BAYANG
SINISINTA
|
Sa
parang ng digma, na taboy ng hibang na pakikibaka, ang handog ng iba ay buhay
nang walang alinlanga’t dusa, walang kailangan kahit saang pook, lungkot o
ligaya, bibitaya’t parang, digmaa’t paghihirap lahat ay iisa, kung gayon ang
nais ng Baya’y tahanang pinakasisinta.
Huling
Paalam , ni Dr. Jose Rizal
Sadyang napakalakas ng pangitain ni
Dr. Jose Rizal sinabi niyang “KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN.” Kahit noon pa man
ay labis na ang paghahangad ng KALAYAAN ng ating pambansang bayani kasama ang
mga Pilipinong may malasakit para sa bansa.
Batay
sa Kasaysayan ay natunghayan na ang maraming pangyayaring naganap na kung
minsan ay mahirap maipaliwanag kung saan nagsimula at bakit naumpisahan.
Isa sa
malaking dagok na kinahaharap nating mga Pilipino ay kung kailan matatapos ang
kaguluhan sa Marawi City. Oo nga’t hindi ka taga-Marawi, hindi ka nakakaranas
ng kanilang paghihirap ngunit na sa iyo pa rin ang kanilang pag-asa, humihingi
sila ng tulong sapagkat ikaw ang maaring tumugon. Ikaw ang maaring kumilos para
sa kanila.
Ano?
May maitutulong ka ba?
Hayaan
mo muna akong ikwento sa iyo kung paano nga ba ito nag-umpisa?
Ang labanan sa Marawi ay away sa mga moro, digmaan laban sa droga
sa pilipinas at digmaan laban sa terorismo. Iyan ang tatlong bahagi at naging ugat ng
krimen na kinahaharap natin ngayon. Ang labanan sa pagitan ng Pilipinas at ang
tinatawag nating Islamikong Estado ng Iraq at ang Levant.
Mayo 23, 2017 hanggang kasalukuyan ang
kaganapang ito sa Marawi, Lanao del Sur at ang estado nito’y nagpapatuloy pa
rin hanggang ngayon.
Sino
ba sila?
Sila
rin ang pinakamalaking teroristang grupo sa daigdig, sa kasalukuyan mayroon
silang 200,000 terorista sa Irak at sa Syria habang may tinatayang 30,000
terorista naman ang meron sila sa Libya, Ehipto, Pakistan, Afghanistan, Algeria
at sa Timog-Silangang Asya kabilang na ang Pilipinas.
Kilala
ang grupo sa kanilang madugong propaganda, kasali ang kanilang pamumugot ng ulo
sa kanilang bihag at kanila na lamang inilalagay sa internet bilang pagpapaalam
sa nakararami.
Si Isnilon Hapilon ang pinuno ng Abu
Sayaff samantalang sina Omar at Abdullah Maute naman ang pinuno ng pangkat
Maute na naiulat ng namatay.
Ilan
kayang babae, lalake, lolo, lola, ina, ama o kabataang gaya mo ang natakot,
naghirap, nagka-trauma, at nakitil ang pagkakataon na tuparin ang pangitain ng
ating pambansang bayani. Sana’y hindi sila kabilang sa 100 sibilyan na namatay
sa bakbakan maging sa sakit na dulot ng kawalan ng pagkain, maiinom, maayos na
tahanan higit sa lahat ay ang payapang kaisipan.
Sana’y buo pa rin sila, sana’y sama-sama
pa rin sila. Sana’y nasa kanila pa ring isip na “may Diyos na hindi mawawala at
magpapabaya sa kalagayan namin ngayon”. Nawa’y hindi sila makalimot.
Sinasabing
nag-umpisa ito ng ilunsad ng pamahalaan ng Pilipinas ang opensiba sa lungsod
upang hulihin si Isnilon Hapilon ng grupong Abu Sayyaf. Ito’y matapos na
makatanggap ng mga ulat na si Hapilon ay nasa lungsod. Maaring ito’y upang
makipagkita sa mga militante ng pangkat ng Maute.
Ano pa
nga kaya ang naghihintay sa kanila? Kung ang mga gusali, lungsod, Pambansang
Estado ng Mindanao, bilibid, ospital, paaralan, at maging ang kani-kanilang
tahanan ay inokupa na ng mga bandidong Maute.
Ngayon!
May naisip ka na bang itutugon?
Hayaan
mo naman ngayon na GISINGIN KITA!
Sapagkat
napakapalad mo, hindi mo alam ang pakiramdam na nasa ganung kalagayan, malayo
ka sa krimen, sa bisyo ng ibang kabataan, sa kahirapan na araw-araw pilit
nilang nilalampasan, hindi ka rin expose sa drugs maging sa child labor. You are guided by the words of God, A
PEACEFUL MIND, may tirahan ka na ginagabayan na iyong pangalawang magulang
(guro at madre), patuloy na ibinibigay ang iyong pangangailangan, kasuotan na
nakatutulong upang bihisan ang iyong pagkatao, kaibigan na handang makinig at
suportahan ka sa iyong pangarap at EDUKASYON na magdidikta kung sino ka sa
darating pang panahon. Iyan din marahil ang inaasam ng bawat indibidwal na
may problema ngayon.
Tingnan mo ang isang agilang lumilipad
sa himpapawid at sumasabay sa ihip at lamig ng hangin. Masdan mo kasi kailangan
mong tingnan ang ganda. Ngunit paano ba sila nakalilipad ng gayun katayog? Iyon
ay dahil sa kanilang mga pakpak na tinutulungan ng hangin upang lalo pang
tumaas. Kung iyong iisipin, kung wala ang mga biyayang iyon ng hangin ay
mananatili siya sa ibaba.
Kung
kaya’t kailangan natin ng suporta maging nang tulong, maaring hindi pinansyal
ngunit kayang kaya natin tulungan sila sa paraang magpapahalaga tayo sa kung
anong mayroon tayo ngayon at ang higit sa lahat ay huwag kang maging kontento
na ang banal na tao lamang ang marunong magdasal, ang marunong lumapit sa
Panginoon.
Nakapanayam ko ang isang mag-aaral dito sa Boystown,
“dito
ko nakilala ang nag-iisang Diyos na kung saan para sa akin ay kakaiba at hindi
ko lubos na maunawaan, sa tulong ng Sisters of Mary School-Adlas, Inc. ay
nabigyang linaw ang lahat. Tinuruan ako ng maayos na pagdarasal.”
“Masaya
dahil nakapag-aral ako ng maayos at libre at gayundin sa mga bagay na wala ako
na di ko lang nakuha physically but also emotionally and spiritually.”
“Lubos
ang aking pasasalamat kay Fr. Al at sa mga madre dahil itinatag at
ipinagpatuloy pa nila ang ganitong institusyon na nagbago sa maraming buhay ng
kabataan na hirap at kapus-palad. Nais ko silang pasalamatan dahil sa kanilang
mga ginawa at pagmamalasakit na kanilang ipinakita sa mga batang gaya ko.”
(panayam kay G. Axl Rose
Villanueva)
Maaatim
na natin ang pangitain ni Dr. Jose Rizal kung tayong magulang, pangalawang
magulang, mga madre at mga taong nakapaligid sa kanila ay may iisang adbokasiya
kung paaano natin huhulmahin ang kani-kanilang pag-uugali. Tulungan natin sila,
maging ang mga guro at madre sa paraan ng kanilang pamumuhay na hindi kailanman
mabubura sa kanilang puso at isipan kung paano nagnanais si Fr. Al sa kanyang
sinabi na “You are not created to be fat little ducks waddling in the mud, but
to be an eagle destined to rise and explore the kingdom of God”
Sa
isang pamayanan dapat nagkakaisa ang lahat ng tao. Ang makabuluhang misyon,
magandang layunin at mataas na ambisyon ay dapat kasama sa kanilang mga plano
para sa ikauunlad ng kanilang pamayanan. Nagkakaisa, nagtutulungan at magkakabigkis
tungo sa isang magandang simulain.
You did not choose me, but I chose you and appointed you so that you
might go and bear fruit—fruit that will last—and so that whatever you ask in my
name the Father will give you.
John 15:16
Tumawag
ka lang at Siya’y tutugon
Maaring
hindi pa ngayon ngunit sa tamang panahon
~Bb.
JSC
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento