kay DepED-NCR Director Luz Almeda, kailangan pa rin ang
dayalogo o pag-uusap ng mga magulang ng estudyante at ng eskwelahan. Bukod pa
dito, nararapat din na magkaroon ng sapat na mapagkukunan ng pagkatuto ang
isang mag-aaral, halimbawa nito ay ang mga nabanggit ng mga naunang
tagapagsalita, upang masigurado na ito ay hindi mapag-iiwanan sa klase. Malaki
din ang tungkulin ng gobyerno upang magbigay ng tiyak na solusyon na mapagaan
ang mga pasakit ng mga taong walang oportunidad sa pagkatuto sa distance
learning na ito dahil sa dulot ng pandemya,
naway dinggin ang mga pangangailang ng mga mamamayan nito.
Tunay nga na malaking pasanin ang dala
dala ng mga mamamayan, lalo na ang mga estudyante sa panahong ito, ngunit alam
ko na ito ay magdudulot sa atin ng panibagong kabanata na maghahayag ng mga
kamangha-manghang mga mag-aaral na may kakayahang umangkop at birtwal na
maglakbay patungo sa kani-kanilang mga pangarap.
-Callista Blanche
Ang Senate Basic Committee ay naglaan ng
oras upang mapag-usapang ang new normal na magaganap sa akademikong sistema, na
kanilang tinawag na distance learning, sa kadahilanang malapit na ang
pagbubukas ng klase, upang maging handa ang lahat sa pagbabagong mangyayari,
hindi lang ang mga estudyante at guro, kundi ang magulang at maging mga
simpleng mamamayan.
Dahil may dalawang pamamaraan ang
magaganap sa pasukan, and online classes at and modular. Binigyang pansin ang
modular dahil nais maging tiyak ng gobyerno na magiging ligtas ang pagbibigay
ng modules sa mga estudyante mula sa kaguruan. Plinano ang maayos na sistema sa
module distribution, kung saan ang mga baranggay kung saan nakatira ang
estudyante ay nagkaroon din ng papel dito. Ang iba ay ibinibigay sa bawat
baranggay ang mga modules, at ang iba ay pinapupunta sa paaralan ang mga
magulang upang makuha ang modules ng kanilang mga anak. Sa kabilang banda, and
online class ay mas madali dahil walang pisikal na interaksyon na magaganap sa
pagitan ng estudyante at guro.
Napakalaking dagok ng pandemyang nagaganap
hanggang ngayon sa iba't ibang aspeto ng ating pamumuhay, lalo na sa pag-aaral
dahil ito ay nasa sistemang sunod-sunod at ang pagtigil ng isang akademikong
taon ay magbibigay ng munti hanggang sa maraming problema sa estudyante.
Magandang nalalaman natin kung ano ang naging desisyon ng Department of
Education (DepEd) at mga nakatataas patungkol sa ganitong usapin dahil
nararapat lamang na alam natin at tayo ay hindi nagiging ignorante sa mga
ibinababang patakaran ng gobyerno sa atin.
Pagtatapos: Nicca Decena
So narining naman po natin ang mga
tinalakay ng mga tagapagsalita kung saan malinaw po nilang ibinihagi ang paksa
at mga solusyon kung paano natin makakayanan harapin ang makabagong sistema ng
edukasyon. Hindi lingid sa ating kaalaman na matatagalan pa bago bumalik sa
dati ang ating sitwasyon ngunit sa ngayon ay kailangan nating umusad at
magpatuloy upang hindi tayo mapag iwanan at kailangan nating makipagsabayan
upang tayo ay makaraos. Bilang isang isudyante, kahit mahirap ay patuloy akong
uusad sapagkat mayroon pang paraan at isa itong opportunidad upang magpatuloy
pa. Edukasyon ang susi sa kinabukasan.
Ika nga nila kung gusto may paraan, at sa mga gusto ngunit walang ibang
choice kagaya nalamang sa mga kapwa nating kabataan na hindi nakapag enroll ngayong academic year
ay hindi pa huli ang lahat. Hindi porket hindi ka pumasok ngayon ay ibig
sabihin ay huli na ang lahat. Hanggat may buhay may pag asa. Ang pagkakaroon ng
magandang kinabukasan ay hindi paunahan, ang mahalaga ay nagpapatuloy. At sa
mga nakamit na ang pangarap na kinabukasan ay wag sana nating hayaang lumaki
ang ulo at mang apak ng iba. O maging ganid sa kapangyarihan at sa pagkakaroon
ng mataas na antas ng edukasyon ay ibababa na ang mga nasa mababa. Walang silbi ang edukasyon mo kung ikaw naman
ay nakalimot ng maging tao.
- Japhet Escober
Maraming salamat sa ating mga tagapakinig
na naglaan ng oras panahon upang dumalo sa ating programa na patungkol sa
makabagong paraan at sistema ng ating edukasyon sa panahon ng pandemya. Naway
kinakitaan nyo kahusayan at kabuluhan ang aming programang inilaan upang
magbigay kaalaman at impormasyon sa ginagawang ng ating pamahalaan upang
tugunan ang kinakaharap na problema sa larang ng edukasyon. Alam ko na marami
sa atin ang hirap pa din at nagsusumikap upang makasabay sa pagbabago sa
sistema ng ating edukasyon. Magkaganoon pa man sinisikap pa rin ng bawat
pamilyang pilipino na patuloy na magpatuloy sa kabila ng mga napapanahong issue
na nakaaapekto estado ng pamumuhay ng bawat isa at gayun din sa paraan ng
pagtamasa ng dekalidad at pormal edukasyon ng mag-aaral. Ibinibigay ng ating
gobyerno ang lahat ng makakaya upang bigyan pansin at tugunan ang mga
pangangailangan at hinaing ng mga mamamayan nito. Bagamat may pagkukulang ang
gobyerno sa kanilang mamamayan, ngunit ang kagustuhan ng isang estudyante sa
pagkatuto ay hindi nagmaliw sa kabila ng lahat. Sa huling pagkakataon nais
pasalamatan ang lahat ng madumalo at nakinig sa program, at nawa'y naibigan nyo
ang aming presentasyon at kinapulutan ng mga kapakipakinabang na mga impormasyon
at nagbukas ito ng mga bagong kaalaman. Muli kami po ang estudyante ng BSP 2B
Pangkat1, at maraming salamat po!
MC: NGAYON PO, BAGO TAYO MAGHIWAHWALAY
AY NAIS SANA NAMING HINGIN PA ANG KAUNTI NIYONG ORAS UPANG MASAGUTAN ANG
EVALUATION FORM NA AMING INIHINANDA PARA SA INYO, AMING MANONOOD. HINIHINGI PO
NAMIN ANG INYONG BUONG PUSONG KOOPERASYON NA MAGLAAN PA NG KAUNTING PANAHON
PARA SA PAGSAGOT NG EVALUATION FORM NA TUNGKOL SA AMING ISINAGAWANG PROGRAMA.
NAWA PO AY MASAGUTAN NIYO ITONG AMING INIHANDA, AT ANG INYONG KOOPERASYON AY
MALUGOD NAMING IPAGPAPASALAMAT. MULI MARAMING SALAMAT PO!
IKALAWANG
PANGKAT
SUNOD SUNOD NA PAGSALANTA NG MGA BAGYO SA
ATING BANSA,
ANG
PILIPINAS
Panimula : (Alyssia De Rojas)
Magandang araw sa ating lahat lalong lalo
na sa ating mga kalahok, kami ay ang pangalawang pangkat na nagmumula sa Bs
Psych 2B at ipapaliwanag namin ng aking mga kagrupo ang epekto ng sunod sunod
na pag salanta sa ating bansa ng mga bagyo at ang mga epekto nito sa ating mga
kababayang lubos na naapektuhan sa pang yayaring ito.
Panalangin : (Ivan Francis De Salit)
Amang diyos naming makapangyarihan kami po
ay nagpapasalamat sa araw na ito at kami ay nagkasama sama at nagkatipontipon
upang ipamalas ang kakayahan ng bawat isa at upang maipahayag din ang saloobin
ng bawat isa nawa po ay basbasan mo ng iyong pagmamahal ang bawat isa at nawa
ay maging matagumpay ang programang ito at kapulutan ng aral ng bawat isa sa
amin ito ay hinihiling ko sa pangalan ng ating panginoon diyos. AMEN.
Introduksyon : (Kimberly Ciniza)
Magandang umaga/hapon sa inyong lahat,
kami ang pangalawang pangkat. Ang aming paksa ay patungkol sa mga nagung epekto
ng sunod-sunod na bagyo na dumating aa ating bansa ngayong taon. Tatalakayin
din kung ano nga ba ang mga nagjng magagandang katangian ng mga pilipino na
naipakita habang nangyayari at pagkatapos mangyari ang mga nagdaang bagyo.
Panghuli ay ano nga ba ang maaring maging solusyon patungkol dito pati na rin
ang mga ilang paalala na kailangan natin isa alang alang base na rin sa ating
naging karanasan sa nagdaang mga bagyo.
Diskusyon : (Patrick James Delos
Santos)
Magandang araw sa inyo. Akin po
tatalakayin ang epekto ng sunod-sunod na bagyo sa ating bayan at pati na sa
ating mga kababayan. Sa mga nakaraang buwan ang ating bansa ay nakaranas ng
sunod-sunod na pananalasa ng bagyo dahil dito nag-karoon ito ng epekto sa ating
mga mamamayan katulad na lamang ng pagkawala ng hanap-buhay ng mga lugar na
lubos na naapektuhan ng bagyo, pagkasira ng mga ari-arian, pag-kasira ng mga
pananim dahilan sa pag-taaas ng presyo ng ilang gulay sa merkado. Isa na rin sa
epekto ay ang pagkasuspende ng mga klase, problema din ang mga nasira at
nalubog sa bahang mga modyul na siyang ginagamit sa sistema ng klase ngayong
taon. Dahil sa sunod-sunod na bagyong dumaan naging dahilan ito upang mapuno
ang dam na siyang naging dahilan ng malawakang pagbaha partikular na sa Cagayan
at Rizal. Ngunit sa lahat ng mga negatibong epekto ng mga bgayong ito makikita
pa rin ang kagandahan ugali ng mga Pilipino na pagtutulungan.
Intermisyon : (Nathalie Vivien Gahis at
Everly Delis)
Hawak Kamay by Yeng Constantino
Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing
"di ko makakaya"
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
(chorus)
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Minsan madarama mo
Ang mundo'y gumuho sa ilalim ng iyong mga
paa
At ang agos ng problema'y tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
(chorus)
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
(bridge)
Wag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin meron kang kasama
Narito ako oh, Narito ako
(repeat chorus)
Sa mundo ng kawalan
Hawak-kamay, Hawak-kamay
Sa mundo ng kawalan
Pagpapatuloy ng diskusyon: : (Sherly
Joy Ganitnit at Mariel Dela Cruz)
Sa pagpapatuloy ng aming diskusyon, amin
namang tatalakayin ang mga maaaring solusyon upang maiwasan ang pagbaha at
maging handa ang mga mamamayan sa paparating na sakuna o bagyo sa ating bansa.
Alam naman natin ang Pilipinas ay isa sa madalas na daanan ng bagyo dahil na
rin ang bansa ay napapaligiran ng karagatang pasipiko at mula rito ay nabubuo
ang isang kalamidad. Kamakailan lamang, ang ating bansa ay dumanas nang
sunod-sunod na pagbagyo sa iba't ibang lugar. Ano nga ba ang maaaring solusyon
upang maiwasan ang mga pagbaha sa ating lugar at ano ang mga paalala upang tayo
ay maging alerto sa mga paparating na bagyo? Una, paano natin maiiwasan ang
matinding pagbaha. Bilang isang mamamayan, dapat ay mayroon tayong sariling
disiplina upang gawin ang tama, katulad na lang ng pagtapon ng basura sa tamang
tapunan dahil kapag ito ay itinapon lamang sa kalsada o ilog, magiging sanhi
ito ng pagbara sa mga kanal at ito ay magdudulot ng pagbaha sa ibang lugar.
Mahalagang ituro sa pamayanan ang paghihiwalay ng basura na nabubulok at di
nabubulok, at mga basurang pupwede pang gamiting muli katulad ng mga plastik na
bote na maaaring gawing silya na mapakikinabangan sa paaralan at maging sa
bahay. Isa pa sa ating ikinababahala ay ang pagkaubos ng mga puno dahil sa
madalas na pagpuputol sa ilang kagubatan. Ang mga puno at halaman ang siyang
sumisipsip ng tubig sa tuwing tayo ay nakararanas ng pag-ulan. Habang may
kakayahan tayong magtanim ng mga puno at halaman, ito ay gawin natin upang
maiwasan ang matitinding pagbaha sa ating bansa. Dahil nga ang Pilipinas ay
malapit sa karagatang pasipiko, hindi natin mapipigilan ang pagdating ng bagyo
at makaranas ng hagupit nito. Ang mga posible nating gawing bilang mamamayan ay
palaging maging alerto at makinig sa mga balita o tignan ang mga updates sa
iyong social media accounts, dahil sa panahon ngayon, mabilis na tayong
makakasagap ng mga impormasyon sa isang pindot lamang. Maging maagap at ihanda
ang emergency kit na naglalaman ng kakailanganin sa araw-araw katulad ng mga
gamot, tubig at pagkain. Hangga't maaga pa, maaaring pagtibayin ang inyong mga
bubong sa bahay at suriin ang lahat ng parte ng bahay kung mayroon mga butas na
maaaring pasukan ng tubig-ulan. Laging tingnan at manood sa telebisyon ng mga
balita ukol sa bagyo o makibalita sa opisyal na namumuno sa inyong bayan kung
ano na nga ba kalagayan ng inyong lugar. At kung inanunsyo na kinakailangan
ninyong lumikas sa lalong madaling panahon, sumunod sa mga opisyal ng inyong
lugar upang maging ligtas ang lahat. Sa nagdaang sunod-sunod na mga bagyo
nitong nakaraang buwan, ang bagyong Ulysses ang higit na nakapaminsala sa ating
bansa lalo na mga lugar sa pulo ng Luzon. Maraming mga bahay at pangkabuhayan
ang nasira at lumubog sa baha na dulot ng bagyong ito. Sinasabi nga nilang mas
malala ito sa Bagyong Ondoy na higit ring nakapinsala noon sa ating bansa. Nang
dahil sa hagupit ng bagyong ito, lumabas ang mga magandang katangian ng mga
Pilipino na naipakita sa pangyayaring ito. Nagiging positibo sila sa kanilang
pananaw at mas napalapit sa kanilang mahal sa buhay at nagdadamayan ang bawat
Pilipino sa gitna ng kalamidad. Ang isa sa mga postibo nakikita ko ay yung
pagbabayanihan ng maraming Pilipino. Mga pilipinong kayang dumiskarte sa gitna
ng kalamidad nariyan ang mga kwento ng bayanihan at mga nakahanap ng katuwaan
kahit pa sa gitna ng baha sa gitna ng kalamidad lumutang ang pagiging matatag
at masayahin ng mga Pilipino. Inspirayon naming maituturing ang mga nag
bayanihan makikita ang pagtutulungan ng bawat Pilipino anumang kalamidad ang
mga Pilipino ay hinding hindi matitinag.
Sa gitna ng trahedya nasaksihan natin ang
buong pusong pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa patunay lang na kahit
malugmok tayo sa kahit anumang pagsubok
sa buhay o kalamidad basta’t nagkakaisa ay siguradong makakabangon tayo.
Ang sabi nga sa harap ng pinakamabibigat na pagsubok lumilitaw ang tunay nating
pakikipagkapwa tao at sa paghagupit ng bagyo tinimbang, sinukat at hinamon pero
hindi umatras ang mga Pilipino. Hindi maiwasang mapansin ang pag ngiti natin sa
gitna ng dagok na pilit tayong inilulubog lalo’t sa paligid naman ay may
handang umalalay at tulungan kang umahon.
Pagtatapos: (Jay-R Dela Cruz)
Isang mapagpalang araw sa lahat! Sa mga
nakita at narinig natin sa palatuntunang ito, nawa’y mag-silbing inspirasyon
ang mga ito sa lahat ng mag- aaral upang magpatuloy at mag-aral upang
makatulong sa mga nangangailangan lalo na’t wala tayong kakayahang pigilin ang
mga bagyong dumarating sa bansa, mas mainam na mayroon tayong kaalaman sa kung
paano natin masosolusyonan ang mga problema na ating pwedeng harapin. Ang mga
nagdaang bagyo ay magsilbi sanang aral hindi lang sa atin bilang mag-aaral
kundi sa atin bilang isang tao, bilang isang mamamayan ng bansa na maging handa
at maagap.
Sa ganitong panahon, sinusubok ang ating
mga kakayanan. Nag-sisilbi itong paalala na may pagkakaiba man tayo sa ibang
bagay, sa huli, makikita pa rin ang pagkakapantay pantay natin bilang tao, na
dapat tayo ay magkaisa, magkaunawaan at magtulungan.
Yun lamang po at muli, maraming salamat po
sa lahat ng lumahok sa palatuntunang ito.
IKATLONG
PANGKAT
ANG PAGPAPAHAYAG NG KIALAGAYAN NG
KALUSUGAN NG BAWAT ISA SA GITNA NG MAPANGHAWANG PANDEMYA (COVID-19) SA WIKANG FILIPINO
Panimula: Bb. Dioquino
Magandang araw sa lahat, lalong lalo na sa
aming mga tagapakinig. Bago ang lahat, para sa matagumpay na pagsasagawa nito
ay hayaan natin manguna ang ating pananampalataya sa pangunguna ni Bb. Endozo.
Panalangin: Bb. Endozo
Introduksyon ng paksa: Bb. Cuenca
Narito po kami
upang talakayin ang paksa ukol sa napapanahong sitwasyon na Covid 19. Nilalayon
po namin na mabigyan kayo ng sapat pa na mga impormasyon at maiangat pa ang mga
konsepto sa ilalim ng paksang "Ang Pagpapahayag ng kalagayan ng kalusugan
ng bawat isa sa gitna ng mapanghawang pandemya (Covid-19) sa Wikang
Filipino".
Bb. Durano: Ngayon atin ng umpisahan ang
isang small group discussion sa pakikiisa ng bawat myembro ng pangkat 3.
Diskusyon:
Bawat myembro ng pangkat:
•Paglalahad ng bawat karanasan at mga
nakalap na impormasyon, lalong lalo na sa pinakamahalagang batis - Failon
Ngayon)
•Pagbibigay ng kaangkupang solusyon ng
bawat isa.
Intermisyon: Bb. Enriquez
Upang makapagbigay din ng mga kaunting kaalaman
upang mas lalong maiwasan pa ang pagdami ng bilang ng Covid 19. Hayaan niyong
ipakita namin ang aming intermisyon.
Pagpaptuloy ng diskusyon: Bb. Dalipe at
Bb. Delavin
Pagbibigay aral at konklusyon ng bawat
isa.
Pagtatapos: Bb. Dimaano & Bb. Ereje
Mga panghuling salita.
\
IKAAPAT
NA PANGKAT
BAGYO, BAHA AT DIKTATURA
Host: Sa ating minamahal na guro na si
Bb. Jessa Cada, sa aking kapwa mag- aaral, sa mga tagapakinig at manonood,
isang magandang araw sa inyong lahat. Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga
bagyong sunod sunod na nagsipasukan sa ating bansa at nag iwan ng malaking
pinsala. Ngayon, narito ang ikaapat na pangkat upang maibahagi ang kanilang
programa na may paksang Bagyo, Baha at Diktatura. Sa pagsisimula ng ating
programa, maaring tumayo ang lahat upang makinig sa isang panalangin na
pamumunuan ni Ginoong John Patrick Fegalan.
PAGDARASAL: Aileen Esplago
DISKUSYON
Ngayon naman ay maririnig natin mula kay
Bb. Jazie Mae Facto ang pagbabagi ng introduksyon ng paksa natin ngayong araw.
Jazie Mae Facto: Hindi na bago sa
bansang Pilipinas ang sunod-sunod na sakuna ang ating nararanasan. Mga sakunang
nagdulot ng matinding pinsala at epekto sa mga mamamayan.Hindi pa nga natatapos
ang pandemya ay dumadagdag pa ang mga kalamidad na ating nararanasan. Ngunit sa
araw na ito ating pag usapan ang paksang na may pamagat na
"Bagyo,Baha,Diktatura". Ang taong 2020 ay napakaraming kalamidad at
unos ang tumama sa bansang Pilipinas. Mga sunod-sunod na bagyo at baha na nagdudulot ng epekto sa bawat mamamayan at
pagbaba ng ating ekonomiya. Di natural ang katahimikan ng unang bahagi nito
kung saan pinakamalakas na bagyong nabuo ngayong taon ay ang “Superbagyong
Roly” at ang hagupit nito sa bansa. Sumunod naman ang “Bagyong Ullysses” na
nagdulot ng malawakang pagbaha sa bandang katimugang Luzon, kabilang ang metro
manila at ang mga lungsod ng Marikina, Pasig, Rizal at Bulacan dahil sa
matinding ulan nag iwan ng matinding baha at pagkawasak ng mga ari arian ng mga
residente. Matindi ang dulot nito sa lugar na kanyang tinamaan halos bubong na
lamang ang ating nakikita sa ibang lugar na tinamaan nito na lalong nagpahirap
sa mga tao at mga autoridad.
*DISKUSYON*
Aileen Esplago: Maraming salamat
sa inyong mainit at nag-aalab na diskusyon. Samantala, bago natin ipagpatuloy
ang nasabing diskusyon, narito naman si Bb. Kae Angela Estramera upang mag alay
ng isang napakagandang awitin para sa ating lahat.
*INTERMISYON*
Aileen Esplago: Maraming salamat
sa iyong napakagandang awitin Bb. Ngayon atin ng ipagpapatuloy ang diskusyon ng
paksa na sa pagbabahagi ng mga solusyon na sa mga problema na pamumunuan nina
Bb. Sheery Lynn Fiedacan at Bb. Jane Eisen Cosme.
*DISKUSYON*
Aileen Esplago: Para naman sa
pangwakas na bahagi ng programang ito, narito sina Bb. Crizabel Dichoso at Bb.
Shermina Estacio upang ibahagi ang pangwakas ng ating paksa.
*PAGLALAHAD NG WAKAS*
Aileen Esplago: Nawa ay marami
na tayong natutunan at nalalaman mula sa mga naibahagi ng ating mga
tagapagsalita. Sa pagtatapos ng programang ito, muli nais kong pasalamatan ang
ating mahal na guro na si Bb. Jessa Cada, mga tagapagpahayag at manonod, para
sa matagumpay na pagdaraos ng programang ito. Maraming salamat po at magandang
araw!
IKALIMANG
PANGKAT
ONLINE CLASSES SA GITNA NG PANDEMYA:
EPEKTIBO NGA BA SA PAGKATUTO NG MGA STUDYANTE?
PANIMULA: Maika
Halos tatlong buwan na ang nakalipas ng
magsimulang magbalik eskuwela ang mag aaral sa mga pampublikong paaralaan.
Ngunit binago ng pandemya ang dating harap harapan na pagtuturo na ginawang
online at modyular ang mga leksyon. Maraming pagsubok ang pinagdaraanan ngunit
nakakamangha ang mga kasipagan at dedikasyon ng mga guro, estudyante, at mga
magulang sa kabila ng pandemyang nararanasan nating ito.
Ako po si Maika Hachero at narito ang
aming ulat.
UNANG DISKUSYON
ONLINE
CLASS SA GITNA
NG PANDEMYA
Janah: Dahil sa
dumaraming kaso ng Corona Virus Disease 2019, marso nitong taon ay
napagpasyahan ng mga nakatataas na magkaroon nh lockdown sa iba't-ibang parte
ng bansa upang makapag self-quarantine ang mga tao nang sa gayon ay mabawasan
ang pagkalat at pagkakahawa-hawa ng sakit, na sya ring naging dahilan kung
bakit pansamantalang nahinto ang pagpasok sa eskwelahan naming mga estudyante
na nagsimula noong ikaw labing apat ng Marso at nagsimulang magpatuloy ulit
huling linggo ng Mayo nitong taon. Ang pagkahawa-hawa ay hindi napigilan,
patuloy na dumami ang kaso na nagresulta sa anim na buwang lockdown;
Ang mga pangyayari at desisyong nagawa
noong mga nakaraang buwan ay labis na naapektuhan ang mga mahihirap pati ang
mga estudyanteng tulad ko. Ang ating Pangulong Rodrigo R. Duterte at parehong
Department of Education na humahawak sa mga nasa primarya at sekondaryang
estudyante at Commission on Higher Education na humahawak sa aming mga nasa
kolehiyo ay napagpasyahan na hindi na muna magkakaroon ng face to face classes
gaya nang nakagawian at dumirekta sa new modes of learning; modular at online
class.
Maraming estudyanteng gaya ko ang
nago-online class at makakapanayam natin ang isa sa kanila:
Nago-online classes si Nella sa isang
pribadong eskuwelahan sa Dasmariñas at sya ay kasalukuyang nasa K12 Program at
isang Grade 11 Senior High School TVL Student.
Mga Tanong:
Janah: Ngayong tayo ay nasa new mode of
learning, online class na at hindi na gaya nang nakagawian dati, ikaw ba ay
maayos na internet access at mga gadget na kinakailangan sa pag-aaral?
Nella:
Janah: Para sa iyong
pananaw, kasing epektibo ba ng online classes ang face-to-face classes
pagdating sa pagkatuto?
Nella:
Janah: Ngayong ikaw ay
nasa bahay na lamang nag-aaral, mas na ma-manage mo ba nang maayos ang iyong
oras pagdating sa hatian ng gawaing bahay at school works?
Nella:
Janah: Para sa iyo, mas madali ba ang online
classes kumpara sa face-to-face noon? Ikaw ba at ang iyong mga Guro ay may
maayos na nakakapag usap tungkol sa mga topic na gusto ninyong balikan?
Nella:
Janah: Muli, magandang
hapon sa inyong lahat. Ako si Janah Dumlao, nag-uulat.
Dahil sa Covid-19 Pandemic, maraming
eskwelahan ang nagpapatupad ng Distance Learning o yung pagsasagawa ng klase
via online. Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng virus dahil nga wala pang
mangyayaring mass vaccination, at hindi lahat ay may access online at ang iba ay
hindi kayang magbayad ng internet connection.
Nasa second year college na si Hanah at
kumukuha ng Business Management sa isang pampublikong kolehiyo sa Cavite. At
inaalala niya and dulot ng hirap ng online class
Bukod pa rito hiram lang din ang laptop na
ginagamit niya sa pag aaral.
(FLASHING NG INTERVIEWS CLIPS)
Ayon sa kanya, nawalan din ng trabaho ang
kanyang ama na isang driver dahil sa pandemic kaya problema din ang panggastos
nila sa araw-araw.
(FLASHING NG INTERVIEWS CLIPS)
Kahit na walang pandemya kitang kita pa
rin ang agwat ng mayaman at mahirap. Lalo pa itong lumalabas ngayong pumapasok
na ang lipunan sa tinatawag na New Normal.
Bagamat malaking tulong ang digital
technology dehado pa rin ang mga walang kaya sa buhay.
IKALAWANG DISKUSYON
Christine: Isang
mapagpalang umaga/hapon sa inyong lahat. Ako po si Christine Gastalla at narito
po tayo sa estasyon ng bayan, live at P5 News.
Sa hinaharap natin ngayong pandemya, hindi
alintana sa ating mga Pilipino na ipagpatuloy ang pag-aaral sa gitna ng banta
ng pandemya. Isa na rito ang isinasagawang blended learning na kung saan
gumagamit ang mga guro ng iba't ibang social media application para maisagawa
ang pagtuturo. Anu-ano nga ba ang mga kalamangan at kahinaan ng paggamit ng
social media platforms sa pag-aaral.
Narito at makakapanayam natin si Bb.Racil
Garciano at Ginoong Lance Hilario para
ilahad sa atin kung anu-ano ang mga kalamangan at kahinaan ng paggamit ng
social media platforms sa pag-aaral ngayong may pandemya.
Racil: Magandang araw
sa inyong lahat ng nakikinig. Ako si Racil Garciano at ako ay andito para
ipahayag sa inyo ang mga adbantahe ng paggamit ng iba’t ibang social media
platforms ng ating mga guro para tayo ay kanilang maturuan.
Una sa lahat, ang social media sa ating
kasalukuyang panahon ay maituturing na halos parte na ng ating pang araw-araw
na pamumuhay. Bilang isa sa mga kabataan, alam ko na tayo ay may mas madaming
oras na ginugugol sa paggamit nito. Napakaraming paraan para magkaroon ng
access sa social media. At lahat tayo ay mayroong mga account dito.
Isa ding adbantahe ay ang hindi natin
kinakailangang bumyahe papunta sa paaralan para mag aral. Ang oras na ilalaan
natin sa byahe ay mapupunta sa ating pag-aaral na makakapag bigay sa atin ng
mas maraming oras lalo na kung mayroong kailangan gawin.
Lance: Magandang hapon/
umaga rin sayo ako nga pala si Lance Hilario. May mga disadbantahe ang pag
gamit ng social media sa pag aaral. Para sakin may mga studyanteng nalilibang
na gumamit ng mga gadyet nila, kumbaga dito na nila tinutuon ang bawat atensyon
sa pag sscroll sa paglalaro na minsan nakakalimutan nilang may pasok pala sila.
May mga studyanteng nagkokopyahan sa mga sagot at di mo alam kung totoo bang
mayroong natututunan ang mga ito. May mga sagot na sa internet na lamang
kinokopya. May mga balitang hindi akma sa toong nangyayari sa mundo na
nakakalat dahil sa maling impormasyon na minsang kumakalat dahil sa fake news
na minsang nagagamit sa oag aaral kung kaya't may mga sagot ang studyante na
akala nila ay tama ngunit mali naman pala.
Christine: Isang malaking
isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga problemang umusbong tungkol sa
edukasyon.
Iba't iba ang paraan ng mga eskwelahan at
ahensya ng gobyerno sa pagsagot sa nasabing sitwasyon. May mga eskwelahang
nagsuspende ng klase, lumipat online, at may iba namang tinapos ang school
year.
Narito si Bb. Nerrisa Gonzales upang ating
makapanayam ukol sa sitwasyon ng edukasyon ngayong may pandemya.
(Pag uusap)
Christine: Magandang
umaga/hapon sa iyo Bb. Nerrisa Gonzales maraming salamat sa iyong oras para
ikaw ay aking makapanayam sa aming programa. Ang aking unang katanungan ay ano
ang sitwasyon ng edukasyon ngayong mayroon tayong kinakaharap na pandemya? Ano
ang dapat alalahanin ng mga ahensya ng gobyerno? Para matugunan ang kalidad ng
pag aaral gamit ang blended learning.
Nerissa: Sa sitwasyon ng
ating bansa ngayon, malaking pagsubok ang umusbong kaugnay sa edukasyon. Ngunit
kahit ganito ang kalagayan ng bansa, mahalaga pa rin na ang edukasyon ng bawat
tao. Ang ahensya ng Gobyerno at ang Kagawaran ng Edukasyon at ang mga
eskwelahan ay nagbigay ng mga iba’t ibang paraan para masulusyunan ang ganitong
sitwasyon. Ang iba ay nag sagawa ng online class, at ang iba naman nag sagawa
ng modular. Sa ganitong daloy ng edukasyon kailangan maging handa ang mga
mag-aaral sa mga posibleng mga problema na pagdaanan. Dahil sa mga posibleng
mga problema na ito ay maraming mag-aaral ang piniling huminto na lamang muna
sa pag-aaral ngayon taon. Marami rin ang mga walang kakayahan na sumabay sa
ganitong sistema at ang iba ay walang kakayahan upang makipag sabayan sa mga
ibang estudyante na may kakayahang mag-access sa internet. May malaking papel
ang internet para sa pag-aaral ng mga estudyante ngayon. Ito ay makatutulong
upang mapadali ang mga gawain.
Dahil sa kalagayan ng ating bansa malaking
pagbabago ang mangyayare sa ating pag-aaral. Kahit gaano kahirap ang mga
pagdaraanan, mahalaga pa rin na matuto ang bawat tao. Ang mga paraan na
isinigawa ng mga ating Gobyerno ay hakbang upang ang lahat ang mag-aaral ay
matuto.
Sa ilalim ng blended learning, gagamit ng
telebisyon, radyo, at internet ang mga estudyante para sa pag-aaral nilla, at
kung maaari ay iiwas na sa face-to-face interaction.
Isa sa dapat bigyang pansin ng ating
gobyerno ay ang kakayanan ng bawat magulang at estudyante na magkaroon na sapat
na internet connection maging ang pagkakaroon ng gadget na magagamit sa blended
learning. Bukod pa dito, dapat din na isaalang alang ang mga guro na
nangangailangan din ng internet connection at gadget upang mas makapag bahagi
ng kaalaman sa mga estudyante.
Christine: Tama ka dyan Bb.
Gonzales ang unang dapat isa alang alang ng gobyerno ang iba't ibang
pinanggagalingang estado sa buhay ng mga estudyante. Dito natin makikita iyong
inequality sa mga bata na walang kakayanan mag online class kahit na sabihin na
ang lahat ay same lessons din per year level, iyong access nila sa resources
hindi pare-pareho. Dahil may mga bata na mayroong available na computer,
samantalang may mga batang aalalahanin pa ng magulang kung saan kukuha ng pera
para magka-internet o di kaya mag-renta ng computer para sa online classes.
KONKLUSYON
(Pasasalamat sa mga nanood at dumalo sa
panayam)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento