Linggo, Enero 16, 2022

Pangwakas na Pagsusulit - DALUMAT

 PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

DALUMAT

 

Pangalan: ______________________________________________________________

 

Para sa bilang 1-5. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. Piliin ang angkop na kahulugan ng mga ito batay sa nabasa o napakinggang pananaliksik.

1.       Espasyo

A.     Ito ay maituturing na isang sisidlan, ito ay kaganapan ng pagalalagay ng mga bagay-bagay sa isang sisidlan.

B.     Ito ang maituturing na isang entablado ng pagpapalaya ng sarili sa madla.

C.     Dito ginagawa ang pag-akto ng mismong paglaladlad ng sarili at pagkatao ng maituturing at tatawaging bakla.

D.     Dito’y walang makakakita sa iyo, nasayo ang espasyo para ipakilala ang sarili at madalas ito ay gaya ng lugar na malayo mapanghusgang lipunan.

2.      Bangkang Barangay

A.     Gawa sa isang malaking torso

B.     Sakayan ng mabilis at magaan ang kagililan

C.     Nilapatan ng pako, mahagway ang proa at popa at maraming mananagwan sa magkabilang gilid.

D.     Kalipunan ng mga pwesto sa pamahalaan.

3.      Barangay


A.     Poblacion

B.     Kapwa bangka

C.     Yunit ng sosyo-politikal

D.     Wala sa nabanggit


4.     “Pilipinas pagkaraan ng isang siglo”- sanaysay

A.      Paglitaw ng sensibilidad at kamalayang historkal na kailangan  upang makasulong ang masa tungo sa kasarinlan.

B.     Tungkol sa estetika na ang bawat lahi ay may kanyang ideya.  

C.      Pagsibol ng ibat ibang paniniwala at adhikain

D.      Pagkontra sa modernisasyon.

5.      Kritika

A.     Diskurso laban sa kapangyarihan, totalidad, at heyarkiya ng makapangyarihan.

B.     Iskolarling paraan ng pangangatwiran.

C.     Paglalatag ng mga komento, proposisyon at argumento.

D.     Lahat ng nabanggit.

Para sa bilang 6- 15. Suriin ang sumusunod na layunin: Ibigay ang pananaliksik na kinabibilangan nito.

A.      Ang Pinagmulang kaisipang feminista sa pilipinas

B.      Espasyong Bakla sa Rebolusyong Pilipino

C.      Mula tore hanggang palengke nina b. lumbera

D.      Kontra-Modernidad

E.       Ang Kritika sa panahon ng krisis

F.       Edukasyon bilang Tagpuan ng Katwirang Lungsod at Katwirang Lalawigan

G.      Barangay: Bangka at Lipunan

 

6.     Hindi na teoretikal lamang ang pag-iisip. Sa sandalling mailahad ito, ito’y humahati o naglalapit, nagtutulak o umaakit, dumudurog, humihiwalay, nag-uugnay at muli pang nag-uugnay; hindi niya mapipigil na hindi magpalaya o manugo.

7.       Kung ang katotohanan ay matatagpuan sa pagtutugma ng katwiran at karanasan, ang kabutihan ay matatamo sa pagtutugma ng teorya at praktika.

8.      Na makapangligaw o manuyo ng mga dalaga sa kabilang ibayo at doon isinasakay ang lahat ng mga kakailanganing kasangkapan para sa nasabing gawain kasama ang buong bayan.

9.      Larawan ng maigting na pagtatalo ng mga kontradiksyon sa mga pampulitika’t pang-ideolohiyang lakas ng isang lipunan.

10.   Kami ang pita ng mga di-kilalang tao kahit saan.

11.    Magiit na pagpapanatili ng mga reliko at alaala ng panahong iyon na nagsisilbing hamon na tumuklas at mapagyaman ang maritimong aspeto ng ating kasaysayan

12.   Mapalaya at pakikilahok ng ibat ibang sector ng lipunan upang palayain ang naghahatiang uri at nagsasamantala sa kanila,

13.   Pagkalagak ng mga sinaunang konseptong babae at pagkababae na patuloy na nakikita sa media bilang pangkusina at pambahay lamang.

14.  Ang gumuguhit ng pagkakaiba ng lungsod at lalawigan sa ekonomikong batayan.

15.   Pagtalakay sa mga idealisasyon ng pagkaina at pagkabirhen.

 

 

Para sa bilang 16-20. Suriin ang mga sitwasyon at tukuyin kung saang bahagi ng pananaliksik nabibilang ang mga ito.

16.   Ang bawat isa ay mayroong bala sa kanilang isang kamay, tanda ng kanilang pagtataya sa armadong pakikibaka.

A.     Ang pagdadalaga ng Baklang Aktibista

B.     Tunggalian sa loob at labas ng baklang wagi

C.     Paglaya/Pagpapalaya at pakikibaka ng mga bakla

D.     Mga baklang pulang mandirigma

E.      Espasyong bakla sa rebolusyon

17.   Kauna-unahang kasal ng dalawang lalaki sa ilalim ng Partido Komunista ng Pilipinas.

A.     Ang pagdadalaga ng Baklang Aktibista

B.     Tunggalian sa loob at labas ng baklang wagi

C.     Paglaya/Pagpapalaya at pakikibaka ng mga bakla

D.     Mga baklang pulang mandirigma

E.      Espasyong bakla sa rebolusyon

18.  “Taglay ko ang puso ng isang bakla”- Joan 25 taong gulang at kasama sa isang platun ng Bagong Hukbong Bayan.

A.     Ang pagdadalaga ng Baklang Aktibista

B.     Tunggalian sa loob at labas ng baklang wagi

C.     Paglaya/Pagpapalaya at pakikibaka ng mga bakla

D.     Mga baklang pulang mandirigma

E.      Espasyong bakla sa rebolusyon

19.  Pagkakatatag ng lihim na kilusang MAKIBAKA para sa mga kababaihan na naitatag noong dekada’70.

A.     Ang pagdadalaga ng Baklang Aktibista

B.     Tunggalian sa loob at labas ng baklang wagi

C.     Paglaya/Pagpapalaya at pakikibaka ng mga bakla

D.     Mga baklang pulang mandirigma

E.      Espasyong bakla sa rebolusyon

20. “Bakla ka ba, anak?”, “Hindi ko po alam” ang tanging naisagot niya. Bagamat alam niyang siya ay nagkakagusto sa kapwa niya lalaki, hindi niya ito idineklarang nasa sa kanyang ama.

A.     Ang pagdadalaga ng Baklang Aktibista

B.     Tunggalian sa loob at labas ng baklang wagi

C.     Paglaya/Pagpapalaya at pakikibaka ng mga bakla

D.     Mga baklang pulang mandirigma

E.      Espasyong bakla sa rebolusyon

 

21.   Alin sa mga sumusunod ang teoryang tumatalakay sa pagkakagamit ng teknolohiya upang hubugin ang pagpapahalaga, iskema ng paniniwala, saloobin at diwa ng karamihan.

A.     Postmodernismo

B.     Kontra-modernidad

C.     Teorya ng Pagtuklas

D.     Teorya ng Modernisasyon

22.  Bakit naging problema ang modernidad sa Pilipinas?

A.     Dahil sa walang “structural differentiation”

B.     Dahil sa “unique” o natatangi ang ating bansa

C.     Dahil sa pagtatagisan ng mga uri ng lipunan

D.     Lahat ng nabanggit

Para sa bilang 23-30. Piliin sa Hanay B ang ugnayan ng mga pangungusap sa Hanay A. Titik lamang.

HANAY A

HANAY B

23.   ang mga aesthete na naniniwala sa primaryang aksyoma ng sining-para-sa-kapakanan ng sining

24.  Umugong ang hiyawan.  Tumututol ang marami sa kanyang ibig mangyari.  Hindi maaari ang ganyan. Kailangang patayin ang sinomang mag-eskirol. Walang itatangi. Isang babae ang tumindig. Nagsalita. Kailangang ipagtanggol ang karapatan ng mga nagsisi-aklas. Kailangang ipagtagumpay ang simulain natin sa kabuhayan.  Umugong ang sigawan ng mga sumang-ayon.

25.   ang naniniwala na ang pinaimportanteng layon nila ang “pagpapaunlad ng kagayan ng tao at sa pagtatanggol sa kanyang karapatan.”

26.   modernidad ng Pilipinas ay nailuwal sa paggapi sa rebolusyonaryong bansang supling ng 1896 rebolusyon, na bunga naman ng piling kaisipang makabago na hinango o minana sa kolonyalistang Espanya

27.   ang daloy ng kolonisadong lipunan batay sa paghahati’t tunggalian ng mga ibat ibang uri, sektor, pangkat at sa magkahalo’t di-singkronisadong moda ng produksyon at reproduksiyon. Hihimayin natin ang masalimuot na habi ng kulturang ito

28.   makikilala lamang ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkilala sa iba,”

29.  “panahon na ngayon ng ating Rebolusyong sosyal, sapagkat sa akala ko’y puno na sa pagtitiis ang ating ma maralita.” 

30.  Ang palad ay walang palagiang banig ni isang uupang sukat na makamit. Pagkagiring pula!  Siya’t magtitindig ng api’t mamamatay sa mga malupit.

 

A.     Paghimay sa Buhol ng panahon/lugar

B.      Interbensyon ng mga dinusta

C.     Ugat at usbong ng pagbabanyuhay

D.      Sinikretong akda

E.      Matris ng mga kontradiksyon

F.      Binalangkas na kathambuhay

G.     Diyalektika ng Indibidwal at Madla

H.    Kasukdulan tapos kalakasa?

I.        Pananagutan ng Sining

J.       Pusot kaluluwa ang sandata

K.     Paglilitis ng tadhana

L.      Aklasan: pagsalungat sa kapalaran

M.   Paglalakbay sa sandagaan ng barikada

N.    Isang nagbunga ng dalawang may pangatlo

O.    Montage: Sintomas ng Kinabukasan

 

 

Para sa bilang 31-35-TAMA O MALI- Ang mga sumusunod ay ideya na KRITIKA, suriin kung ito ay tama. Piliin ang KRITIKA kung ang pahayag ay tama at KRITIKO kung ito naman ay mali.

31.    Isang rasyonal at sistematikong pagtalakay sa iba’t ibang uri ng sining o likhang isip, ang pagpapaliwanag o pagpapahalaga ng mga pamamaraan niro at produkto.

32.  Ito ay akksyon ng diwang sumisira’t bumubuo, nagpapalit nagbabago ng isang rebolusyong lakas ng tao.

33.  Pagbibigay ng direksyon tungo sa pagbubuo ng kulturang makamasa’t mapagpalaya.

34. Ito’y humahati o naglalapir, nagtutulak o umaakit, dumudurog, humihiwalay, nag-uugnay at muli pang nag-uugnay; hindi niya mapigil na hindi magpalaya o manugpo.

35.  Ito ay isang pag-asa.

 

 

Para sa bilang 36-45- Piliin ang EPEKTO kung ang mga pahayag ay nagdudulot nito sa pananakop ng mga amerikano sa pilipinas. Piliin naman ang KASANGKAPAN ng PANANAKOP kung ito ang mga ginamit para sa kanilang pansariling kapakanan.  Piliin naman ang WALANG KAUGNAYAN kung ito ang inihahayag ng pahayag o mga salita.

A.     EPEKTO

B.     KASANGKAPAN

C.     WALANG KAUGNAYAN

36. Paggamit ng wikang Filipino sa Pilipinas

37.  Pagtatatag ng pampublikong paaralan

38. Pag-aaral ng mga katutubong wika at hindi lamang bilang Filipino

39. Pagkakalayo ng agwat sa mga edukado sa mga di edukado

40. Pagpapalaganap ng mga pagpapahalagang Amerikano

41.  Maigting na kabalintunaan ng edukasyon

42. Pagpapahalagang taliwas sa pamumuhay

43. Di pagtangkilik sa mga bibliya at mga panitikan sa pag-aakalang gawa ito ng mga dyablo.

44. Pagkakaroon ng mamahaling edukasyon na lumilikha ng mga banayaga sa sariling lupa

45. Pagbabalat-kayo

 

Para sa bilang 46-55. Basahin ang mga sumusunod at tukuyin alin sa mga katwiran ang kaugnayan nito.


A.     Katwirang Lungsod

B.     Katwirang Lalawigan

C.     Katwiran

D.     Walang kaugnayan


46.  Paghingi ng tugon mula sa lumiliban na mag-aaral sa klase.

47. Pagkahulig ng anumang bagay sa lupa matapos bitiwan sa ere.

48. Pamahiin at mga relhiyon

49.  Mataas na pagpapahalaga sa material na bagay

50.  Sentro ng kalakalan

51.    Malayo sa kasudulan ng ating mananakop

52.   Pagbabalangkas ng ating praktikal at teoretikal na pag-unawa sa mundo sa ating pagkilala ng mabuti sa nararapat.

53.  Siyentipikal at matematikal

54. Sentro ng paggawa at pananalapi

55.  Pagpapanatili ng katutubong tradisyon

Para sa bilang 56-70. Suriin ang bahagi ng pananaliksik at ibigay ang hinihingi sa loob ng kahon. 15 puntos.

Dalawang Kaso: Kunwari o Halimbawa? Alin sa Dalawa? Sinong Siya? Tao o Bagay?

Maria Fe E. Gannaban

Tulad ng ibang wikang buhay, hindi naiiba ang wikang Filipino sa iba pang wikang ginagamit ng tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa mga pagbabagong nagaganap- sa usapin man ng makrolingguwistiks o mikrolingguwistiks. Ang papel na ito ay isang pagtatangkang pagsusuri sa kalakaran o signal na nagaganap sa wikang Filipino. Partikular na sinuri ay ang pagtalakay sa gamit ng “siya” hindi lamang panghalip panao kundi napansin ng mananaliksik na isa itong kalakaran na umiiral sapagkat ginagamit ang “siya” bilang pantukoy rin sa ibang bagay o pangyayari at iba pa. Gayundin, isa pang signal ang nakita sa pagbabago ng gamit ng wikang Filipino sa ngayon, lalo na sa mga kabataan at mag-aaral, ang gamit ng “kunwari o kunyari” bilang pamalit sa salitang halimbawa. Ang mga nailahad na usapin tungkol sa halimbawa-kunwari/kunyari at siya ay ilan lamang sa masusing obserbasyon sa pasulat at pasalitang nakaharap ng mananaliksik na tila isang lingguwistikong penomenon (ginamit ni Ople) o kalakaran at signal (ginamit ni Espiritu) na patuloy ang pag-igpaw nito sa ating gramatika.

Inilahad at dinalumat ang mga kaso ng kunwari/kunyari at siya na tahasang maituturing na isa lamang sa mga kalakaran at signal sa gramatikang Filipino sa kasalukuyan. Sa usaping ito, nararapat at panahon na siguro upang bigyan ng seryosong pansin ang mga nabanggit sa pagbubuo ng makabagong gramatikang Filipino. Datapwat, hindi naman ninanais ng mananaliksik na ilagay ang mga kasong nabanggit sa tuntuning gramatika sa kasalukuyan. Ito ay higit na nangangailangan pa ng mahaba-habang panahon upang ito’y dalumatin, sipatin, at limiing mabuti sa pagbubuo ng ating gramatika. Ngunit ang lahat ng malaki ay nagsisimula sa maliit at ang maliliit na hakbang ay may patutunguhan pa rin.

 

 

 

Panuto: Ibigay ang mga sumusunod gawing batayan ang nasa loob ng kahon. 5 puntos bawat isa.

Layunin

 

 

 

 

 

Kongklusyon

 

 

 

 

 

 

Pamamaraan na gagamitin sa pananaliksik

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Walang komento: